#HisBreakdown

470 16 1

Ken.

"Ice ko, kalma ka lang kasi." sabi ko sa kanya habang kumakain kami ng dirty ice cream na naka-pwesto ilang metro mula sa school.

"Ano bang pinag-awayan nyo ng girlfriend mo, iho?" Tanong ni manong nagbebenta ng ice cream.

"Ay hindi po kami manong, nagkasagutan po kasi sila ng kaibigan nya." Sagot ko naman.

"Kung hindi nyo mamasamain, pwede ko bang itanong kung ano ang pinag-awayan nila?" Tanong ulet ni manong.

"Sige manong pero isa pa muna." Sagot ni Ice. Napatawa nalang si manong at binigyan sya ng panibagong serve ng ice cream.

Nang makuha na yun ni Ice ay nagsimula na syang mag-kwento simula sa nangyari kina Josh at Alex tapos ang kina Lanz naman at Alex at sa nangyayari ngayon sa kanilang tatlo.

"So yun nga manong, feeling ko kasi ang tanga tanga ni Alex eh. Diba nga sabi nila, 'If you love two persons, choose the second one because you won't love the second one if you really love the first one.' Kaya ayun manong, yun na nga ang problema." Sabi ni Ice.

"Una sa lahat, kuya Loyd nalang ang itawag nyo sakin, at pangalawa sa tingin ko dapat hayaan mo nalang syang mag-desisyon sa sarili nya kasi buhay nya yan eh." Sabi naman ni kuya Loyd daw.

"Eh kuya Loyd, concerned lang naman ako bilang kaibigan. Ayaw ko lang naman kasi syang masaktan. Nandyan naman si Lanz eh, tsaka paano nga kung balikan nya si Josh tapos iwan na naman sya ulet? Masasaktan sya at wala na si Lanz para saluhin sya." Sagot ni Ice.

Papalit palit lang ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nakikinig sa debate 2016 nilang dalawa.

"Oo nga concerned ka lang, pero masama parin yung gusto mo ikaw ang masunod kasi sa tingin mo yun ang tama, kasi parang kino-control mo na ang buhay nung Alex kung ganun. Kaya hayaan mo sya, kung mangyari nga ang sinasabi mo, dapat maging nasa tabi ka lang nya para damayan sya." Sagot naman ni manong.

Medyo o.p. na ako sa kanila kaya sumali na ako sa debate 2016.

"May point nga si kuya Loyd, Ice ko. Tsaka kung sila naman talaga ni Lanz ang para sa isa't isa, kahit harangan pa sila ng isang milyong Josh, destiny will find a way para sila parin ang magkatuluyan." Sabi ko.

Tumango si kuya Loyd at nag-fist bump kaming dalawa.

"Haay, sigyro nga tama kayo." Sabi ni Ice, "But I'd still slap some sense to her if she makes a stupid decision."

Nagkatinginan nalang kami ni kuya Loyd at sabay na napa-iling at buntong hininga.

Nagpapakuha ulit si Ice kay kuya Loyd ng ice cream nang biglabg mag-ring ang cellphone ko.

"Sino yan?" Tanong ni Ice.

"Si Xavier lang." Sabi ko at hindi pinansin ang tawag nya. Kinuha ko ang singsing sa bulsa ko at binigay kay Ice.

"Ano to?" Tanong nya.

"Singsing, malamang." Pilosopong sagot ko kaya nabatukan ako ng wala sa oras.

"Ibig kong sabihin, bakit mo ako binibigyan nito eh hindi ko naman birthday at hindi rin natin monthsary, anong meron?" Sabi nya.

"Diba yan yung nakita natin sa mall na gusto mo sanang bilhin kaso namamahalan ka, kaya ayan ako na bumili para sayo, nakaukit pa dyan ang ship name natin na 'AshEn', oh diba?" Sabi ko sa kanya tapos tinaas ang kaliwang kamay ko kung nasaan ang singsing na ka-partner ng binigay ko sa kanya, "Meron din ako, oh."

"Baliw ka talaga." Sabi nya ng nakangiti, kinuha ko ang singsing at sinuot sa kanya.

"Baliw na baliw sayo." Sabi ko.

"Alam nyo, naaalala ko ang sarili ko at ang asawa ko sa inyong dalawa." biglang sabi ni kuya Loyd tapos napatingin sya sa langit, "Kaso wala na sya."

"Ang lungkot naman po." Sabi ni Ice, "Mukhang mahal na mahal nyo po sya."

"Sobra." Sagot ni kuya Loyd, "Osya, libre na tong next serve nyo dahil ang gwapo ko."

