EP ③③ (part3)

9.4K 226 20
                                    

Nag mulat ng mga mata si Emerald wala siyang nadaramang sakit ngunit nakita nito ang maraming pasa sa kanyang katawan. Hindi siya nakadama ng maski katiting na takot sa'pagkat alam niyang nagpipigil ang lalaki na masaktan siya habang siya'y inaangkin nito.

Dali-dali siyang bumangon upang pagmasdan ng husto ang lalaking mahimbing na umiidlip sa kanyang tabi.

Dali-dali siyang bumangon upang pagmasdan ng husto ang lalaking mahimbing na umiidlip sa kanyang tabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa kanyang pagbangon ay nakadama siya ng matinding lamig. Sa mga sandaling ito'y walang kamalay-malay ang dalaga na nasa ibabang mundo siya.

Nakita niya ang kanyang bistida ay hindi na maaaring magamit pa dahil sa pag-punit ni Solomon. Marahan niyang inabot ang pang'itaas na kasuotan ni Solomon at isinuot ito. Kahit papaano'y nabawasan ang lamig na nadarama niya.

Sa pagkakaupo sa tabi ni Solomo'y natigilan siya. "You're beautiful..." Bulong niya sa hangin at marahang idinampi ang mainit na palad nito sa pisngi ng lalaki.

Inilapit niya ang labi nito sa tenga ng lalaki kasabay ng pabulong.. "I love you..." Bigkas niya sabay dampi rin ng halik sa pisngi nito.

Napangiti si Emerald. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

Ngunit...

Sa isang iglap ay nawala ang guhit sa kanyang mga labi...

Nang madinig nito ang sagot ni Solomon.

"I love you, Red..." Tila nananaginip na bigkas ng lalaki.

Napahugot ng hininga si Emerald at napuno ng kalituhan ang kanyang isipan.

Dali-daling bumuo sa isipan niya na baka ang nasa isipan ng lalaki ay ang babaeng nag mamay'ari ng pangalang Red at hindi siya.

Ginugulo ng isipan niya ang kanyang damdamin na ang lahat ng pangyayaring ito'y nakatakda kay Red at hindi sa kanya.

Maluha-luha ang kanyang mata. Wala siyang kasagutan. At hindi rin niya nais malaman ang dahilan.. Natatakot siya na higit siyang masasaktan kung totoo nga ang bumubuo sa kanyang pag-aakala.

Tahimik siyang tumayo sa kama. Sinisigaw ng isipan niyang kailangan niyang umalis rito sa lalong madaling panahon.

Ilang segundo niyang tinitigan ang mukha ng lalaki na tila sinasaulo ito sa'pagkat hindi na niya ito makikita pang muli.

Nang biglang gumalaw ang kamay ng lalaki ay ikinabigla niya na baka ito'y gising na.

Dali-dali siyang kumaripas ng takbo palabas ng silid. Buong pwersa niyang tinulak ang malaking pinto at nagmamadaling lumayo sa lugar na iyon.

Nakailang hagdan siya bago makarating sa ikalawang palapag. Hindi niya lubos maisip na napakataas ng kinalalagyan ng silid ng lalaki. Magpapatuloy na sana ito ng pagbaba sa hagdan...

Nang matigilan siya sa gitna ng hagdan at masilayan ang isang napakalaking larawan.

Nang matigilan siya sa gitna ng hagdan at masilayan ang isang napakalaking larawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon