#WrongCorpse

439 13 3

Ash.

"Oh tapos?! Saan ka dinala?!" Tanong ni Alex.

"Pinagsamantalahan ka ba? Papatayin ko talaga yung mga gagong yun!" Sigaw naman ni Ken.

"Kalma ka lang Ken. In fact, tingin ko nagsisisi pa syang sinama nya ako."

"Sasama ka sakin." Sabi ng lalake tapos hinila nya ako. Akala ko ikukulong nya ako kasama kay Anne, pero hindi pala dinala nya ako sa kusina kung saan may isang lalake na nagluluto.

"Boss, nahuli ko syang gumagamit ng cellphone." Sabi ng lalake na may hawak sakin tapos tinulak nya ako papalapit dun sa tinawag nyang boss.

Nagluluto yata sya ng sinigang para sa tanghalian. Wow naman boss. Ikaw pa talaga nagluluto? Dapat nag-chef ka nalang, hindi kidnapper. Sisikat ka pa.

Humarap yung boss sakin tapos tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Infairness kay boss ah, medyo cute sya. Hahaha.

"At paano naman nangyari yun?" Medyo inis na tanong nung boss dun sa lalake. Hindi ko na narinig ang sinagot nung lalake dun kay boss kasi naka-focus ang attensyon ko sa niluluto nya na sinigang.

Nope, hindi ako gutom okay?

Sige na nga, medyo gutom narin ako, pero ang iniisip ko ay kung paano maisasalba ng sinigang na to ang buhay ko.

"Eh gago ka pala eh! Eh kung ibuhos ko sayo tong sinigang na niluluto ko?!" Sigaw ni boss sa lalake.

Mwahahaha!!

Credits to boss dahil sa pagbibigay ng idea sakin.

Habang distracted sila sa pagsasagutan, kinuha ko yung kaserola na may sinigang at binuhos dun sa boss. Swerte sya kasi kumukulo na ang sinigang nya.

Putakshit pa kasi ang init nung kaserola! Pero keribels narin.

"Aaaahhhh!!" Sigaw sya ng sigaw habang yung lalake naman nataranta. Nadako ang paningin ko sa apoy na nanggagaling sa kalan.

Susunugin ko tong bahay na to.

Kinuha ko ang lahat ng bagay na pwedeng masunog at tinapon dun sa apoy, nilakasan ko pa ang apoy. Tapos nung sigurado na akong malaki na ang apoy, tumakbo ako paakyat at bumalik sa kwarto namin.

"Umalis na tayo dito! Bilis!" Sigaw ko tapos agad naman silang sumunod sakin, kumalat na ang apoy at lumaki na ito kaya nagpapanic na ng sobra ang mga tao dito. Yung ibang mga lalake na nagbabantay din siguro dito, nauna pang lumabas saming mga babae.

By the time na nakalabas kami ng bahay, sunog na ang almost half ng bahay.

"Claude, kumpleto ba ang mga babae?" Tanong ko.

Tinignan nya naman at binilang, "Si Anne! Nasa-basement yun, diba?!"

Tumango naman ako tapos nagsimulang tumakbo pabalik sa bahay.

"Sa likod may daanan dyan papunta sa basement!" Sigaw ni Sarah kaya tumakbo ako papunta sa likod.

Meron ngang daanan dun, lalapit sana ako dun pero biglang sumabog yung bahay kaya tumilapon ako, at dumilim na ang paligid.

"So, si Anne yung bangkay na nakita natin!" Sabi ni Xavier.

"Eh bakit nasa kanya yung wallet at singsing mo?" Tanong ni Ken.

"Diba, na-mention mo sa storya na nagandahan si Anne sa singsing mo?" Tanong ni Skye, tumango naman ako, "Tapos hinubad mo yun diba, so ang possibility lang dun eh kinuha nya yung singsing mo."

"Tapos sabi mo, bago ka matulog nasayo pa ang wallet mo, tapos pagkagising mo, wala na. Baka ninakaw nya rin." Sabi naman ni Shaem.

Anak ng butiki. Eh magnanakaw pala yung peste na yun eh. Mabuti nalang at hindi ko sya naligtas! Tsk.

"Oh tapos, ano nang nangyari?" Tanong ni Cris.

"So yun na nga.."

Pagkagising ko, nasa ospital na ako. Turns out, nabagok ang ulo ko sa isang bato nung tumilapon ako kaya nawalan ako ng malay. Pero hindi naman sya seryoso. Wala naman akong brain damage o ano. Kaya agad rin naman akong nakalabas.

Nakwento ko rin ang nangyari sakin sa doktor nung tinanong nya ako kung anong nangyari sakin kaya naawa siguro sya at sya na raw ang bahala sa bill ko sa ospital. Ang bait noh?

Nang makalabas ako ng ospital, wala akong alam kung nasaan ako kaya nagpagala gala lang ako. Gabi na nga rin eh. May nadaanan ako na fiesta sa isang barangay kaya sabi ko dito nalang muna ako tutal wala naman akong mapuntahan.

May nagaganap na singing contest, open for all daw. Sumali kaya ako? Hmm.. Magkano kaya ang mapapanalunan? Kailangan ko ng pera.

"May last minute ba na mag-o-audition dyan?!" Sabi ng emcee pagkatapos ng last performer nila.

Hindi na ako nagdalawang isip at sumigaw na ako nang, "Ako!"

"Halika dito!" Tawag nya sakin at pumunta naman ako agad dun.

"Anong pangalan mo?" Tanong ng emcee.

"Ash po." Sagot ko.

Tinanong nya pa ako kung saan ako nakatira, ilang taon na ako tapos paano daw ako napadpad sa bayan nila, sinagot ko nalang na trip kong mag-outing.

Wala akong dala na minus 1 kaya nanghiram nalang ako ng gitara sa isa sa mga contestants dun tapos nagsimula na akong tumugtog.

"You say, that I'm messing with your head

All cause I was making out with your friend

Love hurts, whether it's right or wrong

I can't stop cause I'm having too much fun

You're on your knees, begging, "please stay with me"

But honestly I just need to be a little crazy

All my life I've been good, but now

I'm thinking what the hell

All I want is to mess around

And I don't really care about

If you love me, if you hate me

You can take me, baby, baby

All my life I've been good but now, what, what the hell."

Believe it or not, nanalo pa ako. Hahaha. Pero mga kuripot sila, sash, trophy at one thousand lang ang binigay nila sakin.

Pagkatapos nun, narinig ko pa na pinaguusapan ako ng magkakambal na contestants na natalo ko.

"Sya pa ang nanalo eh ang panget naman ng boses nya." Sabi ng isa.

"Gusto ko pa naman yung trophy." Sabi naman ng isa.

Lumapit ako sa kanila tapos binigay koaang sash at trophy, "Sa inyo nalang tutal mukha naman kayong desperada."

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!