#BumalikSiPaasa

538 23 0

Shaem.

"Shit!" Sigaw ni Lanz nang umalis si Alex kasama si Josh, bago nya sipain ang upuan nya at naglakad paalis.

"Sundan nyo yun." Sabi ni Skye sa mga lalake.

Umalis naman agad sina Xavier, Ken at Toffer para sundan si Lanz.

"Realtalk," umpisa ni Ash nang makaalis na ang tatlo, "Ang tanga ni Alex. Sobra."

"Oo nga eh, alam nya naman na nandyan si Lanz, pero sumama parin sya sa ibang lalake." Sabi naman ni Skye.

"Ano nya ba yung Josh na yun?" Tanong ko, "Ang alam ko lang, magkaklase kami eh."

"First love nya yun, naalala ko dati kaya kami nagkakilala kasi nakita ko syang iniiyakan yang si Josh, cinomfort ko sya tapos ayun, kinuwento nya sakin ang lahat." Sagot ni Ash.

Uminom muna ako sa juice ko at nilunok iyon bago nagsalita, "Alam ba ni Lanz yun?"

"Hindi nga natin alam, si Lanz pa kaya? Eh mas open tayo sa isa't isa." Sagot ni Skye.

"Eh bakit ganun ka-intense ang reaksyon ni Lanz? Baka nabanggit ni Alex sa kanya?" Tanong ko ulet.

"Shaem naman, ganito nalang, isipin mo na may lumapit kay Xavier na hindi mo kilalang babae tapos ginawa nya ang ginawa ni Josh kay Alex, anong mararamdaman mo?" Sabi ni Ash.

"Magseselos." Sagot ko.

"Exactly." Sabay na sabi nina Ash at Skye.

"Pero ang tanga talaga ni Alex." Sabi pa ni Skye.

"Grabe. Naiinis ako sa ginawa nya." Sabi naman ni Ash na napailing nalang at bumalik sa pagkain.

Ilang minuto ang lumipas, bumalik si Alex na nakayuko, hindi yung usual na dating nya kasi chin up sya parati at confident eh, syempre head cheerleader sya, pero ngayon, ang lungkot ng aura na bumabalot sa kanya.

"Okay ka lang?" Tanong ko nang umupo sya sa tabi ko. Nagtinginan naman kaming tatlo nina Skye at Ash.

"Okay lang ako." Malungkot na sabi nya.

Magsasalita pa sana ako na obvious naman na hindi pero pinigilan ako ni Ash at umiling ng konti na parang sinasabi na hayaan nalang muna namin sya.

"Kung ako sayo, hahanapin ko si Lanz, mukhang beast mode na yun eh." Sabi ni Skye. Tumayo naman agad si Alex at hinanap si Lanz habang sumunod naman kaming tatlo sa kanya.

"Shaem." May humarang bigla sakin at pagtingin ko, ang walang hiyang kinamumuhian lang pala ng lahat ng babae, ang paasa.

"Tabi nga dyan." Sabi ko tapos sinubukang dumaan sa gilid nya pero hinaharangan nya parin ako.

"Hindi kita tatantanan hangga't hindi mo ako kinakausap." Sabi nya.

Napatingin ako sa likod nya at nakita kong wala na sina Alex, haay. Saan ko na ngayon sila hahanapin? Tsk. Tumingin ulet ako sa kanya.

"Ano pa ba ang kailangan nating pag-usapan?" Tanong ko sa kanya.

"Sorry." Sabi nya.

"Wala nang maidudulot yang sorry mo. Nangyari na yun eh, wala ka nang magagawa." Sabi ko at sinubukang umalis pero hinila nya ako at kinulong sa mga bisig nya.

"Shaem, sorry. Ang tanga tanga ko para paasahin at lokohin ka, Shaem please. Sorry. Gusto parin kita, Shaem." Sabi nya.

Pilit naman akong kumawala sa yakap nya, "Sinabi ko na sayo diba? Ayoko na sayo! Kasalanan mong pinakawalan mo ako!" Sabi ko sa kanya tapos tinulak sya palayo.

Nagulat ako nang biglang syang lumuhod sa harap ko.

"Shaem, alam ko ang gago gago ko para gawin yun. Sinaktan kita at yun na yata ang pinakabobo na desisyon na ginawa ko, pero kaya nga binalikan kita Shaem, para humingi ng tawad, umaasang mapapatawad mo ako at makapag-simula tayong muli." Sabi nya.

"Pwes, ipagpatuloy mo lang yang pag-asa mo, katulad ng pagpapaasang ginawa mo sakin." Sagot ko sa kanya at sinubukang umalis ulet pero katulad kanina, niyakap nya ako muli.

"Hoy!" Nagulat ako ng biglang kumalas ang pagkakayakap ni Vee sakin at tumilapon sya sa sahig.

Pagtingin ko, nandito pala si Xavier, kasama nya ang tatlo. Hinahanap ni Alex si Lanz diba? Hindi sila nagkita?

"Anong ginagawa mo sa babes ko, ha?!" Galit na sigaw ni Xavier habang kinukwelyohan si Vee.

"Babes?" Tanong ni Vee tapos tumingin sakin, makikita mo ang sakit na nararamdaman nya sa mga mata nya. Dati, siguro pinatawad ko na sya agad at naging kami na ulet, pero dati pa yun, iba na ngayon, at wala na akong pake sa kanya.

"Oo, gago. Girlfriend ko yang nilalandi mo!" Sigaw ni Xavier tapos sinuntok si Vee, dumugo naman ang gilid ng labi nya. Inawat na nina Toffer at Ken si Xavier habang lumapit naman si Lanz sakin.

"Okay ka lang?" Tanong nya.

Tumango naman ako, "Hinahanap ka ni Alex ah, hindi ba kayo nagkita?"

Napaiwas sya ng tingin, "Hindi." Matigas ang pagkakasabi nya nun. Mukhang naapektohan ng todo si Lanz sa ginawang pagsama ni Alex kay Josh. Sabihin ko kaya sa kanya na first love pala ni Alex si Josh? Wag na. Lalala lang ang sitwasyon at dapat kay Alex mismo manggaling yan.

"Tara na nga." Sabi ni Xavier tapos hinila ako paalis.

"Hindi ako susuko, Shaem! Babawiin kita!" Sigaw ni Vee.

Galit naman na nilingon ni Xavier si Vee sabay sabing, "Etong sayo!" Tapos pinakita nya ang middle finger nya kay Vee bago kami tuluyang umalis, ang tatlong lalake nakasunod samin.

VOTE.COMMENT.BE A FAN

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!