••EPISODE ❻•• "Solomon"

23.6K 576 23
                                    

"Ang lahat sa'yo ay sa'akin.."

Kinabukasan;
10:00 am ang oras ng gising ni Phantom. Bago mag 10am ay pumwepesto na ang mga maid sa malaking pintuan ng kwarto nito upang mag handa ng paligo/paliguan ang Hari. Ayusin ang kama at kwarto.

Ngunit bago pa makapwesto ang mga maid ay pinaalis silang lahat ni Lady Red.

"A-ako na ang b-bahala k-kay Phantom." Nanginginig niyang sabi sa pagkat ninenerbyos ito.

Nagulat ang walong maid at napatingin na lamang sa isat-isa.. Alam nilang mapapangasawa ng babaeng ito ang Hari, ipinaalam sa kanila ni Kael ilang araw ang nakakalipas. Kung kaya't hinayaan na lamang nila ito.

Yumuko ang mga ito at nag salita ang nakatataas na maid. "Masusunod po Lady Red." At tuluyan na nga silang umalis..

Ilang minuto pa ang lumipas. Pasado 10am na. Kinakabahan parin ito sa kanyang napiling desisyon.

Kagabi ay napagpasyahan niyang aasta itong kanyang asawa upang mawala ang kanyang pagkailang at bumalik sa dati ang kalmado niyang galaw sa harap ni Phantom.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang malaking pintuan sa kwarto ng Hari.

May malakas na hangin ang dumaan sa kanyang paligid sa'pagkat iyon ang pamamaraan ni Phantom ng pag bukas ng pintuan o bintana. Bumungad sa kanya ang naka bathrobe na Hari. Halata mong bangong gising lamang ito at magulo pa ang buhok.

"No way!" Pagsasaisip ni Red. Ilang beses na niyang nakita ang magulong buhok ni Phantom at bagong gising ngunit tila ito ang unang beses na nakaramdam siya ng paghanga.

Palaging naka combed up ang buhok nito ngunit ngayon ay nakababa at tumatakip sa kanyang noo, magulo at kumulot ang ilan dahil sa pakakahiga nito. Naging maamo ang itsura nito sa walang buhay pa niyang mga mata na nagmumukhang singkit. Walang impresyon ang mukha. Sa bathrobe nito nakikita ang gitnang parte ng dibdib nito tama na upang malaman na may maganda siyang pangangatawan.

Inangat ni Phantom ang kamay nito upang hawiin pataas ang buhok na humaharang sa kanyang paningin. Nanataling nakataas ang kamay nito upang hindi mahulog muli ang malambot niyang buhok. Nakita na niya ng maayos si Red.

"You.. What are you doin'here?" Binitawan ni Phantom ang buhok nito at muling tumakip sa kanyang noo. Humakbang ito papalapit kay Red sa'pagkat alam niyang wala sa tamang isip ang ulirat ni Red.

......at nang makalapit ito.

Napaangat ng tingin si Red sa pagkat sa edad niyang 12 ay hindi pa sapat ang tangkad nito para kay Phantom.

"Ho- no w-way........" Napanganga na lamang si Red wala talaga sa ulirat ang isip nito. "H-hot...." Pabulong niyang sabi tama lang upang madinig ng isang paniking kagaya ni Phantom.

Natauhan si Red nang madinig niya ang sariling salita.. Hindi niya inasahang masasabi niya iyon sa labas ng kanyang isipan.

Tuwid ang tindig ni Phantom. Nakasagad na nakatitig ang mga mata nito paibaba sa nakatangad na si Red, hindi man lang niyuyuko ang ulo. Tila pinapaalam nito na napakaliit ng nasa harapan niya.

Naramdaman iyon ni Red kung kaya't napaatras siya ng kaunti. At nagdadalawang isip na sabi. "Pa-papaligua--- ahm.. Ako na muna pansamantala ang mag papaligo at mag sisilbi sa iyo.." Sabi niya at nilalayo niya ang paningin sa matulis na tingin pababa ni Phantom.

Walang imik si Phantom sa'pagkat hindi big deal ang sitwasyon para sa kanya. Simula pa lamang nang maisilang siya ay kasambahay na ang nag papaligo sa kanyang katawan. Inalis ni Phantom ang tingin kay Red at humakbang papasok sa malawak nitong banyo.

Nakayuko namang sumunod si Red kay Phantom.

••••••••
Sa loob ng banyo.
Hinubad ni Phantom ang bathrobe nito. Nanlaki naman ang mata ni Red nang makita ang magandang hulma ng muscles nito. Nang haharap na si Phantom ay dali-dali siyang tumalikod, pulang-pula ang pinsngi.

"Red... Get this." Kalmado at malamig na pagkakasabi ni Phantom.

Napalingon naman si Red. Nakita nito na inaabot ni Phantom ang bathrobe nito. Paatras siyang lumapit kay Phantom upang abutin ang inaabot nito. Nakatalikod siya pati ang tingin nito at kinakapa ng kamay niya ang bathrobe sa kamay ni Phantom. Hindi niya ito mahagilap.

Walang impresyon sa mukha ni Phantom at nang nangawit na siya dahil sa maling dereksyon ang kinakapa ni Red.. Agad siyang humakbang papalapit sa nakatalikod na  babae at ipinatong ang bathrobe sa ulo nito.

"Itupi mo ng maayos at ipatong mo sa tabi ng bathtub. Lumabas kana at tawagin mo ang mga pinaalis mong maid." Sabi nito at humakbang na siya patungo sa shower area.

Natigilan si Red at kumunot ang noo nito. "No!!!" Sigaw niya at humarap sa nakatalikod at naglalakad na lalaki. "A-ayoko na m-may ibang hahawak sa pag'mamayari ko.." Nahihiya niyang dugtong.

Nanlaki ang mga mata ni Phantom at napahinto sa paghakbang. Hndi niya napigilan at sinilip niya sa gilid ng mga mata ang babaeng nag bitiw ng ganoong salita. "Pagmamay'ari?" Pagsasaisip nito kasabay na lumantad ang namumulang pisngi ni Red. Sa ilang taon nitong nakikita ang mukha ni Red ay ngayon lamang nito nakita ang ganoong impresyon sa mukha niya.

Agad na inalis ni Phantom ang tingin niya dito. "Fine." Malamig niyang sabi at muli siyang humakbang. "Just go.. Ako na lamang mag isa." Dugtong niya at binuksan ang salamin na pintuan ng shower area. "Drop the robe and leave." Pahabol nito at isinara ang babasaging pinto.

Salamin man ang harang sa shower area nito ay may malabong vision naman ang texture nito sapat na upang hindi lumantad ang nasa loob ng area na iyon. Nadinig na lamang niya ang echo ng pagbagsag ng tubig tsaka siya natauhan. Ginawa niya ang inutos nito tiniklop niyo ang bathrobe at inilapag sa tabi ng bathtub. Ihinanda na rin niya ang tubig dito. Nilagyan na rin niya ito ng brew soap at pinabula ang tubig.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن