#Farewell

491 15 0

Alex.

Nanlumo ako nang dahil sa balitang natanggap ko at hindi ko na naman napigilang mapaiyak.

Lanz, bakit ka sumusuko?!

Ayoko mang mawalan ng pag-asa na mabubuhay pa si Lanz, wala narin naman akong magagawa. Dahil rin naman sakin kaya sya nagkaganyan eh. Kung sana hindi ako naging tanga. Edi sana wala kami sa sitwasyon na to.

Lord, eto na ba talaga? Kukunin mo na ba talaga sya? Oras nya na ba talaga? Lord, ni hindi nga man lang ako nakapagpaalam sa pagkawala ni Ash, pati ba naman kay Lanz, hindi man lang ako makakahingi ng patawad?

Naghintay kami ni tita sa labas ng operating room. Ilang oras ang lumipas ay dumating ang papa ni Lanz, si tito Ted, galing pa pala sya sa Manhattan para sa isang business trip daw pero nag-book agad sya ng flight para maka-uwi agad dito nang mabalitaan nya ang nangyari sa anak nya.

Ilang oras pa ang lumipas pero wala paring balita. Napapapikit na ako dahil sa antok at pagod pero pinipilit ko paring magising. Idagdag mo pa na gutom na gutom na ako, pero ayaw ko namang umalis para bumili ng pagkain kasi gusto ko na isa ako sa mga tao na unang makakaalam ng balita tungkol sa kalagayan ni Lanz.

Natawagan ko narin sina Skye para ipaalam sa kanila ang nangyayari ngayon at sinabi nila na pupunta daw sila pagkasikat na pagkasikat ng araw, masyado kasing madilim at umulan pa ulet kaya madulas masyado ang mga daan.

"Mag-ba-banyo muna ako." Sabi ni tita Pearl tapos umalis na.

Nung nakaalis na si tita Pearl, biglang nag-ring ang cellphone ni tito Ted, tinignan nya kung sino ang tumawag bago napatingin sa pinto ng operating room at bumaling sakin.

"Alex, iha, sasagutin ko muna ito ha? Baka importante kasi." Sabi ni tito Ted.

"Sige po, ako nalang po muna dito." Sagot ko at umalis na si tito Ted para sagutin ang tawag.

Saka naman lumabas ang doktor. Ganda rin ng timing eh, noh?

"Kamusta po? Okay na po ba sya?" Tanong ko.

Malungkot akong tinignan ng doktor at kadabay nun ang pagdoble ng kabang nararamdaman ko.

"Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin." Sabi ng doktor, "I'm sorry."

Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Napako ang nga paa ko sa sahig at halos hindi ako makahinga.

Joker si dok diba? Ginu-good time nya lang kami diba? Utang na loob, sabihin nyo sakin na hidden camera lang ito!!

Hindi sya pwedeng mawala! Hindi!

Pumasok ako sa operating room at inalog alog ko si Lanz, "Lanz naman wag mo akong iwan! Lanz alam kong ang tanga tanga ko para talikuran ka pero maniwala ka sakin, alam ng Diyos kung gaano ako nagsisisi sa ginawa ko sayo. Lanz, mahal kita, mahal na mahal kita. Sorry talaga at nagawa ko sayo yun. Okay lang kahit ayaw mo na sakin basta gumising ka! Lanz, wag mo akong iwan please."

Napayakap ako sa kanya habang patuloy parin na nagsisituluan ang mga luha ko, "Lanz, please."

Nakatayo lang ang mga nurse at puno ng awa na nakatingin sakin, yung iba napapaiyak narin.

"Lanz.." bulong ko at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"Dok!" Biglang sumigaw ang isang nurse at napabangon naman ako bigla, anong nangyayari?

"Maam, tabi ka po muna." Sabi ng isang nurse at hinila ako sa isang gilid habang lumapit naman ang doktor kay Lanz.

