#SanaPala

484 23 0

Skye.

"Ok ka na ba?" Tanong ko kay Ash at tumango naman sya.

Nandito kami ngayon sa condo nya, pagkatapos ng nangyari kanina, humingi kami ng pass kay sir Hams para palabasin na kami ng school, dinahilan namin na ang taas ng lagnat ni Ash at kailangan nyang umuwi at magpahinga, pumayag naman sya agad dahil sa persuading technique ni Xavier.

Ang lamya ni Ash, hindi katulad ng araw araw nyang aura na parang chill lang at walang problema na parati kaming pinapatawa.

Kanina nga nagulat ako nang bigla nalang syang nag-breakdown, first time ko syang nakitang umiyak kasi kanina, ang lungkot lungkot nga muntik ka akong ma-carried away at maiyak din eh.

"Samahan ka nalang namin dito." Sabi ni Alex.

"Oo nga, dito nalang kami hanggang bukas." Sabi naman ni Shaem.

"Dun nalang din kami kay Ken, basta kung kailangan nyo kami, nandyan lang kami sa kabilang unit." Sabi ni Toffer.

"Magpahinga ka na, Ice ko. Sorry at nai-stress kita ng ganyan." Sabi ni Ken tapos hinalikan si Ash sa noo at umalis na yung apat na lalake.

Lumabas muna kaming tatlo nina Shaem at Alex mula sa kwarto ni Ash at tumambay muna sa sala.

"Haay. Kawawa si Ash." Sabi ni Shaem.

"Oo nga eh. Ngayon nya tayo mas kailangan kaya dapat hindi natin sya iwan." Sabi ko naman, "Oo nga pala, ikaw Alex, kamusta na yung problema mo?"

Nagbuntong hinignga si Alex bago magsalita, "Eto hindi ko parin alam kung ano ang gagawin ko."

"Haayaan mo nalang na tangayin ka ng destiny papunta sa tamang desisyon." Sabi ni Shaem at tumango naman ako.

Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng parang may piniprito at amoy ng ever so favorite kong bacon.

Tumingin ako sa wall clock ni Ash at 6 am pa lang naman pero ginising ko na sina Alex at Shaem at baka ma-late pa kami.

"Ash?" Tanong ni Shaem nang makita nya ang isang babae na nagluluto.

"Ay hindi." Sarkastikong sagot ni Ash, mukhang back to normal na sya.

"Ok na ba yang kamay mo?" Tanong ko.

"Okay na, medyo kumikirot pero okay na." Sabi ni Ash habang sinusuri ang sugat sa kamao nya na nabalot ng band aid na parang tela, sorry naman di ko alam kung ano ang tawag dun eh.

"Ganun pala kalakas ang suntok ko?" Sabi ni Ash sa sarili tapos tinutok samin ang kamao nya, "Kaya kayo, umayos kayo." Biro nya bago bumalik sa pagluluto.

Nagulat kami nang biglang sumulpot yung apat na lalake na mukhang nagmamadali.

"Sorry! Late kaming nagising! Tara na!" Sigaw ni Xavier.

"Ano bang minamadali nyo eh, 6 pa nga lang eh." Sagot ni Alex.

Napa-face palm naman si Ash, "Anak ng butiki, nakalimutan ko, sira nga pala yang relong yan."

Agad kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong 7:20 na ng umaga. 10 minutes bago ang first period, hindi na kami makaka-abot.

"Tara na, dali!" Sigaw ni Ken.

"Hindi pa kami nakaka-ligo eh!" Sagot naman ni Shaem.

"Hindi rin naman kami, naka-unuform naman na kayo, kaya tara na! Diba ngayon mag-uumpisa yung punishment sa lahat ng male-late?" Sabi ni Toffer.

Nataranta kaming lahat at kahit yukot yukot na ang unuform namin dahil sa tinulugan namin ito, hinablot nalang namin ang mga bag namin tapos kumuha ng ilang niluto ni Ash at tumakbo na kami palabas para sumakay ng jeep.

"Oh, maluwag pa, maluwag pa!" Sigaw ni manong barker. Tsk. Ang tagal naman nitong umalis oh. Panay ang tingin namin sa relo namin, 7:25 na. Tagal!

"Tatlo pa, tatlo pa!" Sigaw ni manong barker, nung may sumakay na na tatlo, akala namin aalis na, yun pala,

"Tatlo pa, tatlo pa! Bilis at aalis na!"

Anak ng. Seryoso manong?! Eh nagmumukha na kaming mga sardinas sa siksikan eh!

"Kuya, late na po kami! Tsaka halos ma-suffocate na kami sa sikip dito oh!" Sigaw ni Toffer kay manong barker at ilang segundo pa ay umalis na kami.

Pagdating namin sa campus, todo spray kami ng cologne habang tumatakbo papunta sa klase, pero kainis din kasi nahuli parin kami ni sir Pip at pinarusahan nya kami dahil late na kami.

Pina-squat kaming mga babae at yung mga lalake naman ay pina-push up position.

After 15 minutes ay pinaalis nya na kami dala ang tardy slip na binigay nya samin. 2 hours community service. Haay naku. Kelan pa naging ganito ka strikto si sir Hams? Duh, ngayon lang.

"Male-late rin naman pala tayo at mapaparusahan, sana naligo nalang tayo." Sabi ni Ken habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.

Oo nga eh. Pero sabi nga nila diba, there's a first time to everything. At siguro naman, first time naming lahat na pumasok ng school ng hindi man lang hinuhubad ang uniform namin kahapon, at hindi man lang naligo.

At least, may isang magandang istorya akong maiku-kwento sa future.

Filler chapter people. Pasensyahan nyo na, na-admit kasi ako ngayon, appendicitis daw kaya ayun nagpa-opera ako kahapon, pero okay naman na ako! Hahaha. kaya vote na kayo! Comment and be a fan para masaya!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!