••EP ⑨ (part 2)••

19K 543 10
                                    

"The squirt is sure making me wait..."

"...for too long..."

Nakaupo si Phantom sa gilid ng kanyang malaking bintana. Nakabukas ito at dumadaloy ang malakas na hangin.

Hinahawi ng hangin ang malalambot niyang buhok. Tila isang prinsipe na naghihintay sa kanyang prinsesa.

Ngunit sa kabaligtaran. Natutuwa itong pinapakingan ang iyak ni Red at pagtawag sigaw nito sa kanya.

Hindi nag tagal lumakas ang aura ni Phantom. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang nananatiling nakaupo ng gilid nito.

Gumuhit ang sarkastikong ngiti sa kanyang labi.

"She's finally here.."

Bulong niya. Ramdam niya na nasa tapat na ng pinto si Red. Nanginginig at natatakot.

Nang madinig niya ang unti-unting pag bukas ng pinto. Dahan-dahan ring lumilingon ang kanyang tingin pagawi sa pinto ng kanyang silid.

Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Sa maliit na pag bukas ng pinto ay sumingaw ang mapakatamis na dugo.

Hindi na tumalab ang malakas na hangin upang patangayin ang amoy.

Kumulo ang kanyang dugo. Napakapula ng kanyang mata. Ugat sa kanyang kamay.

Gayon paan hindi pa niya nasisilayan ang nagbubukas ng malaking pinto.

Unti-unti siyang tumayo. "Ohh Red..." Malagkit ngunit seryoso niyang sabi. "Why do you have to make me feel this way?" Pinipigilan niya ang kanyang sarili.

"Just wait... It wont be long.. Soon, I'll tear you apart!"

Gumuhit ang ugat sa kanyang kamay at nag silabasan ang matutulis at mahahaba niyang kuko.

Nakatayo ito at inaabangang bumungad si Red sa pinto.

••••••••
"Mas lumalalim ang madilim na aura sa loob." Pagsasaisip ni Red sanhi upang mapatigil saglit ang kanyang tuhod at kamay sa pag bukas.

Ngunit saglit lamang ito 'di nag tagal ay binuksan na niya ang pinto.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kanyang hinahanap sa tapat ng malaking bintana.

Nakatayo ito rito at hinahawi ng hangin ang robe at buhok nito.

Dali-dali siyang tumakbo. Nawala lahat ng kanyang kaba at takot.

Tinakbo niya ang distansyang meron sa pagitan nila ni Solomon. Muling napaluha ang kanyang mga mata.

Hindi niya ininda ang madilim na aura na nag mumula kay Solomon.

Walang laman ang kanyang utak kung hindi ay ang tumakbo papalapit rito.

'Di nag tagal naabot ni Red ang katawan ni Solomon. Sa kanyang paglapit takbo ay kasabay nito ang pagunat niya ng dalawa niyang kamay.

Sa kanyang pagitan ay yakap-yakap na niya ng napakahigpit si Solomon.

"It's okay now.." Mahinang sabi ni Red. "You can stop now, I'm here for you... SOLOMON.."

Nanlaki ang mga mata ni Solomon sa nadinig. Ramdam niya ang mainit na yakap at napaka inosenteng aura kay Red.

Wala ni isa sa mundong ito ang nakapagbigay sa kanya ng ganoong pakiramdam.

Walang takot at puno ng pagtitiwala. Buong pusong yakap-yakap siya ni Red.

Nawala ang kunot sa noo ni Solomon pati sa kanyang mga kamay. Bumaon ang kanyang mga kuko.

Inangat ni Red ang kanyang paningin upang masalubong ang mukha ng kanyang yakap-yakap.

"Why? Did you have to slaughter all of them? Did they attacked you first? What happened?" Nag-aalalang tanong niya. Natatanaw niya ang napaka pulang mata ni Solomon.

Muling naalarma si Solomon nang makita ang nagdurugong labi ni Red. Litaw na litaw sa inosente niyang mukha ang pulang dugo. Muling ring lumitaw ang kanyang mga matutulis na kuko.

"Let go.." Mahinang sabi niya. Inuutos niyang alisin ni Red ang kanyang nakapulipol na kamay.

Inalis ni Red ang kanyang kamay sa'pagkat muli niyang nararamdaman ang madilim nitong aura.

Inangat ni Solomon ang kanyang hintuturo at hinila niya pababa ang split ng robe  nito na tumatakip sa kanyang tiyan.

"You see this?" Seryoso niyang sabi tinutukoy nito ang lumitaw na butas sa kanyang tiyan. Ang sugat na ginawa ni Harquin. "Now, I need you to heal it."

Nakatingin siya pababa. Hinihintay ang sasabihin ni Red.

Natulala si Red. Napakalaki ng butas nito kakasya na ang isang buong kamao ng isang lalaki. Nakikita niya ang paggalaw ng mga laman sa loob ng tagos na butas.

Napaluha siyang muli. "Is it painful? How can i heal it? Haw can i help?" Mabilis niyang tugon. Nais niyang hawakan ang sugat ngunit wala siyang lakas.

Hindi na nagsalita si Solomon. Dali-dali siyang yumuko ay hinawakan ang baba ni Red.

"By tearing you apart, that is.."  Bulong ng lalaki. Ibinaba pa nito ang kanyang mukha sanhi upang mag lapat ang kanilang mga labi.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now