••FINALE••

12.1K 245 77
                                    

"Don't leave me behind..."

"SHE NEEDS AIR IN HER LUNGS!!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"SHE NEEDS AIR IN HER LUNGS!!"

Napatigil saglit si Solomon at mabilis ibinaling ang tingin kay Giblet na siyang may'ari ng tinig na iyon.

Nasilayan ni Solomon na iba ang kulay ng isang mata ni Giblet. At agad niyang napagtanto na marahil sinusuri ng lalaki si Red.

"What do you mean?" Mahinang tugon ni Solomon dahil sa kawalan ng pag-asa.

"Ang puso nito'y kinakailangan ng hangin. Nang huminto sa pagbuga ang kanyang puso'y huminto rin ang kanyang baga." Lumapit si Giblet at hinawakan ang katawan ni Red upang kumpirmahin ang isang bagay. "Kasalukuyan paring mainit ang kanyang katawan. At sa aking palagay ang dugong dumaloy sa kanyang puso ay unti-unting hinihilom ang kanyang pangangatawan."

Nabigla si Solomon sa sinabi ni Giblet kung kaya't dali-dali niyang kinumpirma ang sinasabi ng lalaki.

Mabilis niyang sinuri ang katawan ni Red. Ganoon pari ang sitwasyon ng dalaga malaki parin ang galos na natamo nito ngunit sa parte ng kanyang katawan kung saan umagos ang dugo ni Solomon.. Ang hiwa sa parte ng kanyang puso ay unti-unting nabubuo.

Ang dugo ni Solomon ay nagmimistulang laman na tumatakip sa hiwa na naroon sa puso ng dalaga.

Bumilis ang tibok ng puso ni Solomon at sinulyapan si Kael. "Maaari mo bang buksan ang daluyan ng kanyang hininga?" Mabilis nitong tanong.

Ngunit napailing si Kael pagkat hindi pa nito nagagawa ang ganoong bagay.

Hangang sa muling sumingit si Giblet. "Kung iyong pahihintulutan, maaari kong bugahan ng hangin ang kanyang puso't hingaan."

Hindi umimik si Solomon. Alam niyang ninais ni Bonzo ang mapaslang ang dalaga.

Nadama ni Giblet ang alinlangan sa presensya ni Solomon. Kung kaya't agad niya ring sinabi. "Ako ang bumangit sa aking kamahalan na nararapat mapaslang ang nilalang na ito, ngunit sa aking kapabayaan, hindi ko kaagad sinuri ang katotohanan at agad hinusgahan ang kaganapan. Subalit nakikiusap ako, ibigay mo sa akin ang iyong pagtitiwala. Sa ngalan ng aking Hari, hinihingi ko ang kapatawaran at hayaang lunasan ang iyong pighati.." Magalang na sabi nito kasabay ng pagyuko.

"Handa kong isuko maski ang aking dignidad, muli ko lamang madinig ang tinig ni Red." Pagsuko ni Solomon sa kanyang pride buhat sa pagtataksil ni Bonzo.

Agad namang ipinatong ni Giblet ang kanang kamay nito sa itaas na parte ng likuran ng dalaga at marahang bumigkas ng salitang pang mahika.

Hindi naging mahirap para kay Giblet ang pasukan ng hangin ang katawan ni Red pagkat ang tinataglay ng dugo ni Solomon ay ang hangin na siya nang pumapalibot na rin sa buong puso ni Red.

Ilang sandali pa'y humigot ng malalim na hangin si Red at tumibok ng napakalas ang kanyang puso pinapadaloy ng puso nito ang katiting na dugong kanyang natangap.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now