#NeverEvenSaidGoodbye

447 12 3

Ken.

"Mababaliw na talaga ako!" Sigaw ko sabay sabunot sa buhok ko.

"Kalma ka lang dude, diba sabi nya, uuwi naman sya?" Sabi ni Cris sakin. Simula nang magkaayos kami, parati na kaming magkasama. Malamang, bestfriends kami eh.

Kung sana nandito si Ice ko, edi sana kumpleto na ang 3 idiots. Oo, kaming tatlo ang 3 idiots. Haha.

Kasama rin namin si Xavier, minsan si Toffer din, minsan lang si Toffer kasi sinasamahan nya rin si Lanz, tapos minsan sina Xavier naman at Toffer ang magkasama, tapos kami naman ni Lanz. Haay. Ang hirap talaga pag magkaaway ang dalawang magkabarkada nyo. Hindi ka makapili ng stable na panig kasi pareho mo silang kaibigan.

Dahil magkaaway parin sina Toffer at Skye, sila muna ni Shaem at Skye ang magkasama, hindi rin naman namin pwedeng isama si Skye kasi walang kasama si Shaem, tsaka magkaaway sina Xavier at Shaem, diba? Hindi rin naman sya pwedeng sumama kay Alex kasi bad blood silang dalawa.

Magkaayos na nga pala sina Aj at Skye kaya medyo mas kumulo ang dugo ni Toffer, kasi si Aj sumasama kay Vee na sumasama kay Shaem na sumasama kay Skye, kaya ibig sabihin, magkakasama silang apat. Kaya selos mode si Toffer. Gago rin kasi.

Ang gulo na talaga. Sobra.

"Eh mag-iisang linggo na, pero hindi parin sya bumabalik." Sagot ko naman.

"Dude, sabi ni Ash, one or two weeks, baka next week pa sya babalik." Sagot naman ni Xavier.

"Ewan ko nalang talaga." Sagot ko naman.

"Babalik yun si Ash, hindi ka matitiis nun eh." Sabi naman ni Alex. Oo nga pala, kasama rin namin sya, pati si Josh. Okay naman pala tong si Josh eh. One time nung nagkausap kami, mabait naman sya, at nagawa nya lang namang agawin si Alex mula kay Lanz kasi mahal na mahal nya lang talaga si Alex. Pero team Lanz parin ako, kaibigan ko yung unggoy na yun eh.

Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Unknown number. Sino naman kaya to?

Kahit hindi ko kilala ay sinagot ko parin ang tawag, baka si Lanz o si Toffer na nakitawag lang diba? Kasi wala silang load o ano.

"Hello?" sabi ko.

"Ken!"

"Ice?!" Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at nakuha ko naman ang attensyon nina Cris, Xavier, Alex at Josh.

"I-loud speaker mo dude." bulong ni Cris at sinunod ko naman ang sinabi nya.

"Nasaan ka?! Uuwi ka na ba?! Ice miss na miss na kita, I'm sorry dahil hindi ako nakinig sayo--" hindi ko natapos ang sinasabi ko kasi nagsalita sya bigla.

"Ken! Ken, makinig ka, okay? Na-kidnap ako. Dinala ako sa isang bahay at may mga kasama akong mga babae, it turns out na kumikidnap sila ng mga babae para gawing prostitute. Hindi ko alam kung nasaan ako pero gusto kong pumunta ka sa pulis, tapos ipa-trace mo ang tawag na--" napatigil si Ice sa sinasabi nya, tapos..

"Hoy! Ano yan, ha?!" May biglang sumigaw na lalake.

"Ice! Ice!" Tawag ko pero naputol na ang tawag. Agad kaming umalis at pumunta sa police station, pinaliwanag namin ang sitwasyon at sinabihan sila na i-trace ang tawag, pero hindi daw nila magagawa yun, dapat daw tumawag ulet ako sa number at may sumagot para magawa yun.

Kaya tumawag kami gamit ang ibang numero. Ilang minuto ang lumipas at paulit ulit namin itong tinawagan hanggang sa may sumagot.

"Sino ba to?!" Bungad sakin. Naisip ko na kung tatanungin ko kung nasaan si Ice na kinidnap nila, baka ibaba nya lang agad ang linya at hindi ma-trace ang tawag, kaya naisipan kong mag-improvise.

"Ako si Daryl Chua of Infinite Inc., at gusto ko lang itanong kung nang-grocery ba kayo this month? At saan po?" Sabi ko. Sana naman tanga taong kausap ko.

"Oo, last week sa KT supermarket, bakit?" Tanong nya. Napa-buntong hininga naman ako, hindi yung buntong hininga na, "Haay naku," kundi yung buntong hininga na, "Yes! Tanga ang kausap ko!"

"Well, congratulations, sir! You see, last week ang 100th anniversary ng KT supermarket at kayo ang lucky na 100th customer!" Sabi ko. Sumemyas ang pulis na na-trace nya na ang tawag.

"Talaga?!" Mukhang ang saya saya nya pa, "Paano ko--" hindi ko na sya pinatapos at binaba ko na ang tawag, nakuha naman na namin ang kailangan namin.

"Matalino ka pala?" Biro ni Cris sakin.

"Nasa malapit sya sa Manloloko Mountain, sa PaFall Village, Paasa Street, block 1, lot 2." Sabi ng isa sa mga pulis.

Ininform ng pulis ang station na malapit dun tsaka kami pumunta dun kasama ang ibang mga pulis. Medyo malayo mula dito pero mabilis naman ang takbo ng kotse at wala namang humaharang kasi police vehicle ang sinasakyan namin.

Tinawagan ko narin si tita Val at sinabihan sya ng tungkol sa nangyari, at sinabi naman nya na papunta na sya.

May mga bumbero na dumadaan samin at kinabahan naman ako dun. Nang medyo malapit na kami, nakita ko na may sunog at nandun ang mga bumbero na dumaan samin kanina.

Nung tumigil ang kotse ay agad akong bumaba, nasusunog ang bahay.

"Ice! Ice!" Sigaw ko, pinigilan naman ako nina Cris. Si Ice ko nandyan sa loob diba? Paano kung nasunog na sya?

Nakita kong may mga babae sa gilid at may mga lalake naman na dinadakip ng mga pulis, pumunta ako sa mga babae at hinanap si Ice mula sa kanila pero wala sya.

Ilang sandali ang lumipas at sinabi na ng isang bumbero na fire-out na, may ilang pumasok sa loob para tignan kung may iba na naiwan sa loob.

May inilabas na katawan ng dalawang lalake na sunog na sunog ang buong katawan tapos may isang babae, hindi sya makilala, dahil sunog ang mukha nya hanggang sa leeg nya, at may ibang parte sa kamay nya ang sunog din.

"Hindi ma-identify kung sino ang babae, pero nakita namin to sa bulsa nya." Sabi ng isang bumbero at binigay sa isang pulis ang isang wallet na medyo nasunog ng konti.

Binuksan ng pulis ang wallet at tinignan ang loob.

"At eto rin, nakita rin namin to sa loob ng bulsa nya." Sabi ng bumbero sabay pakita ng isang singsing. Nanlaki ang mga mata ko at hinablot ko ang singsing mula sa bumbero.

"Si Xavier lang." Sabi ko at hindi pinansin ang tawag nya. Kinuha ko ang singsing sa bulsa ko at binigay kay Ice.

"Ano to?" Tanong nya.

"Singsing, malamang." Pilosopong sagot ko kaya nabatukan ako ng wala sa oras.

"Ibig kong sabihin, bakit mo ako binibigyan nito eh hindi ko naman birthday at hindi rin natin monthsary, anong meron?" Sabi nya.

"Diba yan yung nakita natin sa mall na gusto mo sanang bilhin kaso namamahalan ka, kaya ayan ako na bumili para sayo, nakaukit pa dyan ang ship name natin na 'AshEn', oh diba?" Sabi ko sa kanya tapos tinaas ang kaliwang kamay ko kung nasaan ang singsing na ka-partner ng binigay ko sa kanya, "Meron din ako, oh."

"Baliw ka talaga." Sabi nya ng nakangiti, kinuha ko ang singsing at sinuot sa kanya.

"Baliw na baliw sayo." Sabi ko.

Binasa ng pulis ang i.d. na nakuha nya mula sa wallet.

"Ashecka Ice Gil, kilala nyo ba sya?"

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!