#PaasaKa!

763 31 1

Third person.

Flashback

"Ang cute nyo talagang dalawa!" Sabi ng ina ni Shaem, "Bagay kayo. Ba't kasi hindi nalang kayo ang magkatuluyan?"

"Mama naman eh!" Suway ni Shaem.

"Ako lang po kasi ang cute, hindi sya." Sabi naman ni Vee, ang kababata ni Shaem. Bestfriends kasi ang mga ina nila, kaya halos sabay na silang lumaki.

"Virgilito!" Suway ng mama ni Vee.

"Mama, Vee po kasi. Vee po ang itawag nyo sakin." Sabi nya sa ina.

"Ewan ko sayong bata ka." Sabi lang ng mama nya.

"Oh, aalis na kami ah? Mag-ingat kayong dalawa dito." Sabi ng mama ni Shaem. "Vee, alagaan mo ang anak ko."

"Opo." Sagot nilang dalawa.

Umalis na ang kanilang mga ina para sa bonding nila.

"Ano na ngayon?" Tanong ni Vee.

"Ewan ko sayo pero matutulog ako." Sabi ni Shaem tapos pumunta sa kwarto nya para matulog. Napailing nalang si Vee.

Kinabukasan, sabay silang dalawa pumunta sa school, tutal magkatabi lang bahay nila at magka-klase naman sila.

"Ben!" Sigaw ni Shaem tapos lumapit sa isang lalake, "Ikaw na ba yan? Grabe. Kamusta?"

"Okay naman. Ikaw?" Sagot ni Ben.

"Okay din. Long time no see ah?" Sabi ni Shaem, dumating naman si Vee sa tabi nya.

"Sino sya?" Tanong ni Vee habang tinitignan si Ben mula ulo hanggang paa, na tila ba kinikilatis ito.

"Ah, sya si Ben. Kaklase natin sya nung elementary diba?" Sagot ni Shaem.

"Ah. Di ko naaalala." Sabi ni Vee tapos umalis na.

"Anong problema nun?" Tanong ni Shaem sa sarili.

Hangang sumapit ang lunch ay hindi pinapansin ni Vee si Shaem. Sinubukan ni Shaem na kausapin si Vee pero wala.

"Hoy, Virgilito!" Sigaw ni Shaem tapos pinigilan si Vee nung nauna itong maglakad pauwi, "Ano ba talagang problema mo? Simula kaninang umaga hindi ka na namamansin! May kasalanan ba ako? Ano?"

"Alam mo, possessive ako." Sabi ni Vee na nagpataka naman kay Shaem, "Kung ano ang akin, akin lang yun. Akin at akin lang."

"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan." gulong gulo na sabi ni Shaem.

"Naiinis ako kasi hindi ako makalagay ng placard dyan sa noo mo na, 'Vee property', kasi hindi ka sakin eh. Naiinis ako kasi hindi kita mahila at mayakap nung malagkit ang tingin nung Ben na yun sayo kasi nga, hindi ka akin." Sabi ni Vee, "Kaya pwede ba, akin ka nalang?!"

Nanlaki ang mga mata nya sa narinig nya mula kay Vee. Seriously? Ang dating batang uhugin na nadapa lang ng konti iiyak na, sasakit pa ang ulo nya para mag-isip kung paano ito mapapatahan, ngayon nagco-confess na sa kanya.

"Akin ka nalang Shaem, para maipagkalat ko na, masabi ko sa buong mundo na akin ka at kung ano ang akin, akin lang yun." Sabi pa ni Vee.

Simula ng araw na yun, niligawan na ni Vee si Shaem. Araw araw may flowers, chocolates at kung anu-anong mga regalo. Ang dating pinupush lang sa kanila ng mga ina nila ay nagkatotoo na.

Naging malaya sila sa mga magulang nila dahil alam naman nila na nililigawan na ni Vee si Shaem, sa katunayan, nagpa-party pa nga ang mga ina nila nang malaman nila na nililigawan na ni Vee si Shaem.

Hangang sa isang araw, may bagong lumipat sa section nila. Si Sarah. Maganda sya, matalino, mabait, maganda ang hugis ng katawan, in short, perpekto sya. Lahat ng lalake tulo laway kapag dumaan sya.

Nakita ni Shaem ang mga tingin ni Sarah kay Vee. Ganyang ganyan ang tingin nya kay Vee eh, tingin sa taong gusto mo.

Nung una, hindi naman ito pinapansin ni Vee. Na kay Shaem parin ang atensyon nya. Hanggang sa naging magkapares sina Vee at Sarah sa isang proyekto.

Nasaksihan ni Shaem ang pagiging close ng dalawa, at nakita rin ni Shaem ang pagbabago ni Vee. Hindi na sila sabay mag-lunch, hindi na sya ang katext nya, hindi na sila sabay pumunta sa school at umuwi. Parang hindi na sya nag-e-exist, kasi puro nalang si Sarah. Si Sarah na ang kasabay nya mag-lunch, si Sarah na ang kapuyatan nya sa pagtext, si Sarah na ang hatid-sundo nya.

Hanggang sa napuno na si Shaem at napagdesisyonan nya na kausapin si Vee.

"Matagal ba to kasi ihahatid ko pa si Sarah pauwi eh." Bungad ni Vee nang makarating sila sa gilid ng gym kung saan wala masyadong tao para makarinig ng pag-uusap nila.

"Vee, sabihin mo nga. Ano ba ako sayo?" tanong ni Shaem.

"Kaibigan kita." Sagot ni Vee.

"Kaibigan? Yun na yun? Akala ko ba sayo ako? Akala ko ba ako ang gusto mo? Akala ko ba ako lang? Ano nang nangyari sa mga pangako mo sakin? Ano nang nangyari sa mga plano mo para satin? Ano nang nangyari satin?" Maluha-luhang tanong ni Shaem.

"Shaem, sorry talaga. Totoo yung naramdaman ko sayo. Ginusto kita, Shaem, pero--" pinutol ni Shaem ang sinasabi ni Vee.

"Naramdaman? Ginusto? Bakit past tense?" Mapait na tumawa si Shaem, "Ah, alam ko kung bakit. Kasi nandyan na si Sarah. Mas maganda, matalino, sexy kesa sakin. Nagsawa ka na sakin kaya nang makakita ka ng agarang pampalit, itinapon mo nalang ako ng ganun ganun lang."

"Hindi naman ako pwedeng magsinungaling sa sarili ko Shaem eh. Oo nga't gusto kita, pero dati pa yun. Si Sarah na ang gusto ko ngayon at sana naman respetuhin mo ang desisyon ko." Sabi ni Vee.

Sinapak naman ni Shaem si Vee, "Alam mo, paasa kang gago ka!" Tapos umalis na sya dun.

Kasabay ng pagtalikod nya mula sa minamahal ay ang pagtulo ng mga luha nya.

Yun ang unang beses na umiyak sya sa isang lalake..

Vote, comment, be a fan!!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!