#TheLastGoodbye

428 13 6

Ken.

"I love you, anak." Sabi ni tita Val tapos bumaba na mula sa stage ng umiiyak, sinalubong naman sya ni Asher na umiiyak din.

Ako naman ang sunod na umakyat sa stage para magbigay ng eulogy para kay Ice.

"Good morning sa inyong lahat." Sabi ko sa microphone, "Ako po si Alexander Ken Billiones, bestfriend po ni Ice simula nung mga bata pa kami."

Napatingin ako sa blankong papel na dala ko. Sabi nila isulat ko daw ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya pero, hindi ko kaya. Ayoko mang magpaalam ng tuluyan sa kanya, wala narin naman akong magagawa.

Napatingin ako sa mga taong nag-iiyakan dito, kumpleto ang barkada, nagka-ayos ayos na sila, okay narin kami ni Cris. Pero parehas kaming lahat ng nararamdaman dito. Lahat kami malungkot sa biglaang pagkawala ni Ice.

"Magkasama na kaming lumaki ni Ice. Halos lahat ng mga pinaka-importante na mga araw sa buhay namin, magkasama kami. Nasa tabi ko sya ng magpatuli ako, at ako naman ang bumili ng pinaka-unang napkin nya." Sabi ko at kasabay ng pagngiti ko ay ang mahinang pagtawa ng mga tao.

"Kahit topakin tong si Ice, mabait naman sya. Napagtsa-tsagaan naman. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Nagmahalan kaming dalawa ng higit pa sa bestfriends. Parati syang nandyan para sakin. Pinapangiti at pinapatawa nya ako kapag malungkot ako, pinapatahan nya ako kapag umiiyak ako, pinagsasabihan nya ako at ni-le-lektyuran kung may mali akong ginawa. Ice, alam mo naiinis ako sayo." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

Masakit malaman na lahat ng pinagdaanan namin ay mga alaala nalang.

"Hindi ka man lang nagpaalam. Bigla ka nalang nawala. Bigla mo nalang kaming iniwan. Pero Ice gusto kong malaman mo, you're the feeling when I'm high, shoulder when I cry, wings when I fly, prize when I vie, cure to my 'aray', answer to my 'why', foundation of my tulay, truth behind the lie, the life after I die, in short, you are the center of my buhay." Iyak na ako ng iyak ngayon.

"Ice, mahal na mahal kita, sobra." Bumaba na ako mula sa stage at nagsimula naman ang music..

"Na na, na na na na na

I miss you, miss you so bad

I don't forget you, oh it's so sad

I hope you can hear me, I remember it clearly

The day you slipped away,

Was the day I found it won't be the same, oh."

Flashback.

"Galit na galit ako sayo kasi ilang araw mo akong iniiwasan nang hindi ko man lang alam kung ano yung problema mo sakin! Galit ako sayo kasi parang nanabaliw ako kapag wala ka! Feeling ko kulang ang bawat araw ko nang wala ka! Paranag ayaw ko nang magising sa umaga kasi alam ko na hindi mo rin naman ako papansinin! Ewan ko Ken, pero tingin ko mahal na yata kita! Ewan ko kung paano at bakit pero mahal na yata kit---" di ko na sya pinatapos, hinawakan ko ang mga kamay nya.

"Mahal mo ako?" Tanong ko sa kanya. Fxck shxt tong puso ko, parang sasabog na.

"Ewan ko. Siguro." Sagot nya nang hindi nakatingin sakin. Hindi yun yung gusto kong sagot pero pwede narin. At least diba?

"Kasi, Ice..." takte kinakabahan ako, "Kasiakorinmahalyatakitaeh." Mabilis na sabi ko.

"Ano?" Tanong nya. Nakatingin na sya ngayon sakin. Kainis. Mas lalong nagwala ang puso ko.

"Tingin ko kasi mahal na rin kita." Dahan dahan kong sabi nang hindi nakatingin sa kanya.

"Na na, na na na na na

I didn't get around to kiss you, goodbye on the hand

I wish that I could see you again, I know that I can't

Oh, I hope you can hear me

Cuz I remember it clearly

The day you slipped away

Was the day I found it won't be the same, oh."

"Ah so, naisipan mong mambabae?!" Sagot nya, binitawan ko sya mula sa yakap ko pero nanatili ang mga kamay ko sa balikat nya.

"Hindi. Kasi naman, nagtest sa math. Eh hindi ki naman nalaman agad yun kasi iniisip kita. Kaya ayun, nalaman ko nalang na ipapasa na yung papers. Wala na akong makopyahan kaya ayun." Sabi ko.

"Eh bakit kasama mo sya?" tanong nya. Kalmado na ngayon ang boses nya.

"Pinatutoran ako ni maam sa kanya. Kaya wag ka nang magselos, okay? Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh." Sabi ko.

"I've had my wake up, won't you wake up I keep asking why

And I can't take it, it wasn't fake it, it happened you passed by

Now you're gone, now you're gone

There you go, there you go

Somewhere I can't bring you back

Now you're gone, now you're gone

There you go, there you go

Somewhere you're not coming back.."

Binigay ko sa kanya ang teddybear na dala ko tapos nakita nya na topless ako. Napatingin sya sa katawan ko tapos binasa nya yung mga katagang nakasulat sa abs ko.

'Will you go out to prom with me?'

Tinignan nya ako nang may ngiti sa mga labi.

"Tinatanong pa ba yan?" Sabi nya tapos niyakap nya ako.

"I love you so much Ice ko." Sabi ko.

"I love you too Ken ko." Sagot nya.

"The day, you slipped away

Was the day, I found it won't be the same, no

The day, you slipped away

Was the day, that I found it won't be the same, oh

Na na, na na na na na

I miss you."

Kasabay ng pagkatapos ng kanta ang pagsabi ko ng huling paalam kay Ice.

Mami-miss kita Ice ko.

Mahal na mahal kita.

Okkkkkk so may book 3. Hahaha kalma lng pipz. Everything happens for a reason.. hahaha xD

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!