••EPISODE ❷⓪•• "Enemy or Ally?"

12.2K 419 28
                                    

(Few hours ago)

Nang makapasok si Bonzo sa portal na nilikha nito.

"Hmmm..." Pinagmasdan niya ang kapaligiran sa lugar na pinasukan nito gamit ng Portal. "Let see... Where is he?" Bulong niya sa hangin.

Hinahanap niya si Solomon.

Ang mga letrang sinulat niya na naghalo sa Bilog na ritwal ay ang pangalang Phantom at ang Reyno ng mga Mahikero.. Gayon rin ang oras sa ngayon.

Napansin niyang nasa itaas siya ng tore na nakatayo sa matarik na bangin.

Sumeryoso ang mukha nito nang tila maalala niyang rito siya isinilang sa reynong iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sumeryoso ang mukha nito nang tila maalala niyang rito siya isinilang sa reynong iyon. Hindi niya akalain na siya ay muli pang babalik rito.

Nang madinig niya mula kay Harquin ang utos nito na rito ipatungo si Solomon sa reyno ng mga Mahikero ay wala siyang magawa kundi ang muling tumapak sa lugar na ito.

Alam niyang kinabukasan ay susunduin ni Garbora si Solomon, sapilitan man o hindi.

Nagpunta siya sa Clandestinus upang makita si Solomon at ipadala ito sa Magice ngunit nagulat siya nang makitang kanang kamay nito si Kael at higit pa rito ay mayroon itong alagang ordinaryong tao.

Dahil sa hindi ito makapaniwala ay hinayaan muna niya si Solomon hangang sa Elf Kingdom upang usisiin ang bawat galaw ng tatlo na tila may sinusubukan itong patunayan.

"Nang mga oras na iyon, handang paslangin ni Phantom ang nilalang na si Waplou. Ngunit dahil sa isang batang babae, napahinto ito." Pagsasaisip ni Bonzo at sinimulan na ang paghakbang patungo sa pababang hagdan ng tore. "Bukod pa roon ay ipinainom niya mismo ang puro nitong dugo sa tao upang hindi ito maamoy ng mga nilalang na naghahangad ng laman ng isang tao. Alam niyang hindi sumasapat ang proteksyon nito galing sa dugong bato na ibinigay ni Kael sa babae.."

Hahakbang na sana siya sa unang baitang ng hagdan pababa... nang makita niyang papaakyat si Solomon at nagtama ang kanilang mga mata.

Natigilan si Bonzo gayon rin si Solomon.

Sumeryoso ang impresyon ni Bonzo na tila may sinusukat ito sa katauhan ni Solomon.

"Sa aking pag-lalakbay kasama ang tao (Red) ay masasabi kong may taglay itong kakaibang aura... At sa nakita kong agarang aksyon ng nilalang na ito nang madinig na dinala ko rito ang tao..." Napangiti ng bitin si Bonzo habang nakatitig parin sa kaharap nito na ipinagpatuloy muli ang pag hakbang. "Kung hindi ako nag kakamali, ang Haring ito ay napapalagay na ang loob sa isang tao..."

Nang malagpasan ni Solomon si Bonzo... agad siyang huminto.

Magkatalikuran na ang dalawa. Halos nasa kalahati ng taas sa katawan ni Solomon ang tangkad ni Bonzo.

"Ano ang iyong pakay mula sa pagsisinungaling na naririto si Red?" Seryosong tanong ni Solomon sa nasa likuran nito.

Nawala ang ngiti ni Bonzo. "Hmm? Sabihin na nating iyon ay isang pagsusulit. Nais kong makilala sa maikling panahon ang tao, ngunit hindi ito sapat..." Nilingon ni Bonzo sa sulok ng kanyang mga mata ang nakatalikod at mataas na tinding ni Solomon. "Kung kaya't naparito ako upang ipaalam na matatagalan bago kayo muling magsama ng taong iyon." Pagtutukoy nito kay Red.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now