#HisSacrifice

448 15 2

Lanz.

"Maiwan na muna namin kayo." Sabi ni Xavier tapos lumabas na sila at naiwan kami ni Alex dito.

Nanatili syang nakatayo sa kinatatayuan nya habang parang hindi sya mapakali.

"Mabuti naman at gising ka na." Sabi nya, "Alam mo, nag-alala ako sayo. Nag-alala kami--"

Hindi ko sya pinatapos, "Bakit ka ba nandito? Bumalik ka nalang dun kay Josh mo. Hindi ko kailangan ng awa mo."

Alam kong ang sama ko sa kanya, nag-aalala na nga sakin yung tao, itinataboy ko pa paalis.

Nagulat ako na sa halip na umalis sya ay yumuko lang sya at nagsimulang umiyak. Tsaka ko napansin ang hospital gown na suot nya. May sakit ba sya kaya sya na-admit dito o ano?

"Wala na si Josh." Mahina man ang pagkakabulong nya nun ay rinig na rinig ko naman.

"Wala na sya? Iniwan ka na nya? Kaya ano ngayon? Babalik ka sakin?" Sabi ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at nagpatuloy lang sya sa kakaiyak.

"Gago talaga yun. Pagkatapos ka nyang agawin mula sakin bigla ka nalang nyang iiwan? Sabi ko naman sayo, Alex eh. Sabi ko sayo diba, iiwan ka lang nyan ulet. Nagawa nya nung una kaya paano ka makasisiguro na hindi nya na ulet gagawin yun. Hayop talaga yung gagong yun." Sabi ko. Nagagalit ako kay Josh. Okay na ako eh, pinalaya ko na si Alex at pinaubaya sa kanya, umaasa na mamahalin nya si Alex at aalagaan. Tapos iiwan nya lang ulet? Humanda sakin yung gagong yun paglabas ko dito.

"Grabe ka makapagsalita kay Josh. Ni hindi mo nga alam kung bakit nya yun ginawa." Sagot ni Alex.

"Tapos pinagtatanggol mo pa sya?" Hindi makapaniwalang saad ko, "Ano, pumunta ka lang ba dito para ipagtanggol yung mokong na yun?"

Galit ako kay Josh, galit din ako kay Alex, pero mas galit ako sa sarili ko. Kung alam ko lang na iiwan lang naman pala ni Josh si Alex, una palang hindi na ako pumayag na kunin nya si Alex mula sakin.

"Papatayin ko talaga yung hayop na yun." Sabi ko. Nagulat naman ako nang biglang napaupo si Alex sa sahig habang patuloy paring umiiyak.

Pinahiran nya ang mga luha nya, tsaka sya umupo sa tabi ko at hinawakan ang isang kamay ko.

"Lanz, kami ni Josh ang nakabanggaan mo." Sabi nya. Ano?!

"Okay kami ni Josh pero ikaw, nung una kinailangan mo ng dugo. AB ang blood type ni Josh kaya sya ang naging donor mo." Nagsimula na namang umiyak si Alex, "Tapos biglang naging kritikal ang lagay mo at sumuko ka, nalaman ni Josh na kailangan mo ako kaya sa pangalawang pagkakataon, pinakawalan nya ako para maging andyan sa tabi mo."

Naalala ko, puro puti ang nakikita ko at lakad lang ako ng lakad hanggang sa may nakasalubong akong isang lalake pero hindi ko maalala ang mukha nya.

"Anong ginagawa mo dito? Kailangan ka pa nya." Sabi nung lalake at biglang nag-flashback sakin ang lahat ng mga alaala namin ni Alex na masaya at magkasama. Tapos narinig ko syang umiiyak at tinatawag ako. Tsaka naman dumilim ang paligid at hanggang dun na ang naaalala ko, next thing I know, nagising na ako at ang panget na mukha ni Xavier ang unang nakita ko.

