••EPISODE ⑨•• "I'm here"

18.8K 504 1
                                    

"What's this?!"

Sa labas ng shop sa may eskinita kung saan lumapag sila Red at Kael.

Pinagmamasdan ni Red ang napakalaking kulay black at violet na portal.

Dito nakita ni Red na pumasok ang mga ilusyong paniki ni Phantom. Hindi matanto ni Red kung ito ba ay totoo o hindi kaya muli siyang humakbang.

Humakbang papalapit sa portal. Inabot niya ang kanyang kamay upang mahawakan ito.

Bago dumikit ang kanyang kamay ay lumingon muna ito. Tinatanaw niya kung naroon na si Kael.

Kasabay ng kanyang paglingon ang pag dampi ng kanyang kamay sa portal.

Nabigla siya. Nakaramdam siya ng pinaghalong lamig at init. Nagdilim saglit ang kanyang paningin.

Lumingon siya agad upang tignan ang portal.

" ! " Ito lamang ang impresyong makikita sa kanyang mukha..

Nakita niya ang kanyang paligid ay nasa malaking pintuan na ng palasyo.

"B-but.. How?..."

Tila naliligo sa dugo ang palasyo. Napakaraming bangkay sa paligid.

Bitbit ang maliit na kahon. Nag disiyon siyang pumasok upang malinawan ito o makita ang buong kaganapan.

Ngunit ang mas gumulat sa kanyang gunita. Sa harap ng kanyang murang paningin.

Lumalantad ang pira-pirasong katawan at mga balat ng ibat-ibang uri ng nilalang. Nais niyang masuka ngunit sa takot ay lumambot ang kanyang tuhod at tuluyan ng napaluhod. Nagbitiw ito ng isang napakalakas na sigaw kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

"Who?!" Pagsasaisip niya habang umiiyak. "Who did this brutal thing t-"

Natigilan siya nakita niya ang kalahating katawan ng isang kasambahay na kadalasan ay nag lilinis ng kanyang kwarto. "Daera?!" (Day-ra) Pagkaalala niya sa pangalan nito.

Nakagat niya ang ibabang parte ng kanyang labi. Pinigil niya ang malakas na hagulgol sa kanyang pag-iyak.

Napapikit siya nang maramdaman ang pagputok ng kanyang labi dahil sa labis na pagdiin ng kanyang mga ngipin. "I-it's horrible !"

"Who did th---"

Natigilan siyang muli. Tumigil sa pag-patak ang kanyang luha. "S-Solomon !"

Dali-daling napatayo siya. Pinulot niya ang kahong nabitiwan niya kanina dahil sa kanyang pagluhod. Nilingon-lingon niya ang paligid. "Solomon!!"

Tila nawala siya sa sarili. Mabilis na nagpapalit-palit ng dereksyon ang kanyang mata. Kaliwa-kanan-kaliwa-kanan.

"Solomon?!" Sigaw niya. Halos pumiyok na ang kanyang boses.

Gumagapang ang dugo sa kanyang labi. Hindi niya ininda ang pagkirot nito sa kanyang pag-sasalita.

Nang hindi niya makita si Solomon (Phantom) ay dali-dali niyang inakyat ang hagdan. Pumunta ito sa limang palapag kung saan niya huling nakita si Solomon, sa silid aklatan.

Naghihingalo siyang dumating sa silid binuksan niya ang pinto.

Lumantad sa harap niya ang nakabukas na malaking bintana.....

Wala rito si Solomon.

"Solomon!!" Muli niyang sigaw.

Alam niyang maririnig siya nito sapagkat marami siyang paniki na nakakalat sa palasyo.

Tumalikod siya at muling tumakbo. Bitbit pa rin niya ang maliit na kahon.

Hindi alintana sa kanya ang mga bangkay sa brutal na paraan. Ang iba pa rito ay kanyang natatapakan.

Wala siyang pakialam. Ang tangin umiikot lamang sa kanyang isipan ngayon ay ang mapuntahan kung nasaan man si Solomon.

At sa pinaka mataas na palapag ng kastilyo.

Napahinto si Red..

Sa harap ng malaking pintuan.

Sa silid kung saan namamahinga si Solomon.

Nanigas ang kanyang mga tuhod at halos hindi makagalaw.

Sa likod ng pintong ito.

Dito ay nararamdaman niyang muli ang aura na kanyang naramdaman bago sila umalis ni Kael. Napaisip na siya.

Nahulaan na niya kung sino ang may gawa nito. Ito ay ang nilalang na nagmamay'ari sa ganitong aura.

Nilakasan niya ang loob at nangingig na binuksan ang pinto.

Hindi niya alam kung kanino o kay Solomon ba ito nang gagaling pero..

Isa lang ang sinisigurado niya...

Nais niyang masilayan...

at matukoy ang kinalalagyan

ni Solomon.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon