EP ①⑨ (part3)

12.4K 374 48
                                    

Ilang oras pa ang lumipas hindi parin nakakabalik si Bonzo.

Dahil sa lamig at katahimikan ay nakatulog si Red sa tabi ni Giblet.

Hindi nito namalayan na napahimbing ito sa pagtulog.

At sa pagmulat ng kanyang mga mata ay sumalubong sa kanya ang tahimik at madilim na paligid.

Napalingon siya upang hanapin ang katabi.

Ngunit wala na roon si Giblet. Inilibot niya ang kanyang paningin upang hagilapin si Giblet o baka naroon na si Bonzo.

Ngunit sa pagbaling niya ng tingin ay napamulat ng maluwang ang kanyang mga mata.

Sa dako kung saan pumasok si Bonzo kanina.

Ang kulay-lila na portal ay unti-unting nag lalaho.

Lumiliit ito.

Unti-unti ring dumidilim ang kanyang kapaligiran sa'pagkat nawawala na ang sinang na nag mumula sa portal.

Napatayo siya. Agad niyang pinilit ang sarili na mag isip.

Kung mawawala ang portal hindi niya matitiyak na mababalikan pa siya ni Bonzo. At hindi rin niya alam kung naroon pa si Giblet.

Isa lamang ang pumasok sa kanyang isipan.

Ang pumasok sa loob ng portal. Wala na siyang ibang maisip sa'pagkat halos wala na ang portal sa kanyang paningin.

Dali-dali siyang tumakbo papalapit rito. Mas mabilis pa sa normal nitong galaw upang mapang-abot ito.

Inisip niya na kung naroroon pa si Giblet ay kaya naman nitong sumunod kung saan man siya dadalhin ng portal na papasukan niya kung saan naroroon si Bonzo.

Ang butas ng portal ay kasing liit na lamang ng isang kamao.

Hindi alam ni Red kung maaari pa siyang makapasok sa ganoong kaliit na butas.

Inunat nito ang kanyang kamay upang maabot sa tamang oras ang maliit na butas ng portal.

Patuloy siya sa pagtakbo.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari.

Ang butas ng Portal...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ay tuluyang nag laho.

Nanlaki ang mga mata ni Red. Hindi niya ito naabutan. Napapikit siya ng mariin. Nagsisisi siya dahil umidlip pa ito.

Nawala sa balanse ang kanyang takbo dahil mabilis ito ay hindi niya agad napatigil ang sarili sa paghakbang.

Napamulat siya ng mata nang biglang lumitaw ang napakalaking butas sa kanyang harapan. Muling bumalik ang portal sa pwesto nito at sa dati nitong laki. Hindi alam ni Red ang nangyari.

Dahil sa hindi nito pagbalanse ay dumikit ang daliri niya sa butas ng Portal.

Nagliwanag ang nakakabulag na sinag sa kanyang paningin papasok sa portal. Napapikit ito at naramdamang bumagsak ang kanyang katawan dahil sa pagkakatumba nito sa mali niyang pagbalanse.

Naramdaman ng palad niya ang sementong sahig.

Nakaamoy ito ng maaliwalas na ihip ng hangin.

Minulat niya ang kanyang mga mata..

Namangha siya sa kanyang nakikita.

Hindi niya alam ang lugar na pinasukan nito mula sa portal. Ngunit nakasisigurado siyang nasa tore siya ng isang malaking kastilyo.

 Ngunit nakasisigurado siyang nasa tore siya ng isang malaking kastilyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now