#AnongNangyari?

422 12 1

Xavier.

Agad kong hinanap ang cellphone ko pagka-gising ko. Pero wala akong nakita.

Shit. Saan ko ba yun nilagay?

Ilang minuto rin akong naghanap nang maalala ko na naiwan ko nga pala yun sa kwarto ni Lanz kahapon nung nagpa-shareit ako ng music mula sa cellphone nya.

Haay.

Agad akong naligo at nagbihis tsaka ako bumaba.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni mama, "Ba't naka civilian ka? Wala ka bang pasok?"

Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi na suspended ako. Haha. Hindi nya naman kailangan malaman eh.

"Founding Anniversary po kasi kaya pwede lang na naka-civilian." Sagot ko tapos kumuha ng isang sandwich na hinanda ni mama.

"Ganun ba? Sige ingat ka ah?" Sabi nya.

"Opo. Bye ma!" Sabi ko tapos umalis na ng bahay.

Sumakay ako ng jeep papunta sa bahay nila ni Lanz. Tatawagan ko saaa sya para ipaalam na dadating ako, pero naalala ko, naiwan ko nga pala ang cellphone ko sa bahay nya. Haha.

Mabilis akong nakarating dun kasi wala naman masyadong traffic. Nakita ko sina Skye, Ash, Toffer at Ken na nasa harap ng bahay ni Lanz.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa kanila.

"Kanina pa kami tawag ng tawag sayo eh! Saan ka ba nanggaling?" tanong ni Skye.

"Naiwan kaya ang cellphone ko dyan sa kanila ni Lanz." Sagot ko, "Si babes ko?"

"Kanina parin kami tawag ng tawag sa kanya pero unattended eh." Sagot naman ni Ash.

"Tatambay kami sana dito kaso mukhang wala namang tao eh, wala kasing sumasagot, tinatawagan din namin si Lanz pero hindi nya rin sinasagot ang cellphone nya." Sabi ni Toffer.

Lumapit ako sa gate at hinawakan yun, nang bigla nalang itong bumukas.

"Mga shunga, bukas naman to eh!" Sabi ko sa kanila.

"Ah, talaga? Sigaw lang kasi kami ng sigaw at tinatawagan sya sa cellphone eh." Sabi ni Ken na napakamot sa batok nya.

Pumasok kami at nakita namin na bukas din pala ang pinto. Gago tong si Lanz paano nalang kubg nanakawan sya?

Hinanap sya namin hanggang sa napadpad ako sa kwarto nya, pagbukas ko ng pinto, gumuho ang mundo ko.

Nagkalat ang mga damit sa sahig, panlalake at pambabae, may bra pa nga eh, tapos sa kama, nakita ko si Lanz at nasa ibabaw nya ang babaeng mahal ko habang hubad silang dalawa.

Umakyat ang lahat ng dugo sa ulo ko at dumilim ang paningin ko.

Mga gago sila.

"Hoy!" Sigaw ko sabay hampas sa pinto kaya napabangon sila ng wala sa oras.

Hinawakan agad ni Lanz ang ulo nya at ganun din si Shaem habang hindi ma-drawing ang mga mukha nila.

"Dude, ano ba yan--" hindi natuloy ni Ken ang sinasabi nang makita nya sina Lanz at Shaem na pilit tinatakpan ang katawan nila ng kumot.

"Magbihis kayo tapos bumaba kayo!" Sigaw ni Ken sa kanila tapos hinila nya ako pababa.

"What the hell is happening?" Salubong ni Ash samin pero patuloy lang si Ken sa paghila sakin papunta sa baba at pinaupo nya ako sa sofa.

Pilit nya akong pinapakalma pero kumukulo na talaga ang dugo ko.

Mga hayop sila.

Ilang sandali ay bumaba na sila.

"Xavier, dude, let me explain." Sabi ni Lanz pero agad ko syang sinapak at nung natumba sya ay pumaibabaw ako sa kanya at pinaulanan sya ng suntok.

Agad naman akong inawat nina Toffer at Xavier.

"Hayop ka! Papatayin kitang gago ka!" Sigaw ko sa kanya habang pilit na nagpupumiglas.

"Xavier, I'm sorry. Patawarin mo ako, Xavier." Sabi naman ni Shaem habang umiiyak.

"Sorry? Tawad? Shaem, you fucked your boyfriend's bestfriend!" bulyaw ko sa kanya.

"Oh my gosh! You did that?!" Hindi naman makapaniwalang sabi ni Ash.

"What the fuck?" Sabi naman ni Skye.

"Xavier, please! Nalasing kasi kami pero wala namang nangyari eh, please Xavier, patawarin mo ako, please!" Lumuhod na si Shaem sa harap ko pero sobrang sakit at galit ang nararamdaman ko ngayon.

"Dude, sorry." Sabi naman ni Lanz.

"Wag mo akong ma-dude dude ha! Gago ka! Alam ko na broken hearted ka, pero paano mo nagawa sakin to?! Wala naman akong kasalanan sayo diba?! Gago, tol ang sakit kasi eh! Ang sakit na mismong bestfriend ko pa, ang taong pinagkakatiwalaan ko, ikaw pa ang gumawa sakin nito!" umagos ang mga luha ko na parang gripo.

"Xavier, I'm sorry, please! Patawarin mo ako, please Xavier, please!" Pagmamakaawa parin ni Shaem habang umiiyak. "Xavier, ikaw lang naman ang mahal ko eh! Please! I'm sorry!"

Kumawala ako mula sa hawak nina Ken at Toffer tsaka ko pinahiran ang mga luha ko.

"Mahal din naman kita Shaem eh. Pero ginago mo ako. Ang sakit sakit lang kasi eh." Sabi ko sa kanya. Lumapit naman sya sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Xavier, please! Lasing lang kami. May tiwala ka naman sakin diba? Maniwala ka, wala talagang nagyari samin. Sorry. Please patawarin mo ako." Sabi nya.

Inalis ko ang hawak nya sakin.

"Sorry din, pero kasama ng panggagago mo sakin ang pagkawala ng tiwala ko sayo."

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!