#WishingItWasAJoke

421 15 2

Alex.

"Ashecka Ice Gil, kilala nyo ba sya?" Basa ng pulis sa id na nakuha nya mula sa wallet.

Napatingin ako sa bangkay ng babae na sinasakay na sa ambulansya.

Biglang nanlambot ang mga tuhod ko at kung hindi ako nasalo ni Josh, malamang nahulog na ako sa sahig.

Wala na si Ash.

"Ice!" sigaw ni Ken tapos tumakbo papunta kay Ash na ngayon ay bangkay na.

Yayakapin nya sana si Ash kaso pinigilan sya ng mga paramedics, sinasabi na mainit pa ang bangkay.

Nilapitan sya ni Cris at niyakap nya si Ken, na iyak ng iyak.

"Ice! Diba sabi mo walang iwanan?! Diba sabi mo ikakasal tayo?! Diba sabi mo patutunayan natin ang forever?! Bakit ganun ha?! Bakit mo ako iniwan?! Ang daya daya mo!" Iyak ni Ken at napaupo nalang sya sa sahig, tuluyan nang pinasok ang katawan ni Ash sa ambulansya at umalis na ito.

Habang tinitignan ko si Ken na umiiyak, unti unti naring nagsituluan ang mga luha ko.

Wala na si Ash.

Wala na ang bestfriend ko.

Hindi man kami magkaayos ni Ash ngayon, bestfriend ko parin sya. Naging parte parin sya ng buhay ko.

Sya yung nagpapatawa sakin kapag malungkot ako eh, sya yung dinadamayan ako kapag may problema, sya yung sumasampal ng katotohanan sakin at sinasabing, 'tama na, sobra na,' sya ang sandalan ko, sya ang nakababatang kapatid ko na mas mature pa kesa sakin.

Pero ngayon, wala na sya.

Skye.

Nasa kalagitnaan kami nina Shaem, Vee at Aj ng panunuod ng Running Man, nang mag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko ito agad nang makita kong si Alex ang tumatawag.

"Hello?" Sabi ko.

Nung una, iyak lang ang naririnig ko kaya napakunot naman ang noo ko. Anong nangyayari sa kanya?

"Alex?" Tanong ko.

"Skye.." iyak ni Alex, "Wala na.. wala na.."

"Alex, ano? Wala na ang ano?" Kinakabahan naman ako sa kanya eh.

"Wala na si Ash." Tapos mas lumakas ang iyak nya.

"A-ano?!" Hindi makapaniwala kong tanong. Napatingin naman ang tatlo sakin.

"Wala na si Ash! Patay na sya!"

Nabitawan ko naman ang cellphone ko, at bago pa man mag-process ng maayos ang sinabi ni Alex, hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"Skye?" Tanong ni Shaem, "Bakit ka umiiyak?"

Mula sa isa ay naging sunod sunod na ang tulo ng mga luha ko. Alam kong palabiro kaming magkakabarkada, at madalas naming lokohin ang isa't isa, pero hindi kailanman kami nagbibiro ng tungkol sa ganitong mga bagay, kaya alam kong seryoso si Alex sa sinabi nya.

"Shaem," iyak na ako ng iyak, "Wa-wala na s-si Ash."

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan." Sabi ni Shaem pero halatang kinakabahan sya. Napahagulgol nalang ako, at parang na-realize naman ni Shaem na seryoso nga to kaya napaiyak nalang din sya.

Sana nga Shaem, sana nga biro lang to.

Ilang minuto ang lumipas at nang medyo kumalma na kami, tinawagan ko si Alex at tinanong kung nasaan sila, nasa unit daw sila ni Ash kaya agad kaming pumunta dun.

Pagdating namin dun, kumpleto ang lahat. Pinapatahan nina Xavier, Toffer at Lanz si Ken na iyak lang ng iyak. Si Alex, pinapatahan din ni Josh na iyak din ng iyak.

Nagsimula na naman akong umiyak kasi alam kong totoo talaga to. Wala na talaga si Ash. Iniwan nya na talaga kami. Lumapit kami nina Alex at Shaem sa mga lalake at sama sama kaming nagsi-iyakan. Pati yung tatlo ay hindi narin nila napigilan na umiyak.

For once, nagsama kaming lahat, walang awkward moment, walang sagutan, walang away ang nangyari. Nagdamayan kaming lahat at sama sama naming hinarap ang lungkot. Kung sana nandito lang si Ash para kumpleto na kaming lahat.

--

Nakaupo kaming lahat sa harap ng lamesa, sa harap ng pagkain na hinanda nina Josh, pero walang gumagalaw nito.

Nakatulala lang kaming lahat, kitang kita ang lungkot sa mga mukha namin. Si Cris ang unang bumasag ng katahimikan.

"Pina-cremate na daw ni tita Val ang bangkay ni Ash, nandun na raw sa bahay nila." Sabi nya.

Nakakatawa lang, literal na naging ash na si Ash. Pero hindi ko magawang matawa.

Bigla nalang umiyak ulet si Ken, "Ang daya daya mo naman Ice eh. Bakit mo kasi kami iniwan?"

Nag-beast mode si Ken at pinagtatapon nya lahat ng makikita nya habang iyak parin sya ng iyak, sina Toffer naman pinipigilan na sya.

Habang kaming mga babae ay walang nagawa kundi ang umiyak, hanggang sa tumayo at nagsalita si Alex.

"Ken, hindi lang naman ikaw ang nasasaktan dito eh! Nawalan din naman kami! Nawalan kami ng kaibigan! Kaya please lang, tama na yan!" Sigaw nya tapos napaupo sya at napahagulgol.

Kumalma naman si Ken at napaupo sa sahig habang iyak parin ng iyak. Sinuntok suntok nya pa ang sahig.

Pinapakalma namin ni Shaem si Alex pero hindi rin naman kami makatigil sa kakaiyak.

Nung medyo kumalma na ang lahat, lumabas muna ako ng unit ni Ash tapos bumaba, umupo sa bench sa labas ng building at tumingala sa mga tala.

"Nandyan ka na ba Ash?" Sabi ko tapos napatawa ng mahina, "O baka naman nakikipag-selfie ka na kay satanas?" Napa-iling ako, "Joke lang, Ash. Baka multuhin mo ako, wag naman sana."

Napayuko ako, "Nakakainis ka naman Ash eh. Ang sama sama mo. Bigla ka nalang nang-iiwan. Geh, ganyan ka naman eh." Nagsimula na namang magsituluan ang mga luha ko.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at pagtingin ko, si Toffer pala.

"Ash, sorry sa nasabi ko sayo ah? Sana mapatawad mo ako kung nainsulto kita." Sabi ni Toffer tapos napatingin sakin, "Sorry din."

"Okay lang yun, kalimutan nalang natin yun." Sagot ko sa kanya tapos sumandal ako sa balikat nya at nagsimula na namang umiyak.

"Hindi ako makapaniwala na wala na talaga si Ash."  sabi ko, inakbayan naman ako ni Toffer.

"Isipin mo nalang na nag-migrate si Ash sa korea at nagpakasal kay Kai ng EXO." Sabi nya at napatawa naman ako ng konti.

Mabuti sana kung yun lang talaga ang nangyari.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!