#Classmates

724 29 0

Ash.

"Welcome to Hamillton Academy." Sabi ni sir Hams sa gitna. Grabe guys, naloko ako. Akala ko college na kami, yun pala senior high pa lang. Kami ang unang batch ng senior high, sa katunayan.

Argh! Akala ko four years nalang ako dito sa level ng impyerno na hindi na-mention sa Inferno ni Dante, yun pala, plus two years pa! TWO YEARS!!

Sabi nila in preparation daw ang senior high for college, EH ILANG GENERATION NA ANG NAKALAMPAS NG COLLEGE NG HINDI NAG-PE-PREPARE! UTANG NA LOOB KAILANGAN NYO BA TALAGA KAMING PAHIRAPAN?!?!

Haay. As if naman may magagawa pa ako. Nandyan na yan eh. On the bright side, madadagdagan ng two years ang pinakamasayang stage ng pag-aaral. High school parin ako!

Pero nakakaumay na talaga eh. Grabe. Senior high? Ibig sabihin nun, plus two years na kailangan gumising ng maaga, plus two years ng walang kalaosang assignments, pero plus two years din naman ng pagiging happy-go-lucky.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Ken sa tabi ko, "Ako noh?" Tapos tinaas baba nya ang kanyang mga kilay.

"Ang feeler mo rin minsan noh?" Sagot ko sa kanya.

"Hindi ako magiging feeler kung totoo ang sinasabi ko." Sabi nya.

"Feeler ka nga." Tapos binatukan ko sya ng mahina at napangiti nalang.

Natapos ang speech ni sir Hams at pumunta na kami sa bulletin board para tignan ang section namin.

Section A..

Section B..

Ay eto ako oh. Ashecka Ice Gil. Ay kasama ko rin si Skye at Xavier! Pati si Ken my loves!

OMG.

Classmate ko rin si ano.

Hindi pwede to. Ba't kasi kailangan nyang bumalik diba? Okay na kami ni Ken eh. Ay siguro bumalik sya para makapagpasalamat ako sa kanya. Kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi magiging kami ni Ken.

"Section C kami nina Lanz, Shaem at Toffer." Sabi ni Alex, "Kayo?"

"Section B kami nina Ice, Skye at Xavier." Sagot ni Ken tsaka bumaling sakin, "Magkasama parin tayo, Ice ko! Grabe, destiny na talaga ito."

"Magkakahiwalay tayo babes!" Sabi ni Xavier tapos kumapit kay Shaem. Tinulak naman sya ni Shaem palayo.

"Ang arte mo." Sabi ni Shaem, "Tara na kaya sa classroom natin? Baka ma-late pa tayo."

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kanya kanyang classroom.

"Magkalayong agwat, gagawin ang lahat~" kanta ni Xavier habang naka-stretch ang kamay sa direksyon nina Shaem.

"Manahimik ka nga!" Suway ni Skye sa kanya pero mas nilakasan lang nya ang sintunadong pagkanta. Ngayon alam ko na kung bakit si Ken ang bokalista.

"Dito ay umaga! At dyan ay gabi! Ang oras natin ay magkasalungat! Aking hapunan ay iyong umagahan, ngunit kahit na anong mangyari, balang araw ay makakapiling ka!!!" kanta, more like sigaw, ni Xavier.

"Hoy ang OA mo! Nasa katabing classroom lang ako oh!" Sabi ni Shaem tapos pumasok na sa classroom nya na katabi ng classroom namin.

"Hindiiii!!!!" Madramang sigaw ni Xavier na may paluhod effect at iyak effect pa. Pinagtitinginan na sya ng ibang mga estudyante.

"Hindi namin kilala yan." Sabi ni Ken tapos hinila kami ni Skye papasok ng classroom namin.

"Ang hard nyo naman." Rinig kong sabi ni Xavier tapos sumunod na samin papasok.

Ang bawat upuan ay may nakalagay na I.D. kaya hinanap na namin ang upuan namin.

