#NalokoNa

1.3K 30 0

Skye.

Flashback

"So, pupunta ka ba sa party ko mamaya?" Tanong ni Gen, isa sa mga kaibigan ko.

"Syempre naman noh! Birthday mo kaya yun!" Sagot ko naman.

"Good. Punta ka nalang sa bahay at 7pm, okay?" Sabi nya.

"Sige sige. Bye!" Sabi ko tapos binaba na ang tawag.

7pm? 3pm na ng hapon, kailangan ko nang mag-ayos. Char! Ano ako, hilo? 4 hours pa nga eh! Pero kung sabagay, ang tagal ko pa naman maligo at pumili ng maisusuot. Kailangan ko na talagang magsimulang mag-ayos ngayon pa lang.

Pagkatapos ng ilang minutong pag-upo sa inidoro, nag-iisip ng major life decisions, napagpasyahan ko nang magsimulang maligo, na nauwi sa pagka-tulala ko sa ilalim ng tubig na lumalabas mula sa shower, nag-iisip na naman ng major life decisions, tapos konting sayaw sayaw, kanta kanta, konting pag-arte na may kalaban daw at nasa isang major sagutan kami at ang ganda ng mga comebacks ko.

Nung makalabas ako mula sa banyo, nakita kong halos isang oras din pala akong nandun, at siguro mga five minutes lang nun ang actual na pagligo ko, the rest ay ang mga kabaliwan ko na.

Okay now, time to make ukay my kabinet to look for masusuot. Tinry kong magsuot ng iba't ibang combinations, t-shirt at jeans, dress, pambahay, pajama, P.E. uniform, swimsuit, at napag pasyahan ko na mag t-shirt at jeans nalang. Tamang tama kasi comfortable lang ang t-shirt at ang jeans naman ay para hindi lamukin ang beautiful legs ko.

Nung 7pm na, naglakad na ako papunta sa bahay nina Gen. Nasa kabilang kanto lang naman kaya keribels na.

"Skye! Mabuti nakarating ka!" Bati ni Gen sakin nang pumasok ako sa bahay nya.

Ang party nya ay katulad sa mga party sa amerika, yung mga wild na party. Eto kasi ang ni-request nya na theme para sa 18th birthday nya. Yes, débutante ang kaibigan kong toh. Girlfriend kasi sya ng pinsan kong ka-close ko kaya naging magkaibigan kami. Pero ayaw nya na tinatawag ko syang ate kasi feeling nya ang tanda nya na pag-ganun eh two years lang naman ang agwat namin.

Naging matiwasay naman ang lakad ng party, wala akong masyadong kaedad dito kaya nagmukha akong loner na nakaupo sa gilid habang umiinom ng punch.

"Hi." Napatingin ako sa lalake na biglang sumulpot sa gilid ko.

"Hi." Sagot ko naman. Ayoko naman maging suplada noh.

"So, kaano ano mo ang may birthday?" Tanong nya, "Kaibigan?"

"Yeah. Tsaka, girlfriend sya ng pinsan ko." sagot ko naman.

"Talaga? Eh pinsan ko si Gen eh." Sabi nya.

"Small world nga naman." Sabi ko, "Ako nga pala si Skye. Ikaw?"

"Tawagin mo nalang akong Aj." Sagot nya.

"Aj? Sounds cool." Sabi ko.

The rest of the night, si Aj lang ang kasama ko. Kwentuhan kami ng kwentuhan, likes, dislikes, love, life, at nalaman namin na marami pala kaming things in common.

Hanggang sa umaga na, nagkahingian kami ng number. Syempre, binigay ko naman agad noh. Gwapo kaya nya. Choosy pa ako? Haha.

Couple of weeks later, naka-recieve ako ng text mula sa kanya,

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!