EP ①❹ (part2)

14.2K 395 4
                                    

(30 minutes later)
(bago magising si Red)

Rumaragasa ng takbo ang karwaheng sinasakyan nila Kael at Solomon.

Bago sila umalis sa Elf Kingdom ay inatasan niya ang mga mababangis na halimaw na ihatid ang dalawa pa sa tatlong malalaking kahon sa dalawang Reyno na hindi na nila magagawang puntahan sa'pagkat ang tanging destinasyon na nais puntahan ni Solomon sa lalong madaling panahon ay ang Magice Kingdom.

Dahil sa hindi maipaliwanag na aura na pumapalibot kay Solomon ay minabuti nalamang ni Kael na umupo sa labas. Sa harapan ng Karwahe kung saan karaniwang umuupo ang nagpapatakbo at kumokontrol sa kabayo.

Walang tigil na hinahampas ni Kael ang mabangis na halimaw upang patuloy itong tumakbo ng mabilis.

"That enormous windstorm..."

"He did that to search for her.."

Pagsasaisip ni Kael. Alam niyang puno ng galit ang binitawang windstorm ng Hari sa reyno ng mga Elf. Ngunit ramdam niyang ito ay para kumpirmahin kung nasaan si Red.

Ipinakalat niya ang hangin upang matiyak kung naroroon parin ang presence ni Red sa nasasakupang parte ng Elf Kingdom.

Ngunit nabigo ang hangin na ramdamin ang aura ni Red.

Kung kayat hindi nag aksaya ng panahon si Solomon at dali-daling pumatungo sa kanilang destinasyon.

"And above all that, Lord Phantom is acting this way just because of Lady Red?!" Pagpapatuloy ni Kael.

Hindi pa alam ni Kael ang buong pangyayari maski kung sino ang kumuha kay Red. Sa'pagkat hindi ito nakahanap ng tsempo upang tanungin si Solomon.









(Back to present)

Malalalim ang paghinga ni Red. Dalawang oras na ang nakakalipas nang umpisahan niyang libutin at sumigaw-sigaw sa bawat sulok na kanyang mapuntahan.

Kulang ang isang lingong paglilibot kung lalakarin lamang niya o tatakbuhin ang buong reynong iyon. Lalo na sa matutulin na gubat.

Nang bigla siyang naalarma. Naisipan niyang pumunta sa front gate upang alamin kung nasa karwahe na ang Hari at si Kael.

Muli siyang tumakbo. Sa mga oras na ito. Tuluyan ng nag hilom ang kanyang sugat tangin mga galos na lamang sa kanyang katawan ang nagbibigay hapdi sa kanya. Ito ang mga galos na nakuha niya nang sapilitan niyang sinulong ang whirlwind na ginawa ni Solomon.

Nanghihina na ito at halos mabagal na ang kanyang pagtakbo. Nagmukhang basahan ang punit-punit na itim nitong bistida. Naputol na rin ang tali ng kanyang buhok kung kayat buhaghag at malagkit na ang kanyang buhok.

Nagmukha na siyang alipin na nakatakas mula sa kanyang pinagsisilbihan.






(Front gate)

Nakaupo si Bonzo sa ituktok ng napakataas at malapad na gate.

Katabi niya sa di kalayuan ang agilang si Giblet.

Ibinilog ni Bonzo ang kanyang hintuturo padikit sa kanyang hinlalaki. (👌) Mula sa butas na kanyang nilikha ay dali-dali siyang sumilip. Tila nag mistulang telescope ang kanyang kamay. Kaya niyang izoom ang kahit na anong view na matapat sa butas na kanyang nilikha.

Habang nakasilip dito ay lumilinga-linga siya. Hinahanap niya ang kinalalagyan ni Red.

"Woa... Woa... Look at her, Giblet.." Sabi niya na abala sa panunood sa galaw ni Red. "She looks dreadful, I want to help her but she didn't ask me for any.." Seryosong dugtong ni Bonzo. Tinatangay ng malamig na hangin ang kanyang blondeng buhok at ang itim nitong coat.

Nasilayan niyang nag iba ng dereksyon si Red.

"-oh she's finally coming here.." Sabat muli ni Bonzo sabay biglang tingin sa agilang si Giblet sa di kalayuan. Kumunot ang kanyang noo sa nakitang itsura ni Giblet.

"Stop staring at me with those puppy eyes! ! You think you can trick me with those huh?! You're not a dog, you're an EAGLE!!" Sigaw ni Bonzo. "That is your fault. Eating anything that flies around, it's getting in my nerves!.."

Nag umpisa muling sermunan ni Bonzo ang tahimik at hindi makapagsalitang si Giblet.








Maraming minuto ang lumipas bago narating ni Red ang front gate.

Nagsisiunahang magsihulog ang pawis sa kanyang mukha at buong katawan.

Nanlaki ang mga mata ni Red sa nasilayang lugar.

"Na... NO!!!"

Sigaw ni Red sa kanyang isipan. Hindi na niya matanaw ang kahit na anong bakas ng Karwahe at mga alagang halimaw ni Kael.

"Why? Did they leave me behin---"

Naputol ang ano mang iniisip ni Red nang madinig niya ang ingay mula sa itaas.

Dali-dali siyang napaangat ng tingin sa napakataas na gate. Tila mapuputol na ang kanyang leeg sa sobrang taas ng kanyang tinitingala.

"Are you trying to kill yourself?!!"

Galit na sigaw ni Bonzo. Sa ngayon ay nakatayo na siya sa harapan ng agilang si Giblet.

"Stop drooling!!!! Your filthy liquid from your mouth is flowing!!!"

At kasalukuyan niya paring sinisigawan si Giblet. Sa di malamang dahilan ay nag lalaway ito.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon