#She'sBack

434 17 2

Ash.

"Hoy! Ano bang mga problema nyo?!" Sigaw ko sa kanila. Shet. Ang sakit ng pwet ko dahil sa pagka-dulas ko. Kainis.

Oh, namiss nyo ako noh?! Well I'm back!

Pero teka, bakit naman parang gulat na gulat sila nang makita ako? Oo nawala ako ng ilang weeks, months rather, pero hindi naman ibig sabihin nun na ganyan ka-exagge ang reaction nila sa pagbabalik ko. haha. Lakas maka-miss universe ng rather ko eh.

"I'm back!" Sigaw ko tapos todo ngiti pa.

"Wag ka namang manakot ng ganyan Ash oh! Magkaibigan tayo diba?!" Iyak ni Skye.

Napakamot ako sa batok ko. Naka-drugs ba sila o ano? Tsk. Sabi nang wag mag-drugs eh. Huhulihin kayo ni daddy Duterte, sige kayo.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko nalang tapos kinuha yung kutsilyo na nabitawan ko kanina nang nadulas ako tapos bumalik ako sa kusina at nagsimula na ulet magluto.

Ilang sandali pa, pumasok si Ken sa kusina pero mukhang takot na takot parin sya.

"Ice? Ikaw ba talaga yan?" Tanong nya.

Sa inis ko, binaba ko ang hinihiwa kong kamatis sa cuttting board, "Ano bang meron sa inyo at ganyan kayo ka-OA mag-react? Hindi na kayo nakakatuwa kaya please lang, tigilan nyo na yan."

Dahan dahang lumapit si Ken sakit tapos sinundot ang pisngi ko, tsaka nya ako kinurot.

"Aray!" Sigaw ko tapos binatukan ko sya.

"Shit, totoo ka nga!" Sigaw ni Ken tapos hinila nya ako at niyakap. Tinulak ko naman sya palayo.

"Malamang Ken, totoo ako." Sabi ko, "Ilang box ba ng katol ang sininghot mo?"

"Pero patay ka na diba?" Tanong nya.

"Kung patay ako, bakit kita kinakausap ngayon?" Tanong ko sa kanya, "Tsaka ano ba yang sinasabi mo na patay na ako?! Eh I'm alive, alert, awake, enthusiastic!"

"Eh sino yung pina-cremate namin?" Tanong nya ulet.

"Aba, malay ko sa inyo!" Sabi ko, "Saan nyo ba nakuha yang bangkay na yan na inakala nyong ako?"

"Naalala mo nung tumawag ka sakin?" Tanong nya.

Anak ng butiki. Mukhang alam ko na ang sinasabi nya. Hinila ko sya papunta sa iba na nasa sala. Nanlaki pa ang mga mata nila.

"Buhay ako, wag kayong ano." Sabi ko hinila ko si Ken at magkatabi kaming umupo sa sofa.

"Pakinggan nyong mabuti tong sasabihin ko ah?" Sabi ko tapos tumango naman sila at nagsimula na akong magkwento.

Flashback

"Goodbye." Sabi ko kay Cris tsaka tuluyang umalis.

Nakapagpasya na ako, gusto ko munang umalis mula sa lugar na to. It may seem na tinatakasan ko ang mga problema pero hindi, aalis lang ako sandali para makapag-isip nang tungkol sa mga nangyayari dito. Gusto ko munang lumayo para ma-klaro ang lahat ng iniisip ko.

Kumuha ako ng gate pass sa school nurse na sinasabi ko na ang sakit sakit na talaga ng tyan ko at kailangan ko nang umuwi para makapag-deposit. If you know what I mean.

Binigyan nya naman ako agad at umalis ako at pumunta sa bahay ko. Sa totoong bahay. Kay mama.

"Anong nakain mo at napadalaw ka dito?" bungad ni mama sakin.

"Pupunta ako sa bacolod kay lola." Sabi ko sa kanya.

"Eh paano ang school?" Tanong ni mama.

"Sandali lang naman po ako dun. Miss na miss ko na po kasi si lola tsaka nag-promise ako sa kanya na bibisitahin ko sya." Sagot ko.

"Sasama na ako sayo." Sabi ni mama.

"Ay wag na po, kakagaling nyo lang dun eh. Hayaan mo naman kami ni lola na magkaroon ng alone time together." Sabi ko. Napapayag ko rin si mama at nag-empake na ako agad at naging chance passenger sa barko.

Barko lang ang sinakyan ko kasi mas trip ko to kesa sa eroplano eh. Nagagandahan akong panuorin ang sunset at sunsrise. Lalo na kapag ang sun nasa horizon, grabe lang, breathtaking.

Dumating ako sa bacolod pagkalipas ng isang araw tapos nanatili ako dun for almost two weeks. Peaceful kasi dito. Nagbonding din kami ng lola ko.

Sa pananatili ko sa bacolod, marami rin akong napagisip isip. Masyado akong naging judgemental kay Alex at hindi ko man lang sya tinanong sa nararamdaman nya. Pinairal ko na naman ang pagiging know-it-all ko at inisip lang ang opinyon ko.

Masyado rin akong naging harsh kay Shaem. Mali yung ginawa nya pero dapat bilang kaibigan, dinamayan ko sya at sinuportahan, bilang kaibigan, responsibilidad ko na damayan sya sa lahat ng pinagdadaanan nya.

Yun na nga, after two weeks, bumalik na ako dito sa manila, maaga pa ako dito sa unit ko, mga three am ako dumating dito at napagpasyahan ko na gumawa ng video.

Nagsorry ako sa kanilang lahat at nagpasalamat. Pero sa ngayon, gusto ko munang mapag-isa. Gusto ko namang magkaroon ng little adventure. Gusto kong ma-experience ang buhay ko sa ibang point of view.

Pagkatapos kong i-record ang video ay umalis na ako agad kasi baka maisipan pang pumasok ni Ken dito sa unit ko at masira lahat ng plano ko.

"Sabi ko sayo Ken pumunta sya ng bacolod eh!" Sabi ni Cris kay Ken.

"Sorry naman diba?" Sagot naman ni Ken.

Masaya akong makita na magkaayos na sila, I guess may magandang naidulot ang pag-alis ko.

Aba dapat lang noh! Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko!

"Pero hindi mo pa nasasagot ang tanong namin sayo. Nakidnap ka diba? Nasunog yung bahay kung saan kayo dinala? Kung buhay ka pa ngayon, kanino yung bangkay? At bakit ngayon ka lang bumalik?" sunod sunod na tanong ni Alex. Umalis lang ako sandali nag-transform na ang bunganga nya.

From an ordinary na malaking bunganga, naging machine gun na. Ratatatatat!!! Char. Corny ko.

"Calm your tits. Mahina ang kalaban." Sabi ko tapos inumpisahan na naman ang kwento ko...

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!