#KungPwedeLang

385 11 0

Vee.

"Ang ganda ng ngiti natin Cris, ah? May nangyari bang hindi namin nalalaman?" Tukso ni Aj.

"Ok na kami ni Ash." Sagot nya.

"As in kayo na ulet o friends?" Tanong ko naman.

"Bestfriends." Sagot nya, "Ok narin yun, at least magkaibigan kami."

"Yan tayo eh." Sabi ko tapos nag-fist bump kaming dalawa.

"Eh ikaw, Aj? Ano na?" Tanong ni Cris.

"Wala." Sagot lang ni Aj at nagkibitbalikat nalang si Cris.

"Vee, may alam ka bang nangyari kay Shaem?" Tanong ni Alex. Nangyari kay Shaem?

"Wala. Bakit, may nangyari ba sa kanya?" Tanong ko.

"Ewan ko. Bigla nya nalang akong sinugod eh. Pinagbibintangan nya ako, kasalanan ko daw. Eh wala naman akong naaalala na ginawa sa kanya eh." Sagot nya.

"Kausapin mo kaya, tol?" Sabi naman ni Josh.

"Susubukan ko, pero alam nyo namang mainit ang dugo ni Xavier sakin eh." Sagot ko.

Ano kaya ang nangyari kay Shaem?

"Oy, Cris, si Ash oh." Biglang sabi ni Josh habang nakaturo sa likod ni Cris.

Nandun nga si Ash, kasama nya si Skye, siniko ko si Aj, "Si Skye mo oh, kausapin mo kaya?"

"Sa susunod nalang." Sagot lang nya. Gago talaga to.

Nang dumaan silang dalawa sa gilid namin ay tinawag ni Cris si Ash.

"Ay, Crisostomo! Bakit?" Sabi nya na parang tinutukso si Cris.

"Pasalamat ka maganda pangalan mo." Sabi lang ni Cris. Wow, si Ash lang ang nakakatawag kay Cris na Crisostomo ah? Kahit kasi kami ang tumawag sa kanya nun, sinasapak nya kami eh. Haay. Pag-ibig nga naman.

"Naman! Kasing ganda ko!" Sagot ni Ash tapos tumawa, nang mapatingin naman sya kay Alex ay biglang nawala ang tawa nya at sumungit ang aura nya.

"Geh." Sabi nya tapos aalis na sana sila, pero pinigilan sya ni Cris.

"Dito nalang kayo sumabay saming kumain." Sabi ni Cris.

"Ayoko nga." Sabi ni Ash tapos aalis na sana ulet pero pinigilan sya ulet ni Cris.

"Sige na naman, Ash oh. Pleasee." Pa-cute ni Cris. Marunong pala syang magpa-cute?!

"Tabi nga dyan!" Sabi ni Ash tapos tinulak ng bahagya si Cris para maka-upo sya sa tabi ni Cris.

"Skye, upo ka." Sabi ni Ash tapos pina-usog pa si Cris para maka-upo si Skye sa kabilang tabi nya. Nagkatabi pa sina Aj at Skye, yun tuloy, awkward.

Nagsimula na kaming kumain, tapos naalala ko, tinanong ko si Ash, "Si Shaem nasaan?"

"Ewan ko." Sagot nya.

"Eh si Xavier? Nasaan?" Tanong ko ulet.

"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao?!" Sigaw nya sabay hampas sa lamesa. Nagtatanong lang naman ako ah?

"Sorry." Sabi nya tapos bumalik sa pagkain.

"Ash may problema ka ba? Alam ko nagsusungit ka lang kung may problema ka eh." Sabi ni Cris.

Napa-buntong hininga naman si Ash at tumingin kay Cris, "Pwede ba tayong mag-usap?"

"Oo naman." Sagot ni Cris tapos umalis na silang dalawa.

"Skye, pwede bang magtanong?" Tanong ni Alex nang tuluyan nang nakaalis sina Cris at Ash.

"Nagtatanong ka na, diba?" Pilosopong sagot ni Skye.

"Sabi ko nga." Sabi ni Alex, "May nabanggit ba si Shaem sayo na kasalanan ko? Alam mo na, nung bigla nya nalang akong sinugod."

Napabuntong hininga si Skye, "Wala na sila ni Xavier."

"Ano? Bakit? Ano naman ang kinalaman ko dun?" Tanong ni Alex.

Tama ba ang rinig ko? Wala na sina Shaem at Xavier?

"May nangyari kasi.." tumigil si Skye na parang nagdadalawang isip kung sasabihin nya ba o hindi. Tapos bigla syang umiling.

"Wala ako sa posisyon para sabihin to sayo. Tingin ko kayo dapat ni Shaem ang mag-usap." Sabi ni Skye tapos tumayo na, "Basta ang masasabi ko lang, ikaw ang sinisisi ni Shaem dahil sayo nagsimula ang lahat."

Kasabay kong pumasok ng classroom sina Alex at Josh. Napatigil ako nang malapit na ako sa pinto nang makita ko si Shaem na nakayuko habang papunta dito sa room.

Nilapitan ko sya, "Shaem? Ok ka lang?" Tanong ko, napaangat ang tingin nya sakin.

"Oo naman." Sagot nya. Hinila ko sya papunta sa west kung saan wala masyadong tao.

"Pwede mong sabihin sakin." Sabi ko sa kanya.

"Tapos? Ija-judge mo ako? Wag nalang." Sabi nya at nagtangkang umalis pero pinigilan ko sya.

"Alam mo namang hindi ako judgemental eh." Sabi ko sa kanya.

Napa-buntong hininga sya tapos kinuwento nya sakin ang lahat habang umiiyak. Simula sa nangyari sa kanila ni Lanz hanggang sa pakikipaghiwalay ni Xavier sa kanya.

Ang sarap nya sanang sapakin eh. Kung ako naman sa pwesto ni Xavier, masasaktan talaga ako at ganun din ang gagawin ko.

Pero ano pa nga ba ang mangyayari? Ano pa ba ang magagawa natin? Eh nangyari na yun eh.

"Kung pwede lang sanang ibalik ang dati." Sabi nya habang umiiyak parin habang patuloy ko naman syang pinapatahan.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!