#WorldWarIII

424 12 3

Skye.

Nandito kami sa cafeteria, kumakain kasama sina Shaem, Alex, ang bago nyang boyfriend na si Josh tapos sina Cris, Vee at Aj.

Mukhang okay na yata sina Vee at Shaem kasi nagbabangayan na silang dalawa at nagtatawanan.

Pero hindi parin ako makapaniwala ng very very slight sa nangyari kanina, too much drama, grabe. Una, nagkasagutan sina Alex at Ash, tapos tinanong ni Josh kung pwede nya bang maging girlfriend si Alex, tapos nag-away sina Josh at Lanz, tapos ang pinaka-highlight ng lahat, nag-break sina Alex at Lanz.

Grabe lang kasi, ang daling iwan ni Alex si Lanz para kay Josh. Napaka-intense.

Nagtatawanan kami sa joke na binato ni Vee kay Shaem nang biglang mag-ring ang cellphone ko, pagtingin ko, si Ash lang pala.

"He--" hindi pa ako nakakatapos sa hello ko ay nagsalita na sya agad. Bastusin.

"Nasaan kayo?" Tanong nya.

"Nasa cafeteria kami kasama ko sina Alex, bakit?" Sagot ko pero hi di na nya nasagot ang tanong ko kasi binabaan nya ako agad.

Sa next na pagkikita namin ni Ash, makakatanggap talaga sya ng isang malutong na lecture tungkol sa good manners and right conduct.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Ash, kasama sina Ken, Toffer at Xavier.

Nang makita ni Toffer na kasama ko si Aj ay hinatak nya kaagad ako at pinatago sa likod nya tsaka nya sinamaan ng tingin si Aj.

Nagulat kaming lahat at napatigil nang biglang sinampal ni Ash si Alex.

"Ash?" naguguluhang tanong ni Alex habang hawak nya ang pisngi nyang sinampal ni Ash.

"Diba sabi ko sayo, wag kang tanga? Ano ba to, Alex, bakit ka nakipaghiwalay kay Lanz at nakipagbalikan sa lalaking yan?" Sabi ni Ash sabay turo kay Josh.

"Ash, mahal ko si Josh." Sagot ni Alex.

"Iniwan ka nya diba?! Paano nalang kung gawin nya ulit yun sayo?!" tanong naman ni Ash.

"Hindi ko na iiwan kailanman si Alex." Sabi ni Josh kaya napatingin si Ash sa kanya.

"Hindi kita kinakausap." Sabi nya kay Josh. Ouch ha.

"Ash naman, mahal namin ang isa't isa at nag-promise sya sakin na hindi nya ako iiwan." Sagot ni Alex.

"Promises are meant to be broken! Alex alam mo ba kung ano ang ginawa mo ha? Suicidal ang itsura ni Lanz! Nakikita mo tong basang to sa damit ko?" Tinuro ni Ash ang basa sa parteng balikat pababa sa tyan nya, "Luha yan ni Lanz! Luha na lumabas ng dahil sa lungkot! Lungkot na dulot ng ginawa mong pang-gagago sa kanya!" Sigaw ni Ash tapos tinulak si Alex, mabuti nalang at nasalo sya ni Josh.

"Ano bang pakialam mo sa buhay ko ha?! Kung masak tan man ako ulet, yun ay ginusto ko! Buhay ko to kaya wag kang mangialam!" Sigaw ni Alex tapos tinulak din si Ash na sinalo naman ni Ken.

"Kaibigan mo ako kaya ko pilit na sinasaksak dyan sa makitid mong kukote ang desisyon kung saan hindi ka masasaktan!" Sigaw ni Ash tapos sinapak si Alex.

Ang ironic lang, ayaw ni Ash na masaktan si Alex pero sinapak nya.

Tinulak ni Josh si Ash, "Tama na nga yan!"

"Hoy, gago! Babae yan!" Sigaw ni Ken tapos sinapak si Josh.

"Wag ka ngang sumali!" Sigaw naman ni Cris at sasapakin sana si Ken pero naka-ilag si Ken kaya si Xavier ang tinamaan.

"Eh sumasali ka nga ring gago ka eh!" Sigaw ni Xavier at sasapakin sana si Cris pero naunahan sya ni Vee at si Vee ang unang nakasapak sa kanya.

"Hoy, ano ba!" Sigaw naman ni Toffer tapos tinulak si Vee kaya lumapit din si Aj at tinulak pabalik si Toffer.

At nagsimula na ang World War III.

Sina Ash at Alex ay nagsasabunutan habang pilit silang pinaghihiwalay ni Josh, si Ken at Cris naman ay nagsasapakan, ganun din sina Xavier at Vee, tsaka sina Toffer at Aj.

Hindi namin alam ni Shaem kung sino ang unang pipigilan, grabe na to, parang nanunuod kami ng UFC.

Biglang tumilapon si Cris sa lamesa pero agad rin syang tumayo at ginantihan ng sipa sa sikmura si Ken.

Si Toffer ay pinapaulanan ng suntok ang mukha ni Aj pero nakabawi sya at sinipa si Toffer sa off-limits kaya naman napatigil si Toffer para mamilipit sa sakit.

Nakakulong naman si Xavier sa headlock ni Vee pero siniko nya ito sa gilid kaya napabitaw ito, agad nyang sinapak si Vee at natumba naman ito ng dahil sa impact.

Sinampal ni Alex si Ash pero dahil di hamak na mas boyish si Ash kesa kay Alex ay nagagamit nya ito para gantihan ng sapak ang bawat kalmot at sampal ni Alex.

Lumapit kami ni Shaem sa kanila ni Ash para pigilan sila pero nasapak ako ni Ash at nakalmot naman ni Alex si Shaem, ilang sapak at kalmot din ang nakuha namin ni Shaem sa pagta-try na pigilan sila.

Isang nakakabinging sound ng pito ang nagpatigil saming lahat.

Napalingon kami at nakita namin si sir Hamillton na nakapamewang na nakatingin saming lahat.

"In my office, now!" Sigaw ni sir at agad naman kaming kumilos at sinundan si sir sa principal's office.

"Nung una pinalampas ko lang ang gulong ginawa nyo sa hallway at ang pagsisinungaling nyo sakin tungkol sa play." Sabi ni sir.

"Alam nyo po?" Tanong ni Shaem.

"Oo, alam kong nagsisinungaling lang kayo nun. Fighting should not be tolerated in this school pero dahil sa breakdown ni Ashecka at sa effort nyong itago ang nangyari, I just made it as a warning. Tsaka sabi ni author tanga tangahan lang kaya syempre sinunod ko sya kasi baka alisin nya ako sa kwentong ito." Sabi ni sir.

"Anong pinagsasabi nyo sir?" Tanong ko. Anong author at kwento ang pinagsasabi ni sir? Naka-drugs ba sya?

"Anyways, nang dahil sa nangyari ngayon, hindi ko na ito-tolerate tong ginagawa nyo!" Sabi ni sir, "Three days suspension para sa inyong lahat!"

Tuesday ngayon so kung may three days suspention kami, ibig sabihin wala kaming pasok ng wednesday, thursday at friday, so ibig sabihin, long weekend kami mga tol!!

Rak na itu!!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!