Nakita ko yung akin sa second row sa may bandang bintana. Grabe talaga. Ba't ang pangit ko sa id pic? Tsk. Pag ako naging presidente, selfie na ang ilalagay sa id picture. Ay kaso mahirap yan para sa mga alagang filter at photoshop baka kasi walang maniwala na sa kanila ang id.

"Ice ko?! Saan ka nakaupo? Ice? Ice?! Nasaan ka?! Ice ko?!" Natatarantang sigaw ni Ken habang ikot ng ikot sa classroom at hinahanap ako.

"Hoy! Nandito ako." Sabi ko sa kanya sabay bato ng notebook ko, pero grabe lang ang galing kong umasinta kasi iba ang natamaan eh. Wow naman.

"Sorry!" Sabi ko tapos nilapitan yung natamaan ko.

"Hala mo, Ice." Sabi ni Ken sa tabi ko.

"So--" hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang bigla syang lumingon sakin.

"Ikaw?" Sabay na napatanong kami ni Ken.

"Long time no see." Sabi nya.

"Tara." seryosong sabi ni Ken tapos hinila na ako pabalik sa upuan ko.

"Paano mo nalaman na dito ako nakaupo?" Tanong ko sa kanya.

"Dito ka nakaupo?" Tanong nya pabalik, "Eh dito ako nakaupo eh." Tapos tinuro nya ang upuan sa harap ko.

"Destiny na talaga ito, Ice ko." Sabi nya. Mukhang bumalik na ang usual mood nya. Kanina kasi nung bigla syang nagseryoso, nagtayuan ang balahibo ko sa batok eh. Nakakatakot kaya sya magseryoso.

Napatingin ako sa tabi ni Ken na upuan nang may kumuha ng id mula dito at dun ko sya muling nakita.

"Sinusundan mo ba kami ha?" back to serious mode ulet si Ken. Napuno ng tensyon ang hangin at napatigil sa kanilang ginagawa ang mga kaklase namin. Lumapit sina Xavier at Skye samin.

"Ba't naman kita susundan?" Sagot nya sabay pakita ng id nya, "Nandito ang upuan ko, oh."

"Lumipat ka." Cold parin na sabi ni Ken. Nakakatakot sya, super. Parang may itim na aura ang nakabalot sa kanya.

"Sino ka ba para utusan ako?" hamon nya na sinasabayan ang angas ni Ken.

"Bakit ka pa ba ulet bumalik, ha? Ano ba talaga ang pakay mo?" Tanong ni Ken. Wow, ang bilis umiba ng topic oh.

"Diba sinabi ko na sayo? Binalikan ko kung ano yung sa akin." Sabi naman ni Cris at tumingin sakin, hinila naman ako ni Ken papunta sa likod nya.

"Pagkatapos mong paglaruan, itatapon mo nalang, tapos ngayong wala ka nang mapuntahan, babalikan mo naman? Tapos ano? Repeat? Tsk." Sabi naman ni Ken.

"Hindi mo alam kung ano yung rason kung bakit ako umalis kaya wala kang karapatan na husgahan ako." Sagot ni Cris, "Akin naman talaga si Ash in the first place. Ako naman talaga ang boyfriend at bestfriend ka lang."

"Dati yun, Crisostomo. Hindi lang sayo umiikot ang mundo, kaya tigilan mo na ang pangangarap ng gising dahil akin lang si Ice at walang makakapag-hiwalay samin, lalo ka na." Sagot ni Ken.

"Tignan natin." Hamon naman ni Cris.

"Cris tama na." Pumagitna na ako sa kanila, mukhang magkaka-world war 3 na eh, "Ken, huminahon ka nga."

"Good morning class." Pansamantalang nawala ang tensyon nang pumasok na ang guro namin.

Salamat naman. Grabe lang. Ang intense.

And the real deal begins. Hahaha. Sorry natagalan sa update, hope you understand. Anyways, Vote, Comment, Be a fan!!!

Proving ForeverBasahin ang storyang ito ng LIBRE!