••EPISODE ③❹•• "The End"

10K 263 22
                                    

"Pain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Pain.."

Agarang kumunot ang noo ni Emerald pagkat hindi nito alam ang pinag mulan ng katagang binitawan niya.

Napatitig naman si Garbora sa dalaga. At ilang saglit ay muling gumuhit ang matulis na ngiti sa kanyang labi. "How fortunate..." Sambit nito pagkat ito ang kauna-unahang nadinig niya ang tinig ni Red. "Muli kong hinahangad na madinig kung gaano kaganda ang iyong sigaw, Binibini..." Muling bulong ni Garbora sa hangin.

Napagapang paatras si Emerald sa kanyang kinauupuan. Hindi niya mawari ngunit kinasusuklaman nito ang kulay puti.

Nawala ang ngiti sa labi ng diablo at mariing sinabi. "Ngunit hindi na maaari, sa'pagkat nais kong wakasan ang iyong buhay sa lalong madaling panahon..." Napatitig siya sa kanyang kamay habang nilalaro ang mga kuko nito. "Nais kong masaksihan ni Phantom ang walang buhay mong katawan.."

Nanginginig ang bawat parte ng katawan ni Emerald. Takot na takot ito sa hindi malamang dahilan. Nais niya tumayo ngunit nawalan ng lakas ang kanyang mga binti. Pilit niya man ay tila nanigas ang mga ito.

Natigilan si Garbora sa paglalaro sa kanyang kuko at marahang napatingin kay Emerald. Napaangat ang dalawang kilay ng lalaki tsaka pabirong sinabi. "At saan mo naman nais tumungo, Binibini?"

Napahugot ng malalalim na hininga si Emerald pagkat tuluyan nang naging manhid ang kanyang buong katawan. Ni hindi niya narin madama ang kanyang mga daliri. Maski ang bunga-nga nito ay hindi sumusunod sa nais niya.

Tila sinasakal ang kanyang impresyon nang mag-umpisang humakbang si Garbora patungo sa kanya.

Patuloy parin sa paghakbang si Garbora at nang makalapit ito sa dalaga ay marahan niyang iniyuko ang katawan nito upang mapatapat sa nakaupong dalaga.

Nang mag tapat ang mga mata ni Emerald sa pulang mata ni Garbora ay mabilisang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi nito alam ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

Napangiti naman ang diablo nang makita ang takot na takot na impresyon ng babae. "Ano't tila ikamamatay mo ang aking paglapit..?" Pabiro muli niyang sabi.

Ngunit sumeryoso ang mukha ng diablo nang madama ang mabilis na paggalaw ni Solomon patungo sa kinatatayuan nila.

Dali-dali niyang hinugot ang napakatulis na patusok mula sa kanyang bulsa.

Inangat niya ito ng napakataas at nakatapat sa puso ni Emerald.

"Paumanhin, ngunit hindi ko nais makipaglaro sa mga oras na ito." Seryosong sambit ni Garbora na mayroong pagtitimpi sa kanyang tinig.

Akmang isasaksak na ng Diablo ang patusok sa dalaga.. Hangang sa isang iglap ay dumating si Solomon.

Buong pwersang itinulak ni Solomon ang katawan ni Garbora papalayo kay Emerald ngunit hindi nito naiwasan ang isang bagay..

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now