••EPISODE ①⑦•• "Solomon's Past: TORMENT"

13.5K 339 11
                                    

"Please stop, Your Majesty.." Giit ni Giblet.

Nasa labas na sila ng beanery na kanilang kinainan.

Pilit na hinuhubad ni Bonzo ang coat ni Giblet.

"This is despicable ! Therefore, I will not tolerate this any further.." Sagot ni Bonzo sa pakiusap ni Giblet. Patuloy niyang hinihila hangang sa mapunit ang damit nito. "Tsk! I might as well forbid you to wear any garments from now on!"

Natigilan si Giblet. "How rude of you, Your Majesty. I'd rather dig my own grave.."

Inalis ni Bonzo ang kamay na nakahawak sa coat ni Giblet at dali-daling hinawakan naman ang collar nito. "Matagal ka ng nakahukay dahil sa ginagawa mo! Ang hinihintay mo na lamang ay ako, para ibaon ka...!"

Naagaw ang atensyon ni Red sa bulsa ni Bonzo. Lumobo rin ito ng kagaya kay Giblet.  "Huh, isn't he doing the same???" Pagsasaisip niya.

"But, Your Majesty.. Pockets are made for these purposes." Sambit ni Giblet.

"No! They're not..! Pockets are not some kind of food container..! You dimwit!" Sabat naman ni Bonzo.

"Then, what is in those pockets?" Sabat naman ni Red sabay turo nito sa mga bulsa ni Bonzo.

Natigilan si Bonzo. Hindi nito alam ang kanyang isasagot.

Agad namang napababa ng tingin si Giblet upang kumpirmahin ang sinabi ni Red at sabi.  "Oooooohhhhh....! THAT'S A LOT... How did you manage to fit those in there, Your Majesty? I shall follow your examples.."

Dali-daling lumitaw ang ugat sa noo ni Bonzo sa nadinig na sinabi ni Giblet..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
(Long ago...)




(Sa Pwersebes..)

Sa pagbaba ni Solomon sa malalim na hagdan na tila walang katapusan ay ganoon rin kalalim ang mga sigaw at iyak na nadidinig nito.

May sumisigaw na tila nasusunog. Sigaw ng mga pinapahirapang nilalang. Namamaos na iyak na tila nag mamakaawa. Sigaw ng mga humihingi ng tulong. Malalakas na kabog ng metal sa bato. Mga tunog ng nagkumpol-kumpol na insekto. Ipis, anay, uod, gagamba, asubok, mga langam at lahat ng insektong may nakakapangilabot na anyo. Ganoon rin ang tunog ng napakaraming dila ng ahas.

Sabay-sabay ang pagtunog ng mga ito na halos nakakakilabot sa pakiramdam at nakakabingi sa pandinig. Nagmistulang kulay pula ang itim na lupa dahil sa apoy na nasa lampara pababa ng hagdan.

Habang pababa sila ng pababa ay lalong umiinit ang paligid at mas lumalakas ang mga tunog na kanilang nadirinig.

"Ano ang lugar na ito?" Hindi mapigilang tanong ni Solomon sa menistro.

Huminto sa pagbaba ang menistro. "Ito ang lugar ng mga itim na kaluluwa. Dito ang kanilang katawan ay nagiging immortal ngunit ito'y magiging higit sa sampo kesa normal ang kanilang pagiging sensitibo." Tumalikod ang menistro. "Kung baga, mas masakit ng higit sa sampong beses sa normal ang mararamdaman ng mga kaluluwang nahuhulog rito. Ang mga naririto ay ang mga makasalanang nilalang na hinatulan ng walang hangang pagdurusa." Nag simulang humakbang paakyat ang menistro habang patuloy na nag sasalita. "Depende sa kanilang kasalanan, ang iba ay walang hangang nalulunod sa kumukulong putik, ang iba'y habambuhay na pinaparusahan...."

"Punong Menistro, ikaw ba ay hindi maaring pumasok sa likod ng pintong iyon?" Tanong ni Solomon ng makitang humahakbang na pabalik ang menistro.

Tumugon ang Menistro. At nilingon ang bata. "Hanggang dito na lamang ako. Kung ako ay papasok sa pintong iyan ay kamatayan ang aking kahihinatnan." Nag bigay galang ang menistro at muling humakbang.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now