#TheConfession

587 23 1

Alex.

"Good morning class." Sabi ng bago naming teacher.

"So, you spent almost half of your life in school at alam nyo naman na siguro kung ano ang ginagawa tuwing first day of school, diba?" Sabi nya, "Introduction."

"Maam, hindi ba pwedeng wag nalang? Kami nalang po ang bahalang kumilala sa mga kaklase namin." Sabi ni Shaem na nakaupo sa unahan.

"Hindi pwede." Sagot ni maam tapos sa kanya pa nag-umpisa. Haha. Poor, Shaem. Kung sana kasi, nanahimik nalang sya.

"I'm Shaem Jam Delfin, call me Shaem, silent a. 17 years old ako at alma matter ko itong Hamillton Academy and I can't wait to get out." Sabi nya.

"Oh, ano? Hindi ka naman natunaw diba?" Sarkastikong sabi ni maam sa kanya habang naglalakad na sya pabalik sa upuan nya, "Next."

Tumayo na ang isang lalake at pumunta sa gitna.

Sya.

"Ako nga pala si Josh." Sabi nya.

"Full name?" Tanong ni maam.

"Basta Josh." Sagot nya. Hanggang ngayon ikinakahiya nya parin ang pangalan nya?

Tinignan ni Maam ang class record nya, "Josh Kellington?"

Josh Kellington? Anak ng pinakbet, sya na naman?!

"Maam, ako po si Josh Kellington!" Sabi ng isang lalake na mukhang amerikano sa likod. Sabi ko na nga ba sya yan eh. Tsk.

"Eh iisa lang ang Josh dito sa class record ko eh, sigurado ka bang tama ang section na napasukan mo?" Tanong ni Maam kay Josh.

Ganitong ganito rin ang nangyari nung una kaming nagkakilala ni Josh eh. Pati ba naman sa muli naming pagkikita ganito rin?

"Joselito Dimakutak." And he finally said it. Katulad ng dati, nagtawanan din ang lahat.

"Grabe, may ganyan pa palang pangalan ngayon?" Sabi ni Lanz sa tabi ko, sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Manahimik nga kayo! Gwapo naman sya kahit panget ang pangalan nya!" Suway ko sa mga kaklase ko.

Nagtama ang tingin namin at nakita kong nanlaki ang mga mata nya, nginitian ko lang sya tsaka bumalik sa pagkakaupo.

Natapos ang first half ng unang araw ng klase at nandito na kami sa cafeteria, magkakasama na kaming walo at syempre, by pair na kaming lahat.

"Hahaha! Yuck, naman Ken!" Sabi ni Ash nang sa sobrang kakatawa ni Ken ay lumobo ang sipon nya.

"Ang sama nyo!" Sigaw ni Ken samin na patuloy parin sa patatawanan.

"Alex." Rinig kong may tumawag sakin mula sa likod, napatingin naman ako at nakita ko si Josh na may dalang isang bote ng juice.

Natigil naman ang tawanan at nagtatakang napatingin ang lahat kay Josh.

Inabot nya yung juice sakin, "Para sayo oh, thank you gift lang."

"Salamat." sabi ko tapos aabutin ko na sana ang juice nang bigla itong agawin ni Lanz at ininom agad.

"Salamat, bro. Yun lang ba? Makakaalis ka na." Masungit na sabi nya, pinalo ko naman sya at sinamaan ng tingin.

"Ah, Alex, pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Josh na hindi nalang pinansin ang pagsusungit ni Lanz sa kanya.

"Nag-uusap na kayo ngayon, diba?" sabi ni Lanz.

Hindi ulet pinansin ni Josh si Lanz, "Ng tayong dalawa lang, please."

Nagulat ako nang biglang hinampas ni Lanz ang lamesa, nakuha nya rin ang atensyon ng mga tao dito sa cafetetia.

"Ano ba ka sikreto yang pag-uusapan nyo at hindi mo masabi dito?" Sabi ni Lanz na nakatayo sa harap ni Josh.

