EP ①❻ (part3)

12.3K 397 53
                                    

Sa pagpasok ni Solomon sa kastilyo ay sinalubong siya ng isang munting babae

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Sa pagpasok ni Solomon sa kastilyo ay sinalubong siya ng isang munting babae.

"Hmmm? Move it." Sambit ng munting babae sa harapan ni Solomon. Itinuro ng babae ang talampakan nito na nakatapak sa piraso ng isang rosas.

Napatingin agad si Solomon sa kanyang paanan.

"-ah!.." Sambit niya at agad na inalis ang paa nito na nakatapak sa bulaklak. "I beg your forgiveness, Young Lady." Dugtong niya at yumuko upang mag bigay galang tsaka dali-daling pinulot ang puting rosas sa sahig.

Nang napulot niya ang puting rosas ay agad siyang lumapit sa babae at inabot iyon. "Kung ako ang iyong tatanungin, mas nababagay ang pulang rosas sa'iyo." Sabi nito sabay ngiti sa babae.

Nagulat ang babae sa nakitang inosenteng ngiti sa labi nito na tila walang bahid ng kasamaan ang kanyang puso.

Namula ang pisngi ng babae. Hindi dahil sa sinabi nito. Ito ay dahil sa maganda niyang mukha.

Tumalikod na si solomon nang maabot ng babae ang rosas.

Natauhan ang babae nang makitang papalayo na si Solomon.

"-ahm..." Pagpapahabol pansin nito. "Sandali lamang, munting ginoon.."

Natigilan si Solomon at nilingon ang babae. Tumaas ang dalawang kilay niya na parang tinatanong kung ano pa ang kailangan nito sa kanya.

Nakaramdam ng mabilis na pagtibok sa puso ang babae ng masilayan muli ang mukha ng lalaki.

"--ahhh! Ako si Monet.. Maaari ko rin bang malaman ang sa iyo?" Mabilis na sabi nito. Nag-aalala siyang baka mairita sa kanya ang lalaki.

Natigilan saglit ang lalaki.

Di kalaunan ay napangiti na lamang siya.

"Monet..? Isang kaaya-ayang pangalan." Malambing na tugon nito kay Monet.

" Malambing na tugon nito kay Monet

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

*lab-dab

*lab-dab

Tumibok pa lalo ang kanyang puso. Ito ang isang bagay na nais niyang makita parati. Ang isang ordinaryong ngiti ngunit puno ng mainit na pakiramdam.

Tumalikod muli si Solomon. "Sa ngayon ay hindi pa ako napapangalanan ng aking ina. Hangang sa muli, Munting Binibini." At nag patuloy na siya sa paglalakad.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang anim na araw at wala maski isa sa kadugo nito ang nagpapakita sa kanya. Ayon sa menistro ay may inaasikaso ang Hari. Gayon rin ang Reyna, samantalang si Harquin naman ay nag tungo sa Reyno ng mga Diablo.
.
.
.
.
.
.
Lumipas pa ang isang araw. Dumating sa kaharian si Harquin. Kasama nito ang Hari ng mga Diablo si Garbora.

"Kamahalan, ano't nasama mo sa iyong pagbalik ang Hari ng Mga Diablo?" Agarang tanong ng menistro.

Hinaharangan naman ng mga kawal si Garbora.

Napangiti ng bitin si Harquin. "Patuluyin siya sa aking silid, Punong Menistro. Ang nilalang na ito ay aking alagad." Sabi nito at derederetso siyang umakyat sa malaking bahagdan papunta sa kanyang silid.

Walang nagawa ang menistro kundi patuluyin si Garbora. Mas ikinagulat pa nito na ang diablo ay magpapaalila sa isang batang prinsepe.
.
.
.
.
.
.
.
Sa silid ni Harquin.

Kakapasok pa lamang nito sa kanyang silid ay inatasan niyang muli ang isa sa kanyang alilang babae. "Ipaalam sa menistro ang aking minsahe. Nais kong ipadala ang anak ni Maria sa Pwersebes. Ibilango siya roon at sa araw matapos ngayon ay siya'y aking dadalawin." Seryoso nitong sambit.

Agarang gumalaw ang alila sa takot na mapagbuntunan siya nito ng galit.

Walang ano ay pumasok na si Garbora sa silid ni Harquin. Matatamlay ang mga mata nito at kulay puti ang mga pilik-mata, pati na rin ang mahabang buhok nito. Kasing puti ng pulbos ang kulay ng kanyang balat. Napakatangos ng itong at nude ang kulay ng labi nito.

"Hindi mo nabangit na anak ni Maria ang ibibigay mo sa akin, bata.." Matamlay at tila inaantok na impresyon ang nasa mukha ni Garbora.

Napangiti ng matulis si Harquin. Tila sinusukat ang impresyon ni Garbora. Dahil sa naramdaman nito ay tila mas nauhaw sa dugo si Garbora nang madinig kung sino ang mapapasakamay niya.

"Hindi ko sasayangin ang aking oras na hanapin ka kung wala rin naman akong makukuhang kapalit, hindi ba? Kung kaya't naisip kong surpresahin ka gamit ng ibibigay ko, kapalit ng iyong pagsisilbi sa akin." Detalyadong sagot nito.

Kuminang ang pulang mata ni Garbora. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at lumitaw ang malalaking ugat sa kanyang noo. "Kung gayon, maaari ko na ba siyang salubungin sa Pwersebes?" Nag titimping sabi nito.

Ang Pwersebes ay ang lugar kung saan lahat ng nilalang na pumapasok roon ay nagiging immortal. Hugutin man ang iyong puso ay mananatili ka paring buhay. Ngunit kung lumabas ka sa lugar na iyon ay mawawalan ng bisa ang iyong pagka-immortal.

Maari kang mamatay kung hindi mo naibalik ang puso na nawala sa iyo o maski kahit anong mabigat na galos na iyong natamo na hindi napagaling bago lumabas ng lugar na iyon.

Ang lugar na ito ay sagrado. Ipinagbabawal. Tanging si Garbora lamang ang may permiso na makapasok roon sa'pagkat siya lamang ang immortal na nilalang sa balat ng lupa.

Ang sinumang pumasok roon ay mahahatulan ng kamatayan maliban nalang kung isang maitim na kaluluwa ang pumaroon.

Ang Pwersebes sa mundo ng mga tao ay tinatawag nilang Empyerno.

Ang lugar kung saan malawak ang kadiliman at pinapalibutan ng kumukulong lupa.

Sa isang dako naman ng kastilyo ay nahanda na ang karwahe na sakay-sakay si Solomon patungo sa Pwersebes.

Ito ang lugar na kahit kailan ay hindi pa niya nadirinig.

••END OF EP XVI••

Hi guys.. Im so down..
:( sabi kasi ng kapatid ko ang inaabangan niya lang ay yung moment ng mga bida. Which is very-very rude sa tenga ko. Hindi nmn umiikot ang story sa dalawang tao lang dba? :( :(

And then sabi niya, paulit-ulit raw yung galaw ni Bonzo na hinahawi yung hair niya. Eh anong magagawa ko kung sa yun nga ang madalas gawin ni Bonzo. AT PERSONALITY niya? :( :(

Sana mabasa niya to.. :P

Anyway dahil sa sinabi niya. Nag desisyon akong ishort nlng yung kwento so..

I will say na malapit na po tayo sa kalagitnaan ng kwento.

Ahm.. As long as may isang nag babasa :) magpapatuloy parin po ako. Up man o down.. Tatapusin ko to. :)

:(

Thank you sa mga comment. Mahirap pala talagang maging libreng manunulat dito sa watty.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora