#ToMakeHimLive

472 14 1

Alex.

Nag-aalala ako sa kalagayan ni Lanz, lumabas ako mula sa kwarto ko at pumunta sa kwarto nya, sumilip ako mula sa glass na nasa pinto at nakita ko syang nakahiga sa kama nang wala paring malay tapos si tita Pearl, nasa tabi nya habang hawak ang isang kamay nya at umiiyak.

Hindi ko napigilan ang luha ko na tumulo.

Matagal ko ring minahal si Lanz, matagal ko syang pinagmasdan mula sa malayo, matagal akong umasa na sana maging kami, tapos nangyari na nga ang matagal ko nang hinahangad. Napansin nya ako, more than a friend. Naging totoo ang pangarap ko, naging kami, tapos ilang buwan ang lumipas, bumalik si Josh, ang first love ko.

Iniwan ko si Lanz para kay Josh kasi yun ang sinasabi ng puso ko. Iniwan ko si Lanz para kay Josh kasi yun ang tingin ko ang tama.

Pero minsan napapaisip din ako, diba sabi nila, hindi ka naman talaga magmamahal ng pangalawa kung mahal mo talaga ang una?

Mahal ko si Josh, pero tama ba ang ginawa ko?

Masaya naman ako sa piling ni Josh, pero masaya ba talaga ako?

Ang nangyari ngayon ay parang naging isang malaking sampal sa pagmumukha ko, napaisip ako, kung hindi ko sinagot si Josh at iniwan si Lanz, siguro hindi mangyayari ang lahat ng ito. Siguro walang mangyayari sa kanila ni Lanz at Shaem, siguro hindi magkahiwalay sina Xavier at Shaem, siguro hindi mamamatay si Ash, at siguro wala sa alanganin ang buhay ngayon ni Lanz.

Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang tumakbo palabas si tita Pearl habang sigaw ng sigaw na humihingi ng tulong. Pumasok ako sa kwarto at pumantig sa aking tenga ang isang nakakabinging tunog.

Flat line na si Lanz.

Nagsituluan ang mga luha ko at nanginginig akong lumapit sa kanya, pero bago ko pa man sya mahawakan, nagsipasukan ang mga doktor at nurse at naramdaman ko nalang na hinihila na ako ng isang nurse palabas.

Sumirado ang pinto at nakatayo lang ako dun habang iyak parin ng iyak at patuloy parin sa panginginig.

Tumakbo ako.

Tumakbo ako at pumunta sa isang lugar kung saan alam kong may tao na makakatulong sakin.

Nang makarating ako dun, agad akong napaluhod sa harapan nya habang iyak parin ng iyak.

"Lord naman, nawalan na ako ng bestfriend pati ba naman ang mahal ko kukunin mo pa sakin?" Iyak ko.

At dun ko na-realize ang mga salitang lumabas sa sarili kong mga bibig.

Mahal ko.

Mahal ko si Lanz.

Hanggang ngayon, si Lanz lang ang mahal ko. Masyado lang akong na-stuck sa idea na si Josh na at ako ang destiny. Na kami na forever. Pero hindi. Si Lanz parin ang mahal ko, kasi kung hindi ko naman talaga sya mahal at si Josh ang mahal ko, dapat nandun ako sa tabi ni Josh ngayon at hindi nandito sa chapel habang nagmamakaawa sa Diyos na buhayin sya.

"Lord, alam ko isa akong napakalaking tanga para simulan ang gulo na ito, alam ko wala akong kwenta para iwan si Lanz para bumalik sa nakaraan, pero Lord tulungan nyo naman sana ako. Kahit hindi na po ako mahalin ni Lanz ulet basta po buhayin nyo lang po sya, Lord utang na loob po." Hindi ko mapigilang mapahagulgol habang sinasabi ko yun.

Nagpadalos dalos ako sa desisyon ko at eto na ngayon ang karma ko. Tuluyan nang kukunin mula sakin ang kaisa isang tao na minahal ako ng buong puso at hindi ako kailanman iiwan.

Naging makasarili ako at ngayon pinaparusahan na ako.

"Lord, please." Iyak ko.

Hindi ko na kakayanin kung may mawala pa sakin ngayon.

Josh.

Tinignan ko sya habang nagmamakaawa sya para sa buhay ni Lanz.

Ako ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi ako masyadong makasarili at kung sana hindi ko na ginulo si Alex nang nalaman ko na may iba na pala sya, wala kami sana sa sitwasyon na ito.

Masakit para sakin na makita ang minamahal ko na kulang nalang isakripisyo ang sarili, mabuhay lamang ang minamahal nya.

Mali itong ginawa ko. Kailangan ko nang tapusin to.

Pinahiran ko ang mga luha na kusang kumawala mula sa mga mata ko at napatingin sa krus sa gitna ng chapel.

Lord, sana mapatawad mo ako sa ginawa ko, at handa akong harapin ang kaparusahan ng pagiging makasarili ko, ang pakawalan si Alex. Mahal na mahal ko po si Alex at ayaw ko na nasasaktan sya. Sana po buhayin nyo si Lanz para muli kong makita ang mga ngiti sa labi nya.

Flashback.

"Biglang naging kritikal ang kondisyon nya at unti-unting sumusuko ang puso nya. Sya na po ang kusang sumusuko at ikinalulungkot ko po pero isang himala nalang po ang makakapagligtas sa anak nyo." Rinig kong sabi ng doktor at napaupo naman ang ina nya at napahagulgol nang dahil sa balitang natanggap.

Alex, for the last time, mahal na mahal kita.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!