EP ③③ (part2)

9.4K 275 46
                                    

"May I give you a kiss on your neck?"

Tila may bultaheng dumaloy sa mga ugat ni Emerald ng madinig ito. Kusang gumalaw ang katawan nito at binigyan ng isang halik ang lalaki upang magsilbing sagot sa tanong ng lalaki.

Dumampi ang mainit na labi ni Emerald sa labi ni Solomon. Naintindihan ng lalaki ang kasagutan ng dalaga, kung kayat dali-daling itinulak ni Solomon ang katawan ni Emerald paangat upang makabangon ang lalaki. Nang makabangon ay mabilisan niyang ibinagsak ang katawan ng dalaga.

Nabigla si Emerald sa pagkakabagsak niya sa malambot na kama nito. Hindi siya nasaktan ngunit kumabog ang kanyang damdamin, tila seryoso ang lalaking nasa ibabaw na nito ngayon.

Ngunit nang masilayan niya ang pulang mata ng lalaki ay nakadama siya ng tila nanununaw na aura sa kanyang paligid.

Pinatubo ni Solomon ang matutulis nitong kuko. Ilang saglit lamang ay itinapat nito ang kuko ng kanyang hituturo sa bistida ni Emerald at marahan niyang pinunit ang telang bumabalot sa katawan ng dalaga.

Nakadama ng nerbyos si Emerald ngunit hindi niya nais huminto ang lalaki. Napapikit siya nang bumaon ang kuko ng lalaki sa kanyang balat. Gumuhit ang galos sa mamula-mulang balat ng kanyang tyan. Mahapdi ito ngunit tinitiis niya.

Nanatili parin siyang nakapikit hangang sa madama ng kanyang katawan ang malamig na balat ng lalaki na nag bibigay mensahe sa kanya na sila'y wala ng saplot.

Ilang sandali ay nadama niya ang kamay ng lalaki na hinahaplos ang galos sa kanyang tyan.

Napakunot ang noo niya sa hapdi nito. Agad naman siyang napadilat nang madama niyang unti-unting yumuyuko ang lalaki patungo sa kanyang ibaba.

Agad siyang bumangon upang pigilan ito. Ngunit natigilan siya nang ang mga labi ng lalaki ay patungo sa galos na namuo sa kanyang tyan.

Marahang hinalikan ng lalaki ang mga galos nito at kinalaunan ay nilinis niya ang dugong kumalat sa parte nito. Namangha si Emerald sa'pagkat nang matapos itong gawin ni Solomon ay unti-unting nag hilom ang galos.

Ngunit agad rin siyang napahinga ng malalim nang gumapang paangat si Solomon patapat sa kanyang mukha.

Ibinaba ng lalaki ang kanyang ulo at inilapit nito ang kanyang labi sa tenga nito kasabay ng pagbulong ng mga katagang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ibinaba ng lalaki ang kanyang ulo at inilapit nito ang kanyang labi sa tenga nito kasabay ng pagbulong ng mga katagang. "Stick out your neck.."

Hindi mawari ni Emerald kung ano ang balak gawin ng lalaki kusa na lamang niyang ginawa ang iniuutos nito. Ipinalitaw niya ang kanyang leeg sa parte kung saan bumulong si Solomon.

Nang lumitaw sa paningin ng lalaki ang malambot at makinis na leeg ng dalaga ay marahan itong dinampian ni Solomon ng malumanay na halik tsaka muling bumulong sa tenga ng dalaga. "This will hurt you a bit.."

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now