••EPISODE ❷③•• "Breaking Off The Spell"

11.7K 319 57
                                    

Sa kaharian ni Harquin.

Binuksan ni Solomon ang pinto patungo sa trono ng kapatid nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Binuksan ni Solomon ang pinto patungo sa trono ng kapatid nito. Nakabuntot sa kanya si Kael.

Pagkabukas ng pinto ay bumungad roon si Harquin nasa kanan niya si Mando at nasa kaliwa naman si Monet.

Lumapit si Solomon rito. "Nais kong putulin ang ugnayan ni Kael, ang aking kanang alagad sa iyong pamamalakad." Sambit ni Solomon.

Nag-iwas naman ng tingin si Monet kay Solomon. Hindi niya nais makita ang malamig na impresyon nito.

"At bakit mo naman naisip na papalayain ko si Kael?" Tanong ni Harquin habang nakaupo sa trono nito. "Hindi mo alam ang naging naitulong niya sa akin.."

Napangiti si Harquin. "Kabilang na roon ang batang si Red." Dugtong niya.

Natigilan si Solomon. Kumirot ang dibdib niya nang madinig ang pangalang iyon. "Ano ang iyong ibig iparating?!" Naguguluhang tanong ni Solomon.

Binaling niya ang tingin sa kanyang kanan. "Mando, nais kong dalhin mo na rito ang tao." Tinutukoy nito si Red na kasama si Garbora.

Yumuko si Mando upang mag bigay galang bago tuluyang umalis sa kinaroroonan nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yumuko si Mando upang mag bigay galang bago tuluyang umalis sa kinaroroonan nito.

Muling ibinaling ni Harquin ang tingin kay Solomon. "Ang iyong kanang alagad ay matagal ng naninilbihan sa akin. Inutusan ko siyang maging kanang kamay mo, upang makarating sa akin ang lahat ng tungkol sa iyo.. Gayon rin ang pagkuha mo sa taong nilalang na napulot mo sa gitna ng nyebe.."

Nanlaki ang mga mata ni Solomon sa'pagkat wala siyang maalala sa sinabi nitong tao. Kumunot lamang ang kanyang noo.

"Nang ibalita sa akin ni Kael na nahuhumaling ka sa dugo ng mga tao ay napaisip ako na bigyan ka ng isang regalo.."

"Inatasan kong naghanap si Mando ng  dalawang nilalang. Isang babae at lalaki na kapwa may tinataglay na kakaibang dugo."

"Hindi naging madali ang kanyang paghahanap. Ngunit naging matagumpay ito nang isilang nila ang isang sangol na may katas ng dugo na tiyak na iyong kahuhumalingan.."

Someryoso si Harquin. "At nang handa na ang lahat.. Inutusan ko si Kael na kumbinsihin kang kumuha ng isang tao. Ngunit hindi ko inakala na magiging madali ang lahat.."

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now