Grabe. Pinagsalitaan ko si Josh ng masasama pagkatapos ng sakripisyo na ginawa nya para sakin. Ni hindi nga kami magkaibigan pero sinakripisyo nya si Alex para sakin.

Hindi ko namalayan, tumulo na pala ang mga luha ko. Ang sama sama kong tao.

"Bakit nya naman ginawa yun?" Tanong ko pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan.

"Mahal kita Lanz." Sabi nya at napatingin naman ako sa kanya. Tama ba ang rinig ko?

"Nagsakripisyo si Josh para magkasama tayo ulet." Sabi nya.

So ginawa nya to para kay Alex. Nalaman nya na mahal parin ako ni Alex at nung naging alanganin ang buhay ko, nagdesisyon sya na isakripisyo ang minamahal nya para mabuhay ako.

Grabe yung mokong na yun. Kahit ako, sa tingin ko hindi ko magagawang isakripisyo ang buhay ko para sa buhay ng karibal ko. Bahala syang mamatay dyan. Pero si Josh.

Utang ko sa kanya ang buhay ko.

"Lanz, I'm sorry. Sorry sa ginawa kong pag-iwan sayo. Sorry sa lahat ng sakit na binigay ko sayo. Sorry. Sorry." Iyak ng iyak si Alex. Gusto ko syang yakapin, pero masyado pang masakit ang katawan ko at hindi ako masyadong makagalaw.

Hinigpitan ko nalang ang hawak ko sa kamay nya.

"Wag kang mag-alala, Lex. Pinapatawad na kita. Mahal kita eh. Mahal na mahal kita." Sabi ko sa kanya.

"Mahal na mahal din kita." Sagot nya tapos tumayo sya at hinalikan ako sa labi, smack lang naman.

Nagkangitian kaming dalawa. Okay na kami ni Xavier. Okay narin kami ni Alex. Sina Xavier at Shaem kaya okay na?

Ilang sandali pa ay pumasok na sina Skye at Toffer, kasama ang magkahawak kamay na sina Xavier at Shaem. Napangiti naman ako sa nakita ko. Okay na nga sila.

"Shaem, sorry nga pala." Sabi ko.

"Kalimutan na natin yun, Lanz." Sabi naman ni Shaem.

"Magsimula na tayo ng panibago. Lahat ng yun, nasa past na." Sabi naman ni Xavier.

Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Ken. Pumayat na si Ken ngayon at ang haggard haggard ng itsura nya, may mga eyebags sa mga mata nya at wala na ang ngiti sa labi nyang parati naming nakikita.

"Dude, anong ginagawa mo dito? Dapat dun ka nalang nanatili." Alalang sabi ni Toffer sa kanya. Wala kasi sya sa tamang pag-iisip, paano nalang kung may nangyari sa kanya on the way dito? Gago talaga tong si Ken.

Pinakita nya ang dala nyang supot, "Bumili ako ng mga prutas papunta dito. Syempre naaksidente bestfriend ko dapat talagang nandito ako."

Napatingin sya kina Xavier at Shaem na magkahawak ang kamay, tapos samin ni Alex na magkatabi parin habang hawak parin ni Alex ang mga kamay ko.

Napangiti ng konti si Ken, pero malungkot na ngiti, "Mabuti naman at magkakaayos na kayong lahat. Okay na ang XaviEm at AleAnz. Siguradong masaya si Ice para sa inyo ngayon kung nasaan man sya."

Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Ken. Kung bakit kasi kailangan pang mawala ni Ash?

Soooooo.... malapit nang matapos ang proving forever.. dejoke medyo lang naman, depende sa answer nyo sa question ko, so, tell me, gusto nyo ba ng book three o tapusin na natin ang istorya ng mean girls at playmates dito?? Tell me tell me tell me!!! Okiiieee?! Hahaha anyways thank you ng marami kay @Ovie04 for the support hahaha tsaka si @Noonatrash din maraming salamapat pooooo!! So, please continue voting and commenting salamat people!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!