Napatingin ako sa machine — na ewan ko kung ano ang tawag — at nakita ko na may heartbeat na ulet si Lanz.

"Buhay sya." Announce ng doktor at nagsigawan naman ang lahat.

Muli akong napaiyak pero ngayon nang dahil na sa tuwa.

Lord, thank you so much! I promise na gagawin ko ang lahat maayos lang kaming dalawa.

Ilang oras ang nakalipas, stable na si Lanz at binalik na sya sa kwarto nya, nandito narin sina tito at tita at kinuwento ko sa kanila yung nangyari nubg bumalik sila kanina, grabe yung tuwa at pasasalamat nila sakin.

Ilang minuto pa akong nanatili dun bago ko napagpasyahan na bumalik na muna sa kwarto ko para magpahinga. Babalikan ko nalang si Lanz mamaya. Kailangan ko lang talaga ng pahinga kasi kung hindi baka mauna pa akong mamatay.

Papasok na sana ako sa kwarto ko pero naalala ko si Josh. Napatingin ako sa kabilang kwarto at lalapit sana dun nang may biglang lumabas na nurse na may dalang mga bedsheet.

Pumunta ako sa kwarto at sumilip sa loob, walang tao at kinuhanan nya na ng bedsheet ang kama. Nasaan si Josh?

Hinabol ko yung nurse, "Ate, nasaan na po yung pasyente dun sa kwarto kung saan kayo nanggaling?" Tanong ko.

"Ah umalis na sya eh." Sagot lang nya.

"Ganun po ba? Sige po, salamat." Sabi ko tapos bumalik sa kwarto ko.

Saan kaya pumunta yung taong yun? Di bale, tatawagan ko nalang sya. Kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo pero kailangan ko muna ng pahinga.

Nang dahil sa antok at pagod, muntik ko nang hindi mapansin ang isang papel na nakatupi na nakalagay sa lamesa sa tabi ng kama. Wala naman ito dito kanina pag-alis ko.

Kinuha ko iyon at binuklat. Isang sulat mula kay Josh.

Dear Alex,

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa pagbibigay sa akin ng pangalawang pagkakataon. Nasaktan kita ng sobra pero hindi ka nagtanim ng sama ng loob, sa halip ay tinanggap mo parin ako at binigyan ng pangalawang pagkakataon. Pangalawa, gusto kong humingi ng tawad, sa pag-iwan ko sayo dati nang walang paalam at sa pagiging makasarili ko. Bigla nalang akong bumalik at hindi ako nagbigay ng pake kung may iba ka nang mahal at masaya na kayo, sa halip ay gumawa parin ako ng paraan para mapasakin kang muli kaya nagkasira kayo. Nagkaroon nga ako ng panandaliang kasiyahan sa piling mo pero alam kong mali ang ginawa ko. Mali yung inagaw kita hanggang sa inisip mo na ako parin ang mahal mo, pero hindi. Nakikita ko sa mga mata mo ang pagmamahal mo kay Lanz. Nakita ko kung paano ka tumingin sa kanya. Ganung ganun din kasi ang mga tingin mo sakin nung tayong dalawa palang. Alex, salamat sa lahat ng mga alaala na iniwan mo sakin, salamat sa pagiging dahilan ng pagkabuhay ko, salamat sa pagmamahal na binigay mo. Magiging masaya ka naman kapag nabuhay si Lanz, diba? Mahal na mahal mo sya at ayaw mo na mawala sya, kailangan ka nya ngayon at yun ang ibibigay ko sa kanya. Alex, pakisabi kay Lanz na alagaan ka nya ng mabuti ah? Ikaw lang ang nag-iisa kong treasure at dapat ka lang nyang alagaan. Pakisabi din na sorry kasi hindi ako nakatingin sa daan kaya tayo naaksidente at nalagay sa alanganin ang buhay nya. Alex, mahirap man para sakin pero kailangan. I'm letting you go. I love you for the last time. Goodbye.

The one and only, Joselito Dimakutak.

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!