#Announcement

486 18 0

Ken.

Ilang buwan ang lumipas at hindi na kami muling ginambala ni Cris pagkatapos ng breakdown ni Ice ko. At wala rin naman akong nababalitaan na drama kina Toffer at Xavier, okay naman mga relasyon nila.

Liban nalang kina Lanz at Alex. Simula nung araw na pinili ni Alex na sumama kay Josh ay hindi na sila nagpapansinan, hanggang ngayon.

September na ngayon, tatlong buwan simula nung nangyari yun at ibig sabihin, tatlong buwan na silang nagpapataasan ng pride.

Medyo gets ko ang side ni Lanz kasi sya ang iniwan eh, pero si Alex, medyo naiinis ako sa kanya kasi alam nya naman na at halata naman na nagseselos si Lanz kay Josh, na ayon sa sources ko — and by sources I mean si Ice ko at ang bunganga nya — ay first love pala ni Alex.

Last time kasi pumunta sina Toffer, Xavier at Lanz sa unit ko at wala lang man talk lang, tapos biglang sumulpot si Ice ko kasi manghihingi sana sya ng Ice cream kasi naubusan daw sya, na-figure namin na since magkaibigan naman sila ni Alex, siguro naman may naikwento si Alex kay Ice tungkol kay Josh.

At hindi nga kami nagkamali, after ng ilang oras na pagpipiga ko kay Ice para sabihin yun — na napakahirap pa kasi pinagtripan nya kami, pinabili ng kung anu-ano, inutusan ng ganito ng ganyan, pero syempre para sa kaibigan namin — sinabi nya rin naman at yun nga, kinuwento nya samin na first love ni Alex si Josh pero magkaaway ang pamilya nila kaya umalis sina Josh at ang pamilya nya papunta sa Amsterdam at naiwan si Alex.

Halos mag-wala si Lanz nung nalaman nya yun, mabuti nalang at may kasama kaming babae na pinaintindi samin kung paano mag-isip ang normal na babae, ewan ko kung paano nalaman yan ni Ice ko kasi hindi naman sya normal. Haha.

So yun nga, dagdagan mo pa na si Josh ay binibigyan ng kung anu-ano si Alex pagdating nya sa classroom nila, sabi nga ni Shaem kasi diba magka-klase sila. Tapos si Alex naman ay mukhang malapit na daw bumigay.

Na-notice ko pa na medyo nagiging cold na si Ice kay Alex, kaya eto nga, kinakausap ko sya ngayon.

"Eh kasi nakakainis lang talaga eh. I mean, kaibigan ko silang dalawa ni Lanz, pero iniisip ko lang kung ano sa tingin ko ang tama, at para sakin mali tong ginagawa ni Alex." Sagot ni Ice ng tinanong ko sya tungkol dun.

"Paano mo naman nasabi na mali?" Tanong ko.

"Iniwan sya nung tao eh, nang hindi nagpapaalam tapos muntik pa syang mapahamak then years later, babalik sya, sasabin na patay na ang mga magulang nya and they're free tapos he'll go all sweet to her kahit alam naman nyang may boyfriend na si Alex. Tapos si Alex naman, hindi pinipigilan o ano si Josh na gawin yun kahit may boyfriend sya na alam nyang nasasaktan." Paliwanag ni Ice at napatango tango naman ako. May point sya.

"I think Alex is still stuck in the fairy tale that she and Josh created. Tingin ko na-stuck sya sa idea na si Josh ang destiny nya, hindi nya iniisip ang current situation and it seems like Lanz never existed to her." dagdag nya.

Nung nag-bell na ay nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room namin, hindi kasi kami sumabay ng lunch sa tropa ngayon, gusto ko lang kasi syang masolo.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko kina Skye at Xavier nang makita namin sila pati ang iba naming mga kaklase na lumalabas ng classroom.

"Sa auditorium, may announcement daw tungkol sa nalalapit na founding anniversary." Sagot ni Skye.

Sabay kaming apat na pumunta sa auditorium at lumapit kami kina Lanz, Shaem, Alex at Toffer na naka-pwest na dun.

Nag-partner partner na kaming anim at naiwan sina Lanz at Alex na awkward na nakaupo sa tabi ng isa't isa. Ewan ko nalang sa dalawang to.

