#TheFight

586 23 0

Skye.

"Saang lupalop ba ng school sumiksik yung si Lanz at hindi natin sya makita?!" Hinihingal na sabi ni Ash.

"Teka, guys, si Shaem nasaan?" Tanong ko.

"Kanina pa yun wala, hindi mo na-notice?" Tanong ni Ash habang nakahawak sa tuhod nya.

Nagkibit balikat lang ako. Nagulat ako nang biglang tumakbo si Alex palayo samin.

"Alex! Alex! Hoy!" Sigaw ko pero hindi nya man lang ako nilingon.

"Ang sarap ding sakalin ng bruhang yun noh?" Sabi ni Ash, "Tara na nga, pumunta na tayo sa classroom."

Nagsimula na kaming maglakad ni Ash papunta sa classroom namin, "Mabuti nalang at hindi natin sya kaklase kundi baka mabigwasan ko yung asong yun."

Napatawa naman ako ng konti nang tinawag nyang aso si Alex. Haha. Tama naman. Lol.

Napatigil ako nang makita ko sya. Agad kong hinila si Ash papunta sa kabilang direksyon.

"Anong problema mo?" nagatatakang tanong nya.

"Sa kabila nalang tayo dumaan." Sabi ko naman.

"Ha? Bakit naman eh malapit na tayo oh." tutol ni Ash.

"Basta kasi--" naputol ang sinasabi ko nang may mabangga akong tao.

Pagtingin ko, si Toffer pala, kasama nya sina Lanz, Ken, Xavier at Shaem. Kita mo na tong Lanz na to. Tsk. Yung gg na Alex na yun, kung hindi lang tumakbo yun mula samin, edi dapat nagkita na sila ni Lanz.

Kumapit naman agad ako kay Toffer, "Saan kayo pupunta?" Tanong nya.

"Ewan ko ba dyan, mukhang may iniiwasan eh." Sagot ni Ash na nakayakap na kay Ken, lakas talaga maka-PDA ng dalawang yan.

"Dun nalang tayo sa kabila dumaan." Sabi ko kay Toffer. Tumingin tingin naman sya na hinahanap kung sino ang iniiwasan ko. Napalingon naman ako at nagtama ang paningin namin.

"Tara na kasi." Sabi ko kay Toffer at hinila sya papunta sa kabilang direksyon.

Pero the damage has been done, nakita nya na ako, at syempre, tinawag nya ako.

"Skye!"

Haay. Napatigil na ako sa paglalakad. Tsk. Simula pa kaninang umaga ko sya iniiwasan, pero hindi ko naman talaga magawa yun kasi magka-klase kami. Ang bobo lang eh.

Hinarap ko sya, "Ano?" sabi ko na ginagaya ang signature look ni Toffer, cold.

"Kamusta ka na? Long time no see ah?" Sabi nya na todo ngiti pa. Uminit naman ang dugo ko sa kanya. Lakas ng loob nyang magpakita ulet pagkatapos ng ginawa nya sakin.

"Ano bang kailangan mo?" Masungit na tanong ko sa kanya.

"Nangangamusta lang naman ako." Sabi nya.

"Ano bang pake mo?" Sabi ko.

"Skye, mapapatawad mo pa ba ako?" malungkot na tanong nya sakin.

"Pagkatapos ng ginawa mo sakin? Ano ako, hilo? Tsk. Lumayas ka nga sa harap ko." Sabi ko at nagtangkang umalis pero pinigilan nya ako.

Inalis ni Toffer ang hawak ni Aj sakin tsaka nya ako hinila papunta sa likod nya.

"Diba sabi nya, alis?" Sabi ni Toffer.

"Sino ka ba, ha? Ano bang pake mo dito?" Maangas na tanong ni Aj. Tsk. Kung ako sayo, hindi ko gagalitin si Toffer.

"Sino ako? Ako lang naman ang boyfriend ng ginugulo mo, kaya pwede ba, lumayas ka na at wag mo nang guguluhin si Skye kung ayaw mong masira yang sira mo nang mukha." Pagbabanta ni Toffer pero hindi man lang natinag si Aj.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!