#Kidnapped

442 14 2

Ash.

Flashback.

Sumikat na ang araw pagka-alis ko mula sa unit ko. Naglakad lakad lang ako, sumakay ng jeep sa kung saan hanggang sa nakahanap ako ng kainan.

Habang kumakain ako dun, hindi ko maiwasan na mapansing may isang lalake dun sa kabilang table na panay ang tingin sakin.

Anong problema mo, brad? Alam kong maganda ako, pero that's starting to creep me out.

Pagkatapos kong kumain, lumabas na ako at nagsimulang maglakad lakad ulet. Ewan ko kung saan papunta pero geh lang go lang.

Hanggang sa may humarang sakin na kotse, at may lumabas na mga lalake na naka-mask, at bago pa man ako makatakbo, may tumakip na sa bibig at ilong ko.

Nagpumiglas ako pero huli na ang lahat at nawalan na ako ng malay.

Nagising ako na nasa isang kwarto na ako, at may kasama akong tatlo pa na babae.

Bigla akong napabalikwas nang maalala ko ang nangyari.

"Nasaan ako? Sino kayo? Ano ginagawa ko dito?" Tanong ko.

"Ako si Anne, yan sina Claude at Sarah, katulad mo, nakidnap din kami. Magkasama tayong bago lang dito kaya wala rin akong ideya kung anong meron dito." Sabi ng nagpakilalang si Anne.

"Kinidnap tayo para magbenta ng katawan. Hindi lang tayong apat dito, sa katunayan aabot tayo dito ng bente." Sabi ni Claude.

Wtf?! Magbenta ng katawan?! Gagawin nila kaming prostitute?! Shit dude, virgin pa ako!

"Anong pangalan mo?" Tanong ni Anne.

"Ash." Sagot ko naman at nakipagkamay sa kanya.

Ano ba naman tong napasok kong to oh. Haay.

Napasabunot ako sa buhok ko ng wala sa oras.

"Ang ganda ng singsing mo." Sabi ni Anne sabay turo sa singsing na binigay sakin ni Ken. Kinuha ko ang singsing mula sa daliri ko at pinaglaruan. Haay. Miss ko na ang mokong na yun. Kamusta na kaya sya?

"Salamat." Sagot ko nalang.

Humiga nalang ako ulet at hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako.

--

Nagising ako ng dahil sa isang malakas na sagutan.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!"

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Anne na nagpupumiglas mula sa hawak ng isang lalake.

"Sabi na kasing sumama ka nalang!" Sagot ng lalake, sinampal naman bigla ni Anne yung lalake.

"Aba, lintek ka ah!" Sigaw ng lalake tapos sinapak si Anne kaya nawalan sya ng malay. Binuhat nya si Anne at nagsimula syang maglakad palabas ng kwarto.

"Saan mo sya dadalhin?" Tanong ni Sarah.

"Tuturuan ko sya ng leksyon." Sagot ng lalake tapos tinuro kaming tatlo, "Kaya kayo, sumunod kayo sa mga utos kung ayaw nyong masaktan." Tapos tuluyan na syang umalis.

"Malamang ikukulong yun sa basement. Dun dinadala ang mga nakagawa ng mali eh." Sabi ni Claude.

Nakaramdam ako ng call of nature kaya lumapit ako sa pintuan, kakatok sana ako para humingi ng permiso pero bukas naman pala ito.

Lumabas ako ng kwarto. Nasa isang bahay kami, isang malaking bahay. Nagsimula akong maglakad patungo sa ewan ko kung saan nang may makabangga akong lalake.

May mga dala syang mga papel kaya naglakat ito nang magkabanggaan kami, kasabay ng pagkatumba ko ay ang pagkalaglag ng cellphone nya. Agad kong hinablot yun at inipit sa gitna ng mga binti ko, pero hindi ako nagpahalata, kunyari mga papel lang yung kinukuha ko.

"Sorry. Bago lang ako dito at naiihi kasi ako. Hindi kita nakita, pasensya na talaga." Sabi ko.

"Nandun yung banyo sa kabilang dulo, sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan mo." Inis na sabi nya tapos umalis na nang makuha na nya ang lahat ng papel.

Kinuha ko ang cellphone at tumakbo ako pabalik sa kwarto namin.

"Saan ka nanggaling? Kapag may nakahuli sayong nagpapagala gala, malilintikan ka talaga." Sabi ni Claude sakin. Nagtaka naman ako. Malilintikan? Eh may nakabangga nga ako eh.

"May nakabanggaan ako kanina na lalake pero hindi naman ako nalintikan." Sagot ko sa kanya.

"Ah, baka si Paul yun, bagong salta lang yun dito at mabait yun kahit hindi halata. Minsan tinutulungan nya kami. Pero sex addict yun, kahit sino nalang dito ginagalaw nun. Mabuti at hindi ka na-rape ng wala sa oras." Sabi naman ni Sarah.

"Mukhang nagmamadali eh." Sagot ko, "Nakuha ko to." Tapos pinakita ko sa kanila ang cellphone, nanlaki naman ang mga mata nila tsaka agad na lumapit sakin.

Kinapkap ko ang back pocket ko para kunin ang wallet ko at ang i.d. ko, sa maniwala man kasi kayo o sa hindi, ang emergency number na nilagay ko sa i.d. ko ay ang number ni Ken. Makakalimutin kasi ako.

Pero shit wala ang wallet ko! Kanina naramdaman ko pa yun dito bago ako makatulog eh. Tsaka yung.. shit! Yung singsing ko! Nabitawan ko yata! Tumayo ako at hinanap yung singsing, baka kasi nalaglag kanina nung nakatulog ako.

"Ano ang hinahanap mo?" Tanong ni Claude.

"Yung singsing ko, nawawala!" Sagot ko sa kanya at tumingin sa ilalim ng kama pero wala!

"Yan pa talaga ang uunahin mo?!" Inis na tanong ni Sarah. Oo nga pala.

Napatigil ako at muling hinarap ang cellphone. Ano nga ulet yung number ni Ken? Shit ano nga ulet yun?!

Ah!

Tinignan ko ang gilid ng sapatos na suot ko at nandun nga ang number ni Ken! Sabi ko na nga ba at mapapakinabangan tong boredom ko eh. One time kasi na-bored ako kaya naisipan ko na isulat ang number ni Ken sa mga bagay na parati kong dala o suot para in case of emergency.

Agad kong dinayal ang number nya. Pagkatapos ng ilang ring, sinagot nya na.

"Hello?" sabi nya.

"Ken!" thank God!

"Ice?!" Gulat na tanong nya sa kabilang linya.

"Nasaan ka?! Uuwi ka na ba?! Ice miss na miss na kita, I'm sorry dahil hindi ako nakinig sayo--" hindi ko sya pinatapos at nagsalita ako agad.

"Ken! Ken, makinig ka, okay? Na-kidnap ako. Dinala ako sa isang bahay at may mga kasama akong mga babae, it turns out na kumikidnap sila ng mga babae para gawing prostitute. Hindi ko alam kung nasaan ako pero gusto kong pumunta ka sa pulis, tapos ipa-trace mo ang tawag na--" napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto namin at may pumasok na lalake.

"Hoy! Ano yan, ha?!" Sigaw nya tapos lumapit sakin.

"Ice! Ice!" Tawag pa ni Ken pero hinablot na ng lalake yung cellphone.

Tsaka nya ako hinila, "Sasama ka sakin."

Oohhhkkkaaaaayyyy hahaha

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!