"Good afternoon students of Hamillton Academy, alam nyo naman na siguro na malapit na ang founding anniversary natin, diba?" Tanong ni sir Hams at sumagot naman ng yes ang mga estudyante.

"At may magaganap na Battle of the bands!" Sabi pa ni sir at sigawan naman ang mga estudyante.

"Last year, nagparticipate ang school natin sa naganap na worldwide battle of the bands, at ang dapat na mag-rerepresent para sa school natin ay ang Playmates, pero dahil sa isang nakakabobong dahilan, ang mga kasama nila, ang Mean Girls ang tumugtog, actually nagpapasalamat parin ako sa Playmates kasi hindi ang mga magulang nila ang dinala nila, ano nalang kaya ang mangyayari pag ganun diba?" Sabi ni sir at tawanan naman sila. Oo na sir, alam ko nakakabobi talaga ang dahilan namin nun. Hahaha.

"At dahil sa Mean Girls, kahit papano ay naging second place ang school natin. Out of all elite schools in the world, I think that's a pretty good place." Dagdag ni sir, "At bilang pasasalamat, I will give them the honor to be the judges of the upcoming battle of the bands."

"May I call on, Mean Girls to the stage, please?" Sabi ni sir, tumayo naman silang apat at pumunta sa stage. Nag-usap usap sila ni sir sandali dun tapos bumaba na si sir mula sa stage at pumwesto sina Skye sa drums, Shaem sa electric guitar, Alex sa bass guitar at si Ice ko sa harap ng microphone na naka-set sa stage.

"Hello everybody, I'm Ash, vocalist of Mean Girls, that one on the drums is Skye, Shaem on the electric then thats Alex on bass and we're going to perform a little song to spice your day. Enjoy." Sabi ni Ice ko sa mic.

"Girlfriend ko yan!!" Sigaw ko, "Go Ice ko! I love you!" Napangiti naman si Ice at nagkantyawan ang mga tao.

"Let them know that we're still rock n roll."

Pag-uumpisa ni Ice ko sa kanta. Rock n Roll pala ni Avril Lavigne ang kakantahin nila.

"I don't care about my make up

I like it better with my jeans all ripped up

Don't know how to keep my mouth shut

You say so what?

I don't care if I'm a misfit

I like it better than the Hipster of all shit

I am a mother fucking princess

You still love me, yeah"

"Go Shaem babes ko! Whoo!" Sigaw ni Xavier.

"Go Ice Ice Baby!!" Sigaw ko naman.

Si Toffer masyadong cold at hindi bagay sa image nya ang pagsigaw kaya ang ginawa nya ay kumuha sya ng bond paper at pentel pen tapos sinulatan nya ng "Go Skye❤❤"

Medyo nakakabakla lang yung heart heart eh. Haha. Tapos si Lanz naman, stay put lang. Kasi nga diba, war sila ni Alex?

"When it's you and me

We don't need no one  to tell us who to be

We'll keep turning up the radio

When it's you and I

Just put up a middle finger to the sky

Let them know that we're still rock n roll."

Nang matapos ang kanta ay nagsalita si Ice ko sa microphone.

"Tomorrow at 9 am sa music hall, may magaganap na pre-audition para sa battle of the bands, just to make sure that people joining the BOTB won't be complete idiots. Thank you."

Bababa na sana sila pero bumalik ulet si Ice sa mic na tila may nakalimutang sabihin.

"Oo nga pala, isulat nyo ang pangalan ng banda at number of members sa papel na naka-dikit sa bulletin board." Dagdag ni Ice ko tapos bumaba na sila ng stage.

Unti unti nang nagsilabasan ang mga estudyante habang pinag-uusapan ang magaganap na pre-audition bukas. Humarap naman ako kina Toffer, Xavier at Lanz.

"Syempre sasali ang Playmates, diba?" Sabi ko sa kanila at ngumiti naman sila bilang sagot.

Hello agaaaaaiiiiinnnnn~~~~ hahaha. Ok na si ako so ayan na! Magsawa kayo! dejokes. Haha. Sorry pala at natagalan ng bongga ang next ud, alam nyo naman. Haha. Pero double ud naman ako ngayon para makabawi! Please please please vote, comment and be a fan!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!