#FinallyComplete

530 22 2

Ash.

"Eh bakit hindi ka umuwi agad?" Tanong ni Skye.

"Hindi pa po kasi ako tapos sa kwento ko." Sagot ko.

"Sorry naman, you may continue." Sabi ni Skye tapos nagpatuloy ako sa pakukwento ko.

Finally may pera na ako. Ang kailangan ko nalang ay ang daan pauwi at makakauwi na ako.

Kakatapos ko lang kumain at binibilang ko ang pera ko kung tama yung sukli nung tindera sakin..

Pero isa't kalahating kalbo nga naman tong buhay na to oh.

"Akin na yang pera mo." Sabi ng lalake na biglang tumabi sakin at tinutukan ako ng something na matulis sa gilid ko.

"Kuya naman, parehas lang naman tayong nangangailangan." Sabi ko sa kanya.

"Wala akong pakialam." Sabi nya.

"Hoy! Ano yan?!" May biglang sumigaw sa likod namin kaya bigla nyang hinablot ang pera ko at tumakbo paalis. Tinry pa syang habulin nung lalakeng sumigaw pero masyado na syang malayo.

"Okay ka lang, miss?" Tanong nung lalake.

"Okay lang po kuya. Salamat." Sabi ko naman. Nagsimula na naman akong maglakad papunta sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Haay. Pera na naging bato pa.

Ang saklap naman nito. May balat ba ako sa pwet o ano?! Ba't ang malas malas ko?!

"Kaya ayun, naghanap muna ako ng trabaho. Nakakuha ako sa isang kainan, every two weeks ang sweldo nila, kahapon lang ako nakakuha, at habang nandun ako, nagtanong ako sa mga kasamahan ko kung ano yung dapat kong sakyan o ano para makauwi. At nakakainis lang kasi ang mga jeep na dumadaan dun, lahat yun, isa lang ang routa, at lahat yun dumadaan dito sa building na to." Pagtatapos ko sa kwento ko.

"Ang saklap naman nun. Pero, Ash, masaya kami talaga na buhay ka." Sabi ni Lanz.

"Kailangan nating tawagan sina tita Val at Asher na buhay ka." Sabi ni Cris. Tumayo naman ako at kinuha yung cellphone ko na tinago ko sa drawer sa kwarto ko. Mabuti nalang at iniwan ko to. Kung hindi, baka ninakaw din to ng Anne na yun.

Tsaka ko tinawagan si Asher. Walang sumasagot kaya naman kinuha ko ang laptop ko at nag-video call sa kanya gamit ang skype. Ilang attempts din bago nya inaccept.

"Hi." Sabi ko.

"Shit!" Nanlaki ang mga mata nya tapos natumba sya mula sa upuan nya tsaka sya nagtatatakbo palabas habang sigaw ng sigaw ng "Mom!!"

Ilang sandali pa, bumalik sya habang hila hila si mama.

"Ma! Buhay ako!" Sabi ko bago pa man sya makapagsalita. At nagsimula na po ang interview 101. Sinimulan ko naman mula sa umpisa ang istorya ng totoong nangyari sakin at pagkatapos ko, sinabi ni mama na magpapabook sila ng flight agad agad para makauwi dito.

"Gosh. Grabe pala ang gulong dinulot ko." Sabi ko nang matapos na kaming mag-video call.

"Pero may maganda rin namang naidulot." Sabi ni Ken.

"Oo nga, kung hindi ka umalis, hindi kami magkakaayos ni Ken." Sabi ni Cris.

"Hindi kami pupunta sa burol mo at hindi ako ikokomfort ni Toffer." Sabi naman ni Skye.

"Hindi rin kami pupunta sa burol mo at hindi kami maaaksidente."  Sabi ni Alex. Nagtaka naman ako sa sinabi nya.

"Naaksidente kayo?" Tanong ko, "Tsaka paano naman naging mabuti yun?"

