#WhyDoesItHaveToBe

913 34 2

Third person.

Flashback.

"Okay class, introduce yourselves." sabi ng kanilang guro at tinuro ang babae na nakaupo sa harap.

"Hi! Ako si Alexandria James Ledona. Tawagin nyo nalang akong Alex. Sana maging friends tayong lahat!" sabi ni Alex.

Next ay yung lalake na nakaupo sa tabi nya.

"Ako si Josh." Sabi nya.

"Josh?" Tanong ng teacher tapos tinignan ang class record nya, "Josh Kellington?"

"Maam ako po si Josh Kellington!" Sabi ng isang mukhang amerikano mula sa likod.

Nagtaka naman ang teacher nila, "Eh isa lang naman ang Josh dito eh, sigurado ka bang ito ang section mo?"

"Opo, nickname ko po yung Josh." Sabi nya.

"Ah kaya naman pala, eh ano ang real name mo?" Tanong ng teacher.

Nung una binulong lang ni Josh kaya sinabihan sya ng teacher nya na pakilakasan naman ang pagkakasabi nya.

"Joselito Dimakutak." Sabi nya.

Nagtawanan ang mga kaklase niya liban nalang sa katabi nyang babae.

"Manahimik nga kayo! Eh ano naman kung panget pangalan nya? At least hindi nya sinunod ang mukha nya sa pangalan nya." Sabi ni Alex tapos umupo ulet.

Nung lunch time, mag-isang kumakain si Alex sa isang table sa cafeteria, bago kasi sya sa school na ito at yung mga kaibigan nya na nakilala nya ngayon, may mga ibang kaibigan din sa ibang section, ayaw naman nyang ma-OP kaya hindi nalang sya sumabay.

"Pwede makisabay?"

Napalingon sya sa nagsalita at nakita nya si Josh. Tumango naman sya ng may ngiti sa kanyang mga labi.

"Salamat nga pala kanina ah?" Sabi ni Josh tapos inabot ang isang bottle ng juice kay Alex, "Eto oh, thank you gift lang."

Inabot ni Alex ang binigay sa kanya ni Josh, "Nag-abala ka pa. Wala yun noh! Ginawa ko lang ang tama."

Napangiti na lamang si Josh na ginantihan din ni Alex ng isang ngiti.

Simula nang araw na yun ay naging close na silang dalawa. Hindi na sila mapaghiwalay. Pag may nanlalait sa pangalan ni Josh, tinatarayan ni Alex, pag may pumorma kay Alex na ayaw nya, inaaway ni Josh. Pwede mo na silang tawaging bestfriends pero alam nilang dalawa na may nararamdaman sila na higit pa sa pagkakaibigan.

"Alex, hindi ka ba nagsasawa na maging kaibigan ko?" biglang tanong ni Josh nung isang araw habang tumatambay sila sa garden ng school.

"Bakit naman ako magsasawa?" Tanong ni Alex.

"Pasensya ka na, kasi ako nagsasawa na eh." Sabi ni Josh, "Sawang sawa na."

"Ano bang pinagsasabi mo, Josh?" Tanong ni Alex habang pinipigilan ang mga luha na gustong tumulo mula sa mga mata nya.

"Ayoko na maging kaibigan mo. Hindi pa ba yun klaro?" Sabi ni Josh.

"Bakit, Josh? May nagawa ba ako? Bakit?" Tanong ni Alex na hindi na napigilan ang mga luha nya.

"Ayaw na kita maging kaibigan kasi gusto kitang maging ka-ibigan." biglang banat ni Josh.

Napatigil naman si Alex sa pag-iyak. Iniisip nya kung tama nga ba ang narinig nya. Si Josh na bestfriend nya na kaya nya pinagtanggol nung unang araw ng klase na pinagtawanan sya dahil sa pangalan nya, dahil sa na-love at first sight sya, ay sinasabi sa kanya na gusto nya itong maging ka-ibigan?

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!