Pero dahil isang calmado at mapag-intindi na tao si Josh ay hindi nya lang pinansin ang ginawa ni Lanz at tumingin lang sakin.

"Alex, please?" Sabi nya na kulang na lang ay lumuhod pa sya.

First love ko si Josh. Hindi pwedeng humindi ako sa kanya.

"Okay." Sabi ko.

"Ano?" Hindi makapaniwalang sabi ni Lanz.

"Lanz, kalma ka lang please? Mag-uusap lang kami." Sabi ko tapos sinundan ko na si Josh palabas.

Nang makarating kami sa likod ng building, hinarap nya ako. Tinignan nya ako sa mga mata at ganun din ako. Ilang segundo rin kaming nagtitigan bago ako nag-decide na basagin ang katahimikan.

"So, kamusta ang Amsterdam?" Tanong ko.

"Okay naman. Puro sila nag-e-english, na-no-nosebleed ako." Sabi nya at napatawa naman kami ng mahina.

"Alex, I'm sorry." Bigla syang sumeryoso. Alam ko naman na hahantong din kami dito eh.

"Okay lang yun." Sabi ko naman.

"Hindi, hindi okay yun. Umalis ako ng walang paalam. Sorry talaga, kinuha nila cellphone ko at kinulong tapos first thing in the morning, umalis agad kami papuntang Amsterdam. Sorry talaga, Alex." Sabi nya na maluha luha.

Bumalik sakin ang mermorya nung gabing yun. Ilang oras ko syang hinintay at muntikan na akong mapahamak. Nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya na muntik na akong ma-rape dahil sa paglalakad ko ng madaling araw, nang hindi nya ako sinipot.

Napagdesisyonan ko na wag nalang sabihin sa kanya. Sisisihin nya lang ang sarili nya at wala namang nangyari sakin, okay naman ako kaya hindi na nya kailangan malaman yun.

"Okay nga lang yun, Josh. Wag ka ngang mag-drama dyan." Sabi ko na pinapagaan ang atmosphere. Masyado kasing tense.

Hindi naman ako galit sa kanya eh. Naiintindihan ko ang sitwasyon namin noon at alam ko na hindi nya naman ginusto ang mga nangyari.

"Wala na sina mama at papa." Biglang sabi nya.

"As in.." nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba yung karugtong nun.

"Oo, patay na sila." Sabi nya at napahawak naman ako sa bibig ko, so ibig sabihin, ulila na si Josh? "Na-aksidente kami ilang buwan na ang nakalipas at dead on arrival sila habang ako ang naka-survive. Kaya nga ako bumalik dito sa pilipinas kasi dito sila nilibing eh."

"Sorry." Sabi ko habang nakayuko. Ang lungkot naman. Yung iba nga halos mabaliw mawala lang ang mama o papa nila, paano pa kaya kay Josh na mama at papa nya ang nawala sa isang iglap lang?

"Ba't ka nag-so-sorry eh wala ka namang kasalanan?" Pabirong sabi nya, "Pero Alex, hindi naman sa hindi ko nirerespeto ang mga magulang ko, at alam ko naman na may iba ka na, pero mahal parin kita Alex eh."

"Josh--" hindi ko natapos ang sinasabi ko kasi nagsalita sya ulet.

"Alex, tayo naman talaga, diba? Hindi tayo nag break kaya, tayo parin, alam mo ba kung anong araw ngayon?" Sabi nya.

"June 10. Anniversary natin." Sagot ko naman. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil two years ago, ng ganitong araw, ay ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

"Alex, please. Give me a second chance. Alex, ngayon wala nang hahadlang satin, wala nang makakapigil satin." Sabi nya.

"Ang mga magulang ko?" Tanong ko.

"Alex, ipaglalaban kita. Kakayanin ko ang lahat, para sayo." Tuluyan nang tumulo ang luha nya, "Alex, please. Mahal parin kita."

Vote.comment.be a fan

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!