EP ⑨ (part3)

19K 530 16
                                    


Natigilan si Red hindi siya halos makagalaw. Ramdam niya ang mainit na labi ni Solomon sa kanyang mga labi. "W-why? I-Its warm?" Pagsasaisip niya.

Naalala nito ang napag-aralan niya kay Kael. Na kapag nauhaw at kumulo ang dugo ng isang bampira ay siya ring pag init ng bawat balat nito.

Kumirot ang sugat sa kanyang labi. Ramdam niyang hindi gumagaling ang kanyang sugat sa'pagkat hindi nakalabas ang pangil ni Solomon.

Sinisipsip ng lalaki ang kanyang dugo sa napakaliit nitong sugat. Napapikit siya. Gumagalaw ng madiin ang malambot na labi nito. Naramdaman niya bigla ang  malakas at mabigat na hangin.

Pagmulat nito ay nakahilata na ang kanyang katawan sa kama ni Solomon. Nasa itaas niya ang Hari ngunit hindi magka dikit ang kanilang mga katawan. Tanging ang kamay lang nito sa kanyang likuran at ang isa pang kamay na nasa pagitan ng kanyang pisngi at ang kanilang labi lamang ang magkadikit.

Bukod sa hapdi sa labi ay hindi alam ni Red ang kanyang dapat maramdaman. Ngunit sa mga sandali ay hindi na siya makahinga. Nag-umpisa na siyang pumalag.

Gamit ng kanyang kamay ay tinutulak niya papalayo ang mukha at katawan ni Solomon.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niyang makabukas at nakatitig ang seryosong mata ni Solomon sa kanyang mangiyak-ngiyak na mga mata.

Natigilan siya sa ginagawang pag-palag.

Ganun rin si Solomon. Ihininto nito ang kanyang ginagawa. Inangat niya ng di kalayuan ang kanyang mukha.

"Not yet.." Pagsasaisip ni Phantom (Solomon) "the squirt haven't ripen at its best yet..." Tila kalmado na ang kanyang sarili.

Tinititigan niya si Red. Napansin niya ang buhok na pinutol ito.

Agad na umupo si Phantom at inayos ang kanyang robe. "You can rest here. Where's Kael?" Malamig nitong sabi.

Nag hahabol hininga si Red. Sumigla ang mukha nito. Tila bumalik na sa dati ang hari. Sinagot niya ang tanong ni Phantom at sinabi kung paano siya nakabalik ng mag-isa sa kastilyo.

Natigilan si Phantom nang madinig iyon. Hindi niya alam kung sino ang nag lagay ng portal sa pagitang ng mga tao at sa kanilang mundo.

Dali-daling tumayo si Red at kinuha ang kahon na binitiwan niya kanina sa tapat ng bintana.

Walang pakialam si Phantom sa kinikilos ni Red. Nakatuon ang pansin niya sa butas ng kanyang katawan. Tinatansya niya kung gaano katagal ito mag hihilom.

"Here..." Sambit ni Red. Kinuha niya ang kamay ni Phantom at dali-daling isinoot ang isang piraso ng gloves. Ganun rin ang ginawa niya sa isa pa. Maganda at matibay ito.

Pinagmasdan ni Phantom ang kanyang mga kamay. Kumunot ang kanyang noo. "Take it off.." Malamig niyang sabi.

"No!" Giit naman ni Red. "From here and now on.. I forbid you to kill or slice anything that is not even necessary to be split apart!" Pagmamatigas niya at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Phantom.

"What?" Malamig parin ang boses nito.

Mangiyak-ngiyak ang isang 15 yr/old. "I don't like it.. I don't want to see you like this.." Nakayuko niyang sabi. "I know.. Deep within you... You're gentle.."

Inalis ni Phantom ang kamay ni Red. At ihiniga ng maayos ang sarili sa kanyang kama. Pinitik niya ang hangin at sumara ang pinto at bintana ng silid. Tila wala siyang balak na pansinin ang anumang sinabi ni Red. Ipinikit niya ang kanyang mata. Nais niyang mag pahinga. Iniisip niya hangang sa kanyang pagpikit kung paano niya aayusin ang kaharian.

Napahiya si Red sa inasal ni Solomon. Ngunit napalitan ito ng ngiti nang makita niyang hindi tinangal ng Hari ang isinuot niyang mga gloves.

Kinuha niya ang isa pang laman ng kahon. Isa itong tali na may napakaliit na bell at hugis oblong.









Sa mundo ng mga ordinaryo.

"Lady Red?!" Tawag ni Kael. Ilang oras na niya itong hinahanap.

"I can't return without her... Or else Lord Phantom will punish me!"

At dito magdamagang hinanap ni Kael si Lady Red.

••END OF EP IX••

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now