••EPILOGUE••

21.7K 404 194
                                    

"Kc, huwag masyadong mahigpit.." Giit ni Red nang halos napakahigpit ng pagkakatali ni Kc sa panloob nito.

"Hindi ba't ito ang pinakahihintay mong araw? Kaya't nararapat lamang na perpekto ang hugis ng iyong katawan

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

"Hindi ba't ito ang pinakahihintay mong araw? Kaya't nararapat lamang na perpekto ang hugis ng iyong katawan..." Sagot ni Kc sa reklamo ni Red.

Napanguso si Red sa nadinig. Isang bwuan ang nakakalipas ay sinasabihan na siya ni Kc na mag ehersisyo para sa darating na seremonya.

Seremonya?

Tatlong bwuan ang nakakalipas nang magdilat si Solomon mula sa pagkakatulog.

Tinanong siya ni Solomon kung ano ang nais ni Red bilang palatandaan na sila'y para lamang sa isa't-isa...

Hindi nag dalawang isip si Red na sabihin na nais niya ng seremonya na tulad ng nagaganap sa mundo ng mga ordinaryo.

Walang ediya si Solomon tungkol rito ngunit walang pagdududa siyang pumayag para sa magiging Reyna nito.

Hindi man si Solomon ang Hari ng ibabang mundo'y nais niyang gawing Reyna si Red.

Lumapit sila kay Bonzo, ang nilalang na mas nakakarami ang kaalaman sa mundo ng ordinaryong nilalang.

At nang sumapit nga ang nakatakdang araw..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"My Lady, nais mo ba ng isa pang paghahain?" Napakagalang na sambit ni Giblet sa nakaupong si Hellenor.

Kumunot ang noo ni Levi pagkat madalas niyang napapansin na ibang-iba ang trato ni Giblet kay Hellenor kesa sa kanya.

"Helle, hindi porke kaya nating kainin ang pakain ng mga tao ay hindi mo na aalalahanin ang iyong limitasyon." Pangaral ni Levi at hindi pinapansin si Giblet.

Napatitig naman si Giblet kay Levi.

Nadama ni Levi ang titig ni Giblet kaya't sinungaban niya rin ito ng matulis na titig.

Tila naiipit naman si Helle sa sitwasyon.. Kaya't nang makita niya si Solomon kasama ni Bonzo....

Dali-dali siyang tumayo at tumungo sa kanyang ama.

"Solomon.. Nagustuhan ko ang iyong kasuotan ngayong araw.." Sambit ni Helle. Inutusan siya ni Solomon na Solomon na lamang ang itawag niya rito.

Hindi naman pinapansin ni Bonzo si Hellenor. Wala itong hilig sa mga bata.

Napangiti si Solomon at iniyupi nito ang tuhod upang yukoin si Helle. "Helle, sino ang nagpasuot sa'iyo ng ganiyang damit?" Tanong ni Solomon pagkat napakaganda ng kasuotan ni Helle daig pa nito ang reyna.

Napangiti si Helle at itinuro si Giblet. "Ako'y inayusan ni Giblet.. Ibang damit ang aking nais, ngunit sinabi niyang mas nararapat sa akin ang ganitong uri ng kasuotan.." Sagot ni Helle.

Napasulyap si Solomon kay Giblet na nakikipagtitigan parin kay Levi.

Napakunot ng noo si Bonzo sa nadinig. Tila may kahulugan ang bawat ikinikilos ni Giblet..

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Jun 30, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang