••EP ❽ (part2)••

20.4K 515 7
                                    

(Sa silid aklatan)







Ramdam ni Kael ang uhaw na aura galing sa labas ng silid mula ng bumalik sa dati ang pader ng silid na iyon. Mas malala pa ito kesa sa inasal ni Phantom sa likuran ni Red kani-kanina.

Nilingon ni Red ang malaking pinto ng silid. "Kael... Ano itong nararamdaman ko? Tila may kung anong nangyayari sa labas ng pinto?" Pinapawisang tanong nito.

Nagulat si Kael sa nadinig. Para maramdaman ng isang ordinaryong nilalang ang ganitong aura ay hindi na isang biro. Nawawala sa katinuan ang Hari.

"Lady Red, maari ba tayong tumungo sa labas ng kastilyo? O kahit saan mo gustuhin." Agarang tanong ni Kael.

Nabahala si Red sa'pagkat hindi sinagot ni Kael ang katanungan niya. "Mmmh." Tumungo si Red. "Hihingi muna ako ng pirmiso kay Solomon at mag papalit ng damit." Dugtong niya tsaka tumayo.

Pineke ni Kael ang kanyang ngiti. "Si Lord Phantom mismo ang nagbigay pirmiso na maari kitang ilabas sa ganitong sitwasyon. Sa ngayon ay may pinagkakaabalahan ang Kamahalan at hindi dapat maistorbo ng nino man." Pagpapaliwanag nito.

Muling nilingon ni Red ang pinto ng may pag-aalala sa kanyang mukha. Nang hindi sinasadya ay may natapakan siyang malambot sa sahig. Yumuko siya at nakita ang mga piraso ng kanyang pulang buhok na nagmumukhang dugo. Nabahala siya ng maalala ang inasta ni Phantom kani-kanina.

Hindi niya namalayan na hawak-hawak na pala nito ang hangang balikat niyang buhok. "Maybe.. It's because of me?.." Pagsasaisip niya.

"Mmmmmnh..." Pagtugon lang ni Red kay Kael.

Ganoon nga ang nangyari. Sa malaking bintana idinaan ni Kael si Red. "Saan mo nais magtungo, Lady Red?" Tanong nito habang buhat-buhat niya ito sa kanyang likuran (piggyback). Ganito niya binubuhat si Red simula palang ng bata ito sa'pagkat sa ganoong paraan ay sumasaya si Red.

"Kael, hindi ba natin gagamitin ang karwahe?" Tanong muli ni Red. Nakayakap siya sa leeg at ibabaw ng balikat ni Kael. Nakasandal ang kanyang pisngi sa malapad na likuran ng lalaki.

"Wala na tayong oras upang mag handa pa ng Karwahe, Lady Red." Sagot ni Kael.

Ramdam niyang maingat siyang dinadala nito. Tila halos hindi niya maramdaman ang pag talon at pag lapag ni Kael sa mga bubungan ng kastilyo maging sa mga puno. Napakabilis nitong gumalaw. Mailap pa kesa sa isang segundo.

Napapikit nalamang si Red sa'pagkat halos hindi na niya makita ang kapaligiran dahil sa bilis ni Kael. Sa mga sandaling ito ay pababa na sila sa mataas na bundok na puno ng matataas na puno at malalaking ugat.

"Why?"

"Did i do something wrong?"

"Are they gonna throw me away?"

"I-I feel something is different.."

"Something that..."


" something that will change everything..."

•••••••
"Lady Red.." Sambit ni Kael. "Lady Red....?" Tawag niyang muli kay Red na nakaidlip sa kanyang likuran.

Minulat ni Red ang kanyang mga mata nang madinig nito ang pagtawag sa kanya ni Kael.

Nilibot nito ang kanyang paningin sa paligid. "Nasaan tayo?" Tanong niya nang hindi niya makilala ang lugar. "Hindi pa ako nakakapunta sa lugar na ito." Dugtong niya.

Napangiti si Kael. "Tayo ay nasa lugar ng mga tao, Lady Red. Dinala kita rito upang malaman mo kung saan ka nag mula at isinilang." Pagpapaliwanag niya.

Inilibot pang muli ni Red ang tingin sa paligid mula sa kaniyang kinatatayuan nasa mataas na lugar sila. Kung hindi siya nagkakamali ay nakatayo sila sa isang building. Natatanaw ng kanyang mga mata ang makulay na mundo. May mga kakaibang aura ang lugar na ito. Kapayapaan. Matatanaw na masiyahin ang bawat isa at maayos ang pakikitungo sa isat-isa.

"Where are you? ..... Red..."

*Gaps... (Strong wind)

Natigilan si Red nang madinig ang malalim na boses. Kasabay ng pag-ihip ng hangin ang kanyang pag lingon sa paligid upang tukuyin ang dereksyon ng boses na kanyang nadinig. "W-who are you?" Pagsasaisip niya. Umaasa siyang madidinig ang kanyang saloobin.

Habang si Kael naman ay humakbang at pumwesto na sa gilid ng building. Inaabot nito ang kanyang kamay kay Red. "Tutungo tayo sa ibaba, Lady Red. Nang sa gayon ay maari ka ring tumingin o bumili ng ano mang naisin mo." Sambit niya sa hindi mapakaling si Red.

Hindi na nagsalita pa si Red at agad na yumakap kay Kael pababa ng mataas na building. Ipinagpalagay niya na guni-guni lamang ang kanyang nadinig.

Nang makababa sila sa walang tao na eskinita at mapunta sa street kung saan marami at magkakadikit ang bawat shop na kanyang makita. Agad siyang natuwa dahil alam niyang basahin ang bawat nakasulat sa itaas ng shop.

"Kael, nakakamanghang isipin na ang mga tinuro mo sa aking salita at uri ng pagbabasa ay naaayon sa mundong ito." Natutuwa niyang sabi habang pumipili ng kanyang unang papasukan.

Napangiti si Kael nang makitang unti-unti nang sumisigla si Red. "Paiba-iba ang kanilang pananalita ngunit ang salitang itinuro ko sa iyo ay ang salitang ginagamit ng halos lahat ng nakakarami."

Napatigil saglit si Red. Humakbang siya at tumapat sa pintuan ng isang gawa sa magandang klase ng kahoy na shop. "Maari ba akong pumasok rito?" Tanong niya.

Tinutukoy nito ang shop ng mga leather items.

Malambing na tumungo si Kael. "Ngunit huwag kang magsasalita na tila ikaw ay may pinag-aralan. Sa'pagkat sa mundong ito ay ipinagbabawal ang pag-aaral ng mga babae. Sa lugar na ito ay tanging lalaki lamang ang may karapatan sa lahat." Pagpapaalala ni Kael sa dalaga.

Hindi na komontra pa si Red sa'pagkat nasabi na ni Kael ang bagay na ito noon pa lamang.

Pumili si Red ng kung anong magustuhan niya at si Kael ang nag-abot ng pera sa ginoong naghahanap buhay.

"Kung gayon ay bawal rin bang humawak ng pera ang babae?" Tanong ni Red nang makalabas sa shop.

Napayuko si Kael sa gawi ng maliit na si Red. "Hmmm. Sa tingin ko ay maari naman, ngunit karamihan ay lalaki ang nagbabayad sa bawat naisin ng babae sa'pagkat iyon ang kanilang pride. Ang babae para sa kanila ay isang kasambahay na bumuburda ng bulaklak o gumaganchilyo, iba pang gawaing bahay at asawa lamang."

Inabot ni Red ang isang maliit na kahon, isa sa mga bitbit ni Kael. Maliit lamang ito. "Nais kong ako ang bibitbit dito." Tugon niya.

Pinagmasdan ni Kael ang kahon na kasing laki ng isang maliit na sapatos. Napangiti ito. "Iyan ba ay para kay Lord Phantom?"

Kumunot ang noo ni Red. "Kael!, ilang beses ko bang uulitin? Solomon ang kanyang bagong pangalan." Sabi niya at bumuo ito ng hangin sa gilid ng kanyang pisngi.

Tumaas ang dalawang kikay ni Kael pagkat ngayon lamang niya nakita ang ganoong impresyon sa mukha ng babae. Sa isang saglit ay lumobo ang pisngi nito.

*poke (bluuurrgg)

Tinusok ito ni Kael gamit ng kanyang hintuturo at dali-dali itong lumiit kasabay ng isang di kaaya-ayang tunog.

"Stop it.. Kael!" Sambit ni Red.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin