#MayForever

665 15 4

Sa buhay, marami talaga ang dumadaan na mga pagsubok na suusbukin ang katatagan nyo.

Pwedeng sa pamilya..

Sa pagkakaibigan..

Pero sabi nga sa kanta diba, Pagkabigo't alinlangan gumugulo sa isipan, mga pagsubok lamang yan, wag mong itigil ang laban..

Lalong lalo na sa pagmamahal, walang relationship na perpekto.

Kakambal kasi ng love ang pain. Hindi ito pagmamahal kung hindi ka nasasaktan.

And yet, why do people keep on loving, when they'd just end up crying?

Simple lang, it's the simple things that makes people want to keep loving even though they've been to diffrent levels of hell beacause of that.

Masarap magmahal. Lalo na pag yummy ang iyong jowa. Chos!

Pero seriously, masarap naman talaga magmahal.

Yung feeling na pagnakikita mo sya, buo na ang araw mo.

Yung feeling na badtrip ka tapos gagawa sya ng kung anu-anong kabulastugan mapasaya ka lang.

Yung feeling na kahit magtitigan lang kayong dalawa ang saya saya mo na.

"Chewy Toffie kooo~ hanshaket ng tyan ko." Sabi ni Skye na nakahiga sa binti ng naka-upong si Toffer habang hawak nya ang tyan nyan.

"Kung anu-ano kasi kinakain mo. Yan tuloy." Kunot noong sabi ni Toffer. Bigla namang napabangon si Skye.

"Hoy, for your information, sumakit lang naman ang tyan ko dahil dun sa niluto mong unidentified at pinakain sakin!" Bulyaw ni Skye.

"Eh sabi ko wag mo nalang kainin diba? Pero ang tigas ng ulo mo kasi at kinain mo parin!" Sagot naman ni Toffer.

"Kasalanan ko pa ngayon? Eh kaya ko lang naman kinain kasi nag-effort ka at ayaw kong masayang ang effort mo! Kabanas to! Che!" Sigaw ni Skye tsaka nag-walk out. Napabuntong hininga naman si Toffer at napasabunot sa buhok nya.

"Argh!" Sigaw pa nya tsaka napatingin sakin, "Don't judge me." Tsaka sya umalis para sundan si Skye.

Haay naku yang dalawang yan. Hindi talaga ako nag-expect na magkakatuluyan silang dalawa eh. Magkaibang magkaiba naman kasi silang dalawa.

Si Skye kasi hyper na pacute na childish. Yung parang nahulog mula sa crib nya nung bata pa sya at unang tumama ang mukha? Hahaha. Tapos si Toffer naman ang serious na pacool na cold. Yung tipong sa tingin lang nya feeling mo nag-ice bucket challenge ka na?

Pero, sabi nga nila, opposites attract.

"Hoy Lanz. Bilhan mo naman ako ng pagkain oh." Sabi ni Alex habang nagbubuklat ng magazine at nakadantay ang paa nya sa mga binti ni Lanz na nakapatong naman ang paa sa center table.

"Nagugutom rin naman ako pero inutusan ba kita?" Pabalang na sagot ni Lanz habang nakatutok sa nilalarong game sa cellphone.

Sumama ang tingin ni Alex kay Lanz tsaka nya nirolyo ang magazine na binabasa at pinukpok sa ulo ni Lanz.

"Aray!" Sigaw ni Lanz at nakahulma na ang mura sa bibig nya pero umatras nung nakita nya ang usok na lumalabas mula sa ilong ni Alex.

"Geh! Hayaan mo nalang akong mamatay sa gutom!" Sigaw ni Alex tapos hinampas pa ng one last time si Lanz bago nag-walk out.

Biglang nag-alien language ai Lanz habang nanlalaki ang mga mata at namumula ang tenga. Hanggang sa dumako ang paningin nya sa mga mata kong sumisigaw ng #JudgingYou.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!