"Oo, naaksidente kami. Nagkabanggaan ang kotse na sinasakyan namin ni Josh at ang kotse ni Lanz." Sagot ni Alex, "Kasi, kung hindi kami naaksidente, hindi ko ma-re-realize na mahal ko pa pala si Lanz."

"Hindi kami magkakaayos ni Lanz." Sabi naman ni Xavier.

"At hindi kami magkakaayos ni Xavier." Sabi naman ni Shaem.

Napatango naman ako at napatingin kina Cris, Vee at Aj.

"Nasaan nga pala si Josh?" Tanong ko.

Natahimik naman sila at napaiwas ng tingin. Anyare?

"Wala na sya. Hindi namin alam kung saan sya pumunta, o kung ano nang nangyari sa kanya, basta nag-iwan lang sya ng letter na sinasabing pinapakawalan nya na ako para kay Lanz tsaka sya nawala na parang bula." Sagot ni Alex.

Oh my gosh. Ang astig pala ni Josh. Mabait pala sya talaga. Sayang at hindi ako nabigyan ng pagkakataon na makilala sya. Haay.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, si Ken ang unang bumasag nito.

"Ice ko, sorry nga pala ah? Sorry hindi kita pinakinggan. Sorry talaga. Sorry hindi ako--" pinatahimik ko sya gamit ang—no, hindi ang mga labi ko, masyadong madami ang audience—isang daliri ko.

"Okay na yun." Sabi ko, "Ako ang dapat mag-sorry sayo, sa inyo, kasi pinag-alala ko kayo, pasensya na talaga. Sorry rin sa pinagsasabi ko sa inyo, Alex, Shaem. Sorry talaga."

"Hayaan mo na yun, Ash." Sabi ni Alex.

"Oo nga, past is past ika nga." Sabi naman ni Shaem at nagyakapan naman kaming tatlo.

"Geh sanay naman ako sa ganyanan eh." Sabi ni Skye kaya hinila namin sya at nagyakapan ulet.

"Tara, mukhang kinakalimutan na tayo eh." Sabi ni Ken. Hinila naman namin silang apat at nagyakapan ulet. Kumpleto na kaming lahat. Nice naman.

Napatingin ako sa gilid at nakita ko sina Cris, Vee at Aj na nakangiting pinagmamasdan kami.

"Sali rin kaya kayo?" Sabi ko sa kanila.

"Ako nga pala si Ash." Sabi ko kina Vee at Aj. Proper introduction lang. Bakit ba?

"Ako si Vee." Sabi ni Vee, malamang tapos nakipagkamay sakin.

"Aj." At ganun din ang ginawa namin.

"Dapat full name!" Sigaw ni Shaem kaya naman tinignan sya ng masama ni Vee at nagtawanan sila. Bakit? May ano sa full name?

"Bakit?" Tanong ko.

"Ako na nga mag-iintroduce sa kanila." sabi ni Skye.

"Subukan mo talaga Skye, subukan mo talaga." Pagbabanta ni Aj. Ano bang meron?!

"Ashecka Ice Gil, meet Agapito Juan Vutoyon and Virgilito Relampagos!"

Wtf?!

Hahahahahahaha!!

"Hoy Crisostomo Bilangsuli, mga katropa mong time traveller mula sa 19-forgotten oh! Hahaha!" Sabi ko habang tawa ng tawa.

At mas lalo namang lumakas ang tawanan nila.

Haay.. It's good to finally be back.

Sorry soorrryy sooorrryyy talaga!!! Sorry hindi ako nakapag-ud agad. Malapit na kasi ang exams namin at busy huhuhu. Sorry please. Anyways, eto na sya. last chapter, maliban sa epilogue, na ipopost ko, bukas. Oemgee. Tapos na ang Proving forever. accuhbelevit!!! Huhuhu salamat sa lahat ng suporta, sa lahat ng votes, comments and love. Salamat sa love. Hahha geh buhbye ;(

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!