••EPISODE ③❷•• "Solomon's WRATH"

8.7K 231 14
                                    

"Kung ganoon ay ako pala ang iyong ipinunta?" Sambit ni Bonzo nang makitang nasa baba na ng hagdan si Solomon habang ito ay pababa pa lamang.

Hindi ininda ni Solomon ang sinabi ni Bonzo at agad na sinambit ang pakay nito. "Nabangit sa akin ni Kael na naroon ka sa aking kaharian kasama ang diablo ilang oras lamang ang nakakalipas."

Napaangat nang kaunti si Bonzo upang mas babaan ang tingin sa lalaking nasa baba ng hagdan. "-oh?.. At ano sa tingin mo ang karapatang mayroon ka upang malaman ang dahilan?"

Kumunot ang noo ni Solomon. "Kung gayo'y tama nga ang hinala ni Kael..."

Napangiti naman ng kaunti si Bonzo. "Iyon na nga.." Maikli niyang sabi.

Kumalma ang impresyon ni Solomon. "Ngayo'y hinahangaan ko ang kakayahan mong mahanap si Garbora sa maikling panahon. Hindi maipagkakailang ika'y tulad niya ring Diablo." Sambit nito. "Hindi ko pakikialaman ang kung ano mang koneksyon ang mayroon ka kay Garbora. Ngunit huwag na huwag kang mangengealam sa kung ano man ang hidwaang mayroon sa aming pagitan." Mapupungay ang mga mata ni Solomon habang sinasabi ito.

Sumeryoso rin si Bonzo. "Iyan ba ay isang babala?"

Hindi umimik si Solomon.

Bumuntong hininga si Bonzo dahil sa katahimikan ni Solomon. "Makakaasa ka." Sagot na lamang niya. At muling humakbang pababa ng malawak na hagdan.

"At isa pa nga pala.." Sambit ni Solomon na ikinahinto ng paghakbang ni Bonzo. "Huwag mong idadampi muli ang maski daliri mo sa pagmamay'ari ko.." Mahinahon nitong sabi.

Napakunot ang noo ni Bonzo. "Pagmamay-"

Naputol ang ano mang sasabihin ni Bonzo nang napakabilis na umihip ang matulis na hangin sa gilid ng kanyang leeg.

Nang madama ni Bonzo ang daplis na hiwa sa kanyang leeg ay gumuhit ang matulis na ngiti sa kanyang labi. "Oh-dear..." Sambit nito at pinunahas nito ang pumatak na dugo sa damit sa gawing balikat niya.

"Sa susunod, ikalulugod kong pugutan ka kung hindi man tayo nagkakaunawaan." Malamig parin ang impresyon ni Solomon.

Ilang sandali ay tumalikod na ito upang pumatungo sa kinaroroonan ni Kael at Garbora.

Sumigaw si Bonzo.

"May mga babalang kailangan ring suwayin upang matupad ang ano mang nakatakda! Pakatatandaan mo iyan, Phantom!"

Napahinto si Solomon at lumingon ito upang silipin si Bonzo.

"My name is SOLOMON.." Bangit nito na nag papahiwatig na tinangap na nito ang pagpapangalan sa kanya ni Red.

Natahimik lamang si Bonzo. Pagkat dati-rati ay naiirita si Solomon nang tinatawag niya ito sa ganoong pangalan.

Tuluyan na ngang naglaho si Solomon sa mansion nito.

•••••

Sa hardin ng mansion.
Dalawang oras nang makalisan si Solomon.

Nag tsa-tsaa si Bonzo habang si Giblet ay nakatayo sa kanyang likuran. "Hindi ko inaasahang naroon si Kael." Sambit niya.

Hindi naman umimik si Giblet.

Pinapaikot ni Bonzo ang hintuturo nito sa bunganga ng tasa na kanyang iniinuman. "We must end this soon.." Sambit niya kasabay ng biglang pagbasag ng tasa. Kumalat ang tsaa sa mesa patulo sa sahig.

Hindi parin umiimik si Giblet. Nang matapos kausapin si Solomon si Bonzo nang malaman nito ang sitwasyon ni Emerald ay dali-daling nagtungo si Bonzo sa lugar kung saan naroon si Garbora gamit lamang ng mahiwaga nitong portal. Hindi inakala ni Bonzo na patungo sa mga oras na iyon si Garbora sa kaharian ni Solomon.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now