EP ③❹ (part3)

8.9K 244 21
                                    

Ilang saglit lamang ay nadama ni Bonzo ang paghina ng harang ni Kael.

Kumunot ang kanyang noo. Naisipan nitong hindi magtatagal ay mawawala ang aura ni Kael.

Agad niyang pinigilan si Giblet. "We'll wait here.." Pagbabawi niya sa paglakbay nila patungo sa Clandestinus.

Habang pahina ng pahina ang aura ni Kael ay ihinahanda na ni Bonzo ang kulay-lila na mahika sa lupa.

Pumalibot ang mala-anino sa talampakan at lumitaw ang tila kawalan na hugis bilog.

Inaabangan na lamang ni Bonzo ang pagkawala ng harang tsaka niya babangitin ang mga katagang pang mahika

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

Inaabangan na lamang ni Bonzo ang pagkawala ng harang tsaka niya babangitin ang mga katagang pang mahika.

At hindi nagtagal ay iyon nga ang nangyari.

Mabilis sinungaban ni Bonzo ang pagkakataon. Pagkabigkas nito sa mahika ay agad niyang hinila si Giblet patalon sa butas na binuo nito sa kalupaan.

Ilang segundo ang lumipas kasabay nilang bumagsak sa hardin ng kastilyo ni Solomon ang mabigat at malalim na pagbagsak ni Kael.

Hindi na ito ikinagulat pa ni Bonzo. Lumuwag ang kanyang kalooban nang malamang hindi pa huli ang lahat.

Nadama niya ang presensya ni Red sa unang palapag ng kastilyo.

Hindi na siya nag isip pa ng kahit na ano't agaran siyang tumungo roon.

Naiwan roon si Giblet na nakatitig lamang sa ikinikilos ng kanyang Kamahalan. Napapaisip siya kung paano mangyayari ang kabanatang nakita niyo sa hinaharap ni Red kabilang si Bonzo.

Ngunit ilang sandali rin ay naagaw ng atensyon niya ang nakalubog na si Kael.

Nilapitan niya ang napakalalim na butas sa kalupaan at marahang sinilip si Kael. Tila halos maliit na tao ang itsura ni Kael sa lalim ng kanyang binagsakan.

Pangasar na napangiti si Giblet at sabi. "Old man. 'Need help??" Alok niya sa lalaking may gray na buhok.

Malayo man ay nadinig rin ito ni Kael. "Yes, please..." Pagwawalang pansin ni Kael sa biro ni Giblet pagkat sa tindi ng sinapit nito ay wala na siyang panahon pa para rito..

Mabilis namang bumunot si Giblet ng isa sa kanyang buhok. Hinawakan niya ito sa dulo at nag bitiw ng isang kataga.

"GRANDIO!" (Latin word)

Mariin niyang bigkas. At agad namang namuo ang pwersa sa pirasong buhok nito at sa isang iglap ay marahas na tumubo ng napakahaba at mayroong napakakapal na katawan. Nagmistulang tila napakalaking ugat ang isang pirasong buhok nito.

Humaba pa ito hangang sa maabot ang kinalalapagan ni Kael. Hindi na kailangan pang gulamalaw ni Kael pagkat may sariling buhay ang tila ugat na ito at maingat na kinapitan siya paangat sa itaas na lupa.

Kakayanin sana ni Kael ang akyatin ito ngunit dahil sa kakulangan ng dugo ay kay bagal rin ng paghilom ng kanyang mga galos.

Pagkalapag ni Kael sa tabi ni Giblet ay agad na bumangon ito kasabay nito ang paghila ni Kael sa kamay ni Giblet.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now