••EP ❷⑨ (part3)••

9.9K 252 52
                                    


Unti-unting nawalan ng malay si Kc dahil sa pakunti nitong dugo na kasalukuyan paring iniinom ni Solomon.

Ngunit hindi rin nagtagal napawi ang uhaw ni Solomon kung kaya't agad niyang binitawan si Kc bago pa man niya ito makitilan ng buhay.

Nagpatuloy siya sa kanyang paghakbang patungo sa kinaroroonan ni Bonzo.

•••••

Nakakunot parin ang noo ni Bonzo sa nasaksihan nitong kaganapan na sinuri ni Giblet.

Inalis nito ang palad sa ulo ni Giblet at muling napaupo sa upuang nakaukol sa habagkainan. "--Interesting. How is that even possible?" Sabi nito na tila kinakausap ang sarili.

Isang katanungan sa ngayon kung ano nga ba ang nakita ni Bonzo at Giblet sa hinaharap. Ngunit isang bagay lamang ang tiyak na naroon.. Ito'y kadiliman kung saan hindi nila nakita ni anino man ni Red sa hinaharap.

"Does that mean we need to eliminate her, Young Lord?" Tanong ni Giblet na tila ihinahanda ang sarili.

Napangiti ng matulis si Bonzo nang madinig ang katanungan ni Giblet. "--... There is no need to ask me such a thing.. We must kill h-"

Naputol ang ano mang sasabihin ni Bonzo nang maramdaman niyang paparoon si Solomon.

At hindi nga nagtagal ay natunton na ng Hari si Bonzo.

Pumasok siya sa silid hapagkainan na kalmado ang sarili. Ngunit hindi pa man nakakapag salita si Bonzo ay sinungaban na niya ito ng isang mariin na tanong.

"What did you do to her?!" Tanong ni Solomon sa malumanay na tinig ngunit tila nangangailangan ng kasagutan.

Sumeryoso ang mukha ni Bonzo at ipinatong ang pisngi nito sa nakalahad niyang kamay na nakapatong sa mesa. "Phantom.. It's been a while.." Sagot ni Bonzo na binalewala ang tanong ng lalaki.

Kumunot ang noo ni Solomon. Hindi nito nagustuhan ang pagbabalewala nito sa kanya. "What did you do to her..?" Pagsasaulit niya ng may diin ang bawat kataga.

Natigilan si Bonzo at napatitig lamang sa kinatatayuan ni Solomon.

Ngunit hindi rin nagtagal ay umimik ito

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.


Ngunit hindi rin nagtagal ay umimik ito. "I told you didn't I..?" Sabay pikit ng kanyang mga mata. "Walang katiyakan ang magiging epekto nito nang mawala ang lahat ng kanyang memorya." Tumayo si Bonzo at tumalikod kay Solomon. "Nakabuo si Red ng panibagong pagkatao ng hindi niya namamalayan." Humakbang na ito upang makalabas sa silid hapagkainan. "At kung meron mang dapat kwesyonin dahil sa pagbabagong ito ay walang iba kundi ikaw, na siyang humingi sa akin ng pabor." Pagtatapos ni Bonzo at tuluyan na itong nakalabas ng silid.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz