#AccidentsHappen

421 12 0

Josh.

Itim.

Puro nakaitim ang lahat.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Ash sa burol nya. Sinamahan ko kasi si Alex, na ngayon ay umiiyak na naman. Grabe ang epekto ng pagkawala ni Ash kay Alex. Iyak lang sya ng iyak at halos hindi na sya kumain.

Pero mas grabe yung epekto kay Ken. Tila naubusan na sya ng luha at nakatulala nalang sya habang hawak nya ang singsing na nakuha ng bumbero dun sa bulsa ng bangkay ni Ash. Hindi sya makausap at hindi rin sya kumakain. Isang araw pa nga lang ang lumipas pero ibang iba na ang itsura nya eh.

Sabagay, nawalan sya ng minamahal eh. Malakas pa nga yang si Ken kasi kung ako, nawala si Alex sakin, siguro kahapon pa ako nagpakamatay. Ano pa ang silbi ng buhay mo kung wala na ang taong dahilan kung bakit ka patuloy na nabubuhay?

Buong araw lang kaming nakaupo dun, paminsan minsan, tumutulong kami nina Vee at Aj sa pag-asikaso sa mga bisita, kaming tatlo lang kasi ang hindi masyadong apektado sa nangyari eh, hindi naman kasi namin talagang kilala si Ash.

Si Cris umiiyak din paminsan minsan pero mas pinipili nyang magpakatatag nalang para kay Ken. Syempre, may past sila ni Ash eh, tsaka bestfriends din sila, malamang maaapektuhan sya.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan na parang nakikiramay sa lungkot ng mga tao na nandito sa loob ng bahay. May dala pa itong kulog at kidlat.

Umupo naman ako sa tabi ni Alex at pinasandal sya sa balikat ko.

Nagulat ang lahat nang biglang kumidlat at kasabay nun ay ang pagkamatay ng mga ilaw. Ang tanging nagbibigay liwanag nalang ay ang buwan at ang mga kandila na nakasindi sa picture ni Ash.

Bigla namang naging horror to.

Nagpa-ilaw sila ng emergency lights at lumiwanag naman kahit konti ang buong bahay.

Habang lumalalim ang gabi ay tumitila din ang ulan at nagsimula nang mag-uwian ang mga tao. Mga kapamilya nalang ni Ash ang natira at kami.

Ilang oras pa ay nagpaalam na si Lanz na uuwi na daw sya kasi umuwi daw yung mama nya, tapos babalik nalang daw sya. Ilang minuto pa ay niyaya ko narin si Alex na umuwi kasi kailangan nya ng pahinga at pumayag naman sya. Nagpaalam na kami at nagsimula na akong mag-drive pauwi.

Brown out parin kaya madilim parin at basa ang daan dahil sa ulan kaya medyo madulas ito, kaya naman siniguro ko na dahan dahan lang at maingat ang pag-drive ko.

Nasa kalagitnaan kami ng drive pauwi nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko, pagtingin ko, si tita ko pala. Tulog si Alex kaya hindi ko sya ma-utusan na sagutin muna, kaya naman inabot ko ito pero nalaglag lang ito.

Haay naku.

Tinignan ko ang daan at bakante naman ito at walang ibang sasakyan maliban samin kaya yumuko ako at pilit na inabot ang cellphone ko.

Mahirap na kasi baka importante ang tawag ni tita at baka magalit sya sakin kapag hindi ko sinagot.

Isang nakakabinging tunog ng busina ang nagpaangat sa tingin ko, at bago pa man ako maka-react, may bumangga na na kotse samin.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari kasi dumilim na ang lahat.

--

Puti.

Puro puti.

Nagising ako na puro puti ang nakita ko at naalala ko na naaksidente nga pala kami ni Alex kaya siguro nasa ospital ako.

Alex.

Napa-bangon ako ng wala sa oras at napakatinding sakit naman ang sumalubong sakin kaya napahiga ako ulet.

"Kalma lang, bro." Sabi ni Vee na nakaupo pala sa tabi ng kama ko.

"Nasan si Alex?" Tanong ko at umiwas naman sya ng tingin.

"Sorry, bro." Sabi nya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Hindi. Hindi pwede. Hindi sya pwedeng mawala.

"Dejoke. Nasa kabilang kwarto lang sya at maayos ang kalagayan nya, konting gasgas lang." Sabi nya at sinamaan ko naman sya ng tingin. Kung maayos lang ako ngayon malamang nasapak ko na tong gagong to eh.

"Samahan mo ako sa kanya." Sabi ko. Humingi naman ng tulong si Vee sa mga nurse at pinaupo ako sa wheelchair tsaka nya ako dinala sa kabilang kwarto.

Pagpasok namin, nandun sina Skye at Toffer tapos si Alex naka-upo sa kama nya, konting galos nga lang ang nakuha ni Alex, mabuti naman. Samantalang ako, may mga sugat sa mukha at kamay tapos na-fracture siguro ang kaliwang paa ko kasi hindi ako makalakad ng maayos.

Nagtama ang mga mata namin ni Alex at nilapitan nya naman agad ako.

"OMG Josh, okay ka lang?" Tanong nya.

"Oo, okay lang ako. Ikaw?" Tanong ko naman.

"Okay lang ako. Ano bang nangyari?" Tanong nya.

"Kasalanan ko to, inalis ko kasi ang paningin ko sa daan kaya may nakabangga tayong kotse." paliwanag ko, "Sorry talaga."

"Okay lang yun, ang importante buhay tayo." Sabi nya tapos niyakap ako, "Ang tanong, anong nangyari sa nakabangga nating kotse?"

"Oo nga pala, tungkol dyan.." panimula ni Skye na hindi makatingin samin.

Ano?

Hahahahappy 1k reads yo!!! Hahaha. Ang saya. Pero hindi rin. Ang intense ng mga nangyayari, di ko keri. Kayo, keribels nyo? Haha. So, geh pa Vote lang, comment and be a fan!!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!