"Ay kuya masamang magsinungaling." Sabi ko at napatawa nalang kaming tatlo.

Nag-ribg ulit ang cellphone ko at si Xavier parin ang tumatawag. Ano kaya ang kailangan ng pangit na to?

"Sagutin mo na, baka importante." Sabi ni Ice habang kumakain ng panibagobg serve ng ice cream. Pang ilan nya na ba to?

Sinagot ko ang tawag, "Ano bang problema mo?"

"Dude, nagwawala si Lanz dito sa bahay nila, break na sila ni Alex!" Sabi ni Xavier at nakarinig ako ng sigaw at bagay na natutumba kasabay ang pagsigaw ni Toffer ng 'dude, tama na!'

"Ano?!"

Xavier.

"Papunta na kami dyan!" Sabi ni Ken sa kabilang linya at binaba na ang tawag.

Biglang sinuntok ni Lanz ang salamin kaya nabasag ito at dumugo ang kamao nya, lumapit ako sa kanya para pigilan sya.

"Dude, tama na kasi, konti nalang at babagsak na tong bahay nyo!" Sigaw ko sa kanya.

"Wala akong pakialam! Iwan nyo nalang kasi ako dito! Sanay naman na akong naiiwan eh!" Sigaw nya pabalik.

Ang sarap sumigaw ng 'Wow, hugot!' pero ang inappropriate sa sitwasyon. Oh diba, big word!

"Ilang beses ba namin dapat sabihin sayo na hindi ka namin iiwan sa ganitong kalagayan!" Sigaw naman ni Toffer.

Biglang sumigaw si Lanz at sinipa sipa naman ang kama nya, inaawat sya namin ni Toffer pero grabe ang lakas nya at nakakawala sya mula samin tapos lahat ng bagay na mahawakan nya ay binabato nya kung saan.

Beast mode level boss na sya mga tol.

Ilang sandali pa ay dumating na si Ken kasama nya si Ash.

"Kwarto ba to o dumpsite?" Banat ni Ken kaya naman nakatanggap sya ng batok mula kay Ash.

"Hindi ko kailangan ng awa nyo, okay?! Lumayas nga kayo dito! Alis!" Sigaw ni Lanz samin. Ang amazing lang na part dito eh hindi umiiyak si Lanz, galit na galit sya pero hindi sya umiiyak.

Nilapitan sya ni Ash at nagulat kami nang bigla nya itong sinampal.

"Hoy gago! Putang ina mo gumising ka! Sa tingin mo tong pagwawala mo ay maibabalik si Alex?!" Sigaw ni Ash at napatigil naman si Lanz tapos bigla syang napaupo sa sahig at isa isa nang tumulo ang mga luha nya.

Hindi na pala amazing.

Nakilevel si Ash sa kanya tapos niyakap nya si Lanz at hinagod hagod ang likod nya habang patuloy lang sa pag-iyak si Lanz.

"Hoy, girlfrien--" hindi natuloy ni Ken ang sinasabi nya kasi bigla syang siniko ni Toffer sa gilid.

Kung alam ko lang na konting trashtalk lang pala ang kailangan ni Lanz para kumalma edi sana, lahat ng alam kong bad word, english o tagalog, ay naibuga ko na sa kanya kanina pa.

"Wala na si Alex. Iniwan na nya ako. Ayaw na nya sakin." Sabi ni Lanz habang patuloy parin sa pag-iyak.

"Shhh. Everything will be fine." Sabi naman ni Ash.

Lumapit ako sa kanila at nakiyakap narin, "Okay lang yan Lanz, it's her loss."

Lumapit narin si Toffer at nakiyakap din, "Marami pang iba dyan dude. Makakahanap ka pa ng ibang mas deserving ng pagmamahal mo."

Lumapit din si Ken at nakiyakap, "At kung wala man, wag kang mag-alala, nandito kami para samahan kang maging matandang binata."

Napangiti kami sa huling sinabi ni Ken, loko talaga tong taong to. Hindi sumagot si Lanz, at nang tignan namin sya, tulog na pala ang loko.

"Nag-drama pa tayo, tulog na pala sya." Sabi ko tapos binuhat namin si Lanz papunta sa kama nya at pinahiga.

"Haayan na muna natin sya." Sabi ni Ash at lumabas kaming apat mula sa kwarto nya.

"Now I just have one little thing to take care of." Sabi ni Ash na nagpataka samin.

Ano daw?

Dun dun dun duuunnnn~~  wag kayong ano! English speakinen si Ash tray. mwahaha. Vo-vo-vote, comment and be-be a fannnn~~ orayt.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!