#Over

407 17 9

Lanz.

"Oh my gosh, she's being a bitch!"

Yan ang bungad ni Ash samin nang pumasok sya sa classroom namin. Pagkatapos ng BTOB, nag-usap sina Alex, Ash, Skye, at Shaem sa classroom nila ni Ash na nasa kabilang kwarto lang, habang kami naman nina Toffer, Ken at Xavier ay hinihintay sila dito sa classroom namin.

Kami lang naman ang tao dito kasi yung ibang tao ay nandun sa field sa mga booths.

"I freaking hate her! Parang hindi na sya ang Alex na kilala ko!" Sigaw pa ni Ash sabay sipa sa isang upuan dun.

Ako rin naman Ash eh, parang hindi na sya ang Alex na minahal ko.

Lumapit si Ken ay Ash at inakbayan ito habang pinapakalma nya, "Ano bang pinag-usapan nyo dun at mukhang stressed na stressed ka?"

"Let's just get out of here." Sabi ni Ash sa kanya, nagpaalam silang dalawa samin at umalis na sila.

"Ano kaya yung nangyari dun?" Tanong ni Toffer.

"Aba, malay namin eh magkakasama lang naman tayo dito." Sagot ni Xavier.

Maya maya pa ay may biglang nagsalita sa speaker. Nagpakilala sya bilang Joselito Dimakutak A.K.A. Josh. Haha. Ang pangit ng pangalan nya. Tapos bigla nyang minention ang pangalan ni Alex.

Anak ng butiki, sinasabi ko na nga ba at talagang ginagago ako nyang Joselito na yan eh.

Biglang uminit ang ulo ko at sinipa ko ang pinakamalapit naupuan, na ang upuang inuupuan ni Xavier kaya naman kasama syang natumba.

"Dude alam kong galit ka, pero wala naman akong kasalanan sayo!" Sabi ni Xavier sakin pero masyadong mainit ang ulo ko para mag-function ito ng maayos.

"Kalma lang, dude." Sabi naman ni Toffer sakin. Kalma? Kalmahin mo mukha mo!

Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon na parang sasabog ako.

Pangalawang beses na to.

Pangalawang beses na akong nagmahal ng seryoso pero sa huli ay niloko parin.

May mali ba sakin? May sumpa ba ako na lahat ng mamahalin ko ng todo ay lolokohin lang pala ako? Ang sakit lang eh. Ang sakit sakit lang na magago.

Agad akong tumakbo sa music hall kung saan sinabi ni Joselito na puntahan sya ni Alex, sumunod naman sakin sina Toffer at Xavier.

Pagpasok namin sa music hall, sinalubong kami ng malutong 'yes' ni Alex kay Josh. May sinuot si Josh na singsing kay Alex kaya hula ko ay sila na.

Tumakbo ako papunta sa stage at bago pa man magkahalikan sina Alex at Josh ay hinila ko si Josh at sinuntok sa pagmumukha nyang walang binatbat sakin.

"Tanga ka ba o ano?! May boyfriend yung tao liligawligawan mo?!" Sigaw ko sa kanya tapos nilapitan sya at sinuntok ulet pero ngayon ginantihan nya rin ako ng suntok.

"Hindi kami nagbreak kaya technically, kami parin nung shinota mo sya!" Sigaw nya pabalik sakin.

"Ayos na sana kami eh! Bumalik ka pa kasi! Yan tuloy, nagka-letse letse ang buhay namin!" Sigaw ko sa kanya tapos susugurin sana sya ulit pero pinigilan na ako nina Xavier at Toffer tapos sya naman ay pinigilan nina Cris at Vee.

"Tama na nga yan! Tama na!" Sigaw ni Alex na nagpatigil saming dalawa.

Kung masama na ang mood ko ngayon, mas lalong sumama nung si Josh ang nilapitan ni Alex at hindi ako.

Alex naman, ako ang boyfriend mo! Hindi yang gagong yan! Ay oo nga pala, sinagot mo na sya.

"Ano ba Lanz?! Wala namang ginagawang masama yung tao sayo eh!" Bulyaw ni Alex sakin.

"Walang ginagawang masama?" Sabi ko, "Alex inagaw ka nya sakin! Hindi pa ba masama yun?!"

Kumawala ako sa hawak nina Toffer at Xavier, "Alex, diba ako? Diba ako ang boyfriend mo? Diba ako ang mahal mo? Diba tayo? Alex ano nang nangyari sa mga plano natin? Diba pag-graduate natin magpapakasal tayo? Diba magkakaanak pa tayo at tatayo ng pamilya? Diba magsasama tayo hanggang sa tumanda tayo? Alex diba yun ang plano natin? Pero ano, bumalik yang gago na yan tapos bigla nalang naglaho ng parang bula ang lahat ng pinagdaanan natin pati ang pagmamahal mo para sakin?"

"Lanz naman--" hindi ko pinatapos si Alex.

"Alex ano bang meron dyan sa Joselito na yan na wala sakin ha? May mali ba sakin? Ano Alex, ano? Sabihin mo at babaguhin ko. Magbabago ako Alex. Kahit ano gagawin ko bumalik ka lang sakin." Pagmamakaawa ko sa kanya. Lumuhod pa ako sa harap nya. Desperado na kung desperado pero hindi ko kayang mabuhay ng wala sya.

Lumuhod din sya para mag-level kaming dalawa, "Lanz mahal kita. Pero dati pa yun."

Tuluyan na akong nanlumo nabg dahil sa sinabi nya. Mukhang alam ko na ang patutunguan ng pag-uusap na to.

Ang sakit, puta. Napakasakit.

Lahat ng ginawa ko. Lahat ng plano ko para sa kinabukasan namin at ng magiging pamilya sana namin. Lahat ng yun, maglalaho ng dahil sa susunod nyang sasabihin.

"Lanz, I'm sorry but we're done."

harai! Harai nako!! Napakasakit!! Kuya Eddie!!! Remix wag kayong ano. Hahaha. chapter dedicated to @hanabanana88 salamat talaga sa pagbasa! Hart hart!!! Anyways, vote, comment and be a faaaaannnnn!!!!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!