#TheVideo

427 14 0

Ken.

Ang isang araw naging dalawa, tatlo, apat, hanggang sa naging isang linggo, dalawa..

Nagtipon kaming lahat dito sa unit ni Ice ko. Nag-text kasi ako sa kanilang lahat na nawawala si Ice ko, akala ko nga hindi pupunta si Alex eh, kasi nga war sila ni Ice diba? Pero pumunta sya dito. Pati si Shaem, nandito din, sina Lanz at Xavier, ganun din, pati sina Skye at Toffer. Si Cris pinapunta ko rin, at sinama nya sina Josh, Vee at Aj. Kaya eto, nagkakagulo.

"Bakit kasi pinapunta mo pa yan dito? Magkaaway naman sila ni Ash eh, she wouldn't want her here." pasaring ni Shaem kay Alex.

"Ayaw rin naman ni Ash na nandito ka eh." Sagot ni Xavier kay Shaem.

"Babae parin yan, Xavier." Sabi ni Lanz.

"Malamang, that's why you fucked her." Sagot ni Xavier.

"OMG! You fucked her?!" Hindi makapaniwalang saad ni Alex, "Kaya pala kayo nagbreak ni Xavier. Tsk. Tapos ako sinisisi mo? You're a bigger bitch than I am!"

"Kasalanan mo naman talaga eh!" Sigaw naman ni Shaem sa kanya, "Kung hindi ka sana masyadong malandi at hindi ka nakipagbalikan kay Josh na yan, hindi magkakagulo ang lahat!"

"Sige, sisishin mo ang lahat, except sa sarili mo." Sabi ni Xavier.

"Desisyon mo yan, Shaem! Kasalanan mo yan! Katawan mo yan eh! Bakit ka naman pumayag?!" Sigaw ni Alex sa kanya.

"Tama na nga yan!" Sigaw ko, "Kung mag-aaway lang naman kayo dyan at magsisisihan, umalis nalang kayo!"

Natahimik naman sila. Stressed na stressed na nga ako dahil sa pagkawala ni Ash eh, dadagdag pa sila.

"Ken!" Tawag ni Cris sakin, na nakaharap sa laptop ni Ice, "Kailangan mong makita to."

Nagtipon kami sa harap ng laptop ni Ice at pinanuod ang video na pinlay ni Cris. Si Ice yun tapos may hawak sya na gitara. Nagsimula syang tugtugin yun.

"I always needed time on my own

I never thought I, need you there when I cry

And the days feel like years when I'm alone

And the bed where you lie, is made up on your side

When you walk away, I count the steps that you take

Do you see how much I need you right now?

When you're gone, the pieces of my heart are missing you

When you're gone, the face I came to know is missing too

When you're gone, the words I need to hear

To always get me through the day

And make it okay, I miss you."

Natapos syang kumanta at nagsalita naman sya.

"Ngayong pinapanuod nyo tong video na to, mga pakialamero't pakialamera kayo. Bakit nyo binubuksan tong laptop ko?!" biro nya at napatawa naman kami ng mahina.

"Pero, seryoso na, sorry dahil hindi ako nagpaalam na aalis ako. Masyado na kasing magulo ang nangyayari, kaya gusto ko pang paguluhin. Dejoke lang. Umalis ako para mag-isip isip. Kailangan ko lang ng time out mula sa kaguluhang to. Tsaka, gusto ko rin sanang humingi ng patawad, kay Alex. Sorry dahil jinudge kita agad, yan ang napili mong desisyon eh, dyan ka masaya, sa tingin ko aalagaan ka naman at mamahalin ni Josh eh. But just for the record, team Lanz parin ako. Lanz, gago ka. Tinalo mo si Xavier at ang gago gago mo talaga, siguro naman alam mo yun diba? Namention ko na ba na ang gago mo talaga? Gago ka talaga. Pero lahat naman nagkakamali. Walang perpekto na tao. Nasa impluwensya ka ng alak, kaya ang masasabi ko lang, wag ka nang uminom, kahit tubig!" Napatawa ng konti si Lanz, si Alex naman umiiyak na.

"Shaem, ang tanga mo. Mas gwapo naman si Xavier kesa kay Lanz eh. Sorry, Lanz, truth hurts. Hoy, Shaem! Umayos ka, kundi piprituhin kita! Xavier, alam ko masakit ang nangyari sayo. Mahal na mahal mo si Shaem eh. Pero sana mahanap mo dyan sa puso mo na mapatawad sya. XaviEm kayo eh! Ang gwapo at ang ano.. ano.. ah. Si Shaem. Ang gwapo at si Shaem." napasimangot si Shaem at napangiti naman si Xavier.

"Hoy, Toffer! Nainsulto ako dun sa sinabi ko sakin ah! Walang hiya ka. Tsk. Pero dahil dyosa ako ng kagandahan, pinapatawad na kita. Nang dahil sakin, nagkaaway kayo ni Skye, dapat magbati na kayo. Skye, gago man si Toffer, gwapo naman sya. Mas gwapo man si Lanz kesa sa kanya, gwapo parin sya. Kaya wag mo syang papakawalan!" Nagkatinginan naman sina Toffer at Skye pero agad din nilang binawi.

"Ken! Dapat pagbalik ko, magkabati na kayo ni Crisostomo ah? Panget man sya, pagtyagaan mo nalang mukha nya para sakin. Joke lang. Gwapo rin naman si Crisostomo. Haha. Ken, sorry nga pala ah? Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan. Kahit tao ka lang at dyosa ako, mahal parin kita." hindi ko na napigilan ang luha ko na tumulo. Kasalanan ko to eh. Kung sana kasi nakinig lang ako sa kanya, kung sana, pinakinggan ko lang ang paliwanag nya.

"Gusto ko sanang magpasalamat sa inyo. Salamat sa good and bad, happy and sad memories na binigay nyo sakin. Salamat sa lahat ng laughter, smiles, tears and just simply for your friendship and love. Ma-mi-miss ko kayong lahat." Nagsimula syang magtugtog sa gitara nya.

"Kung ito man ang huling awiting-aawitin

Nais kong malaman mo, Ika'y bahagi na ng buhay ko

At kung may huling sasabihin

Nais kong sambitin nilagyan mo ng kulay ang mundo

Kasama kitang lumuha, dahil sayo ako'y may pag-asa.. Hahh..

Ang awiting ito'y para sayo

At kung maubos ang tinig di magsisisi

Dahil iyong narinig mula sa labi ko

Salamat, salamat, hah yeah eh eh."

Akala ko tapos na nang matapos syang kumanta pero bigla syang dumagdag..

"Hahaha ang drama ko. Don't you worry, you're pretty little mind~ babalik naman ako after one or two weeks."

Tapos natapos na ang video. Tinignan ni Cris ang date kung kelan kinuha ang video, at nanlaki naman ang mata ko nang pinakita nya sakin.

Today, 4:56 am.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!