••FINALE••

8.2K 231 46
                                    

"WHAT DID YOU DO TO HER?!!"

Galit na tanong ni Solomon tsaka lumihis sa pagitan nila ni Harquin upang pumaroon sa kinauupuan ni Red.

Napangisi naman si Harquin. Gustong-gusto nito ang impresyon ni Solomon. Pinaglalaruan nito ang imosyon ng kanyang kapatid.

Mabilis na nag anyong mga paniki si Harquin at kinalaunan ay binigyan niya ng napakalakas na sipa si Solomon habang ito'y kumakaripas ng takbo.

Sa lakas nito'y tumilapon si Solomon pabanga sa mataas na bintana roon.

Nabasag ang salamin at napatilapon siya lalo sa labas ng kaharian.

Mabilis na sinundan ni Harquin ang bumagsak na katawan ng kapatid nito upang hindi magkaroon ng pagkakataong pumanhik muli sa silid si Solomon patungo sa kinalalagyan ni Red.

"Don't make it harder, My silly Brother.." Gumuhit ang matulis na ngiti nito at nanlaki ang kanyang mga mata. "YOU CLEARLY KNOW WHAT I WANT..!!" Sigaw nito tsaka muling hinampas si Solomon habang siya'y hindi parin nakakatayo.

Bumaon si Solomon sa sahig na nabitak dahil sa pangalawang hampas ni Harquin.

Kumunot ang noo ni Solomon at buong lakas itong tumayo.

Nang makalayo siya'y bumilog ang hangin sa kanyang paligid. At ilang sandali pa'y kumalat sa iba't-ibang dereksyon ang ihip nito't tila napakalakas na bagyo sa tindi.

Idiniin ni Harquin ang paa nito sa sahig upang hindi ito tangayin ng hangin. Ngunit hindi nito kayang pigilan ang paggalos ng matutulin na hangin sa kanyang katawan na marahas na gumagalos.

Ilang sandali pa'y nanlaki ang mga mata ni Harquin nang madama ang kawalan ng hangin nito sa paghinga.

Pinahinto ni Solomon ang hanging dumadaloy sa paligid ni Harquin sanhi upang hindi ito makahigop ng ano mang hininga.

••••

Samantala...

Nasilayan ni Red ang kanyang mga magulang na siyang bumuo sa pagkatao niya.

Ngunit nang siya'y maisilang ay pinaslang ng isang lalaki ang mga ito dahil sa pagkauhaw sa matamis nilang dugo.

Hindi nag tagal sa kastilyo ni Harquin ay marahang pumuslit ang lalaki ring ito at itinakas siya papalayo roon.

Ang lalaking ito'y si Solomon.

Dinala niya ito sa sarili niyang kaharian doon ay pinalaki bilang kanyang alaga na ihahain sa oras na ito'y handa na.

At nang magkaisip siya'y itinatak nito sa isipan niyang siya'y anak nito.

Muling nagpatulo'y ang kasinungalingan sa kanyang paningin.

At ni minsa'y hindi lumitaw ang ano mang magagandang ala-ala nito para sa lalaki.

Subalit tanging vision lamang ang kanyang nasasaksihan, wala itong tinig ni isa. Hindi nito madinig ang pangalan ng lalaki o maski pangalan niya. Ngunit nakakasigurado siyang ito ay mukha ni Phantom.. Ang lalaking nakilala nito sa mundo ng normal na nilalang.

Umagos pa ang napakahabang ala-ala at kusa siyang napaluha nang makita rin niyang ang lalaking ito'y pinapahirapan siya sa loob ng napakaputing silid.

Roo'y nauunawaan na niya kung bakit nito kinasusuklaman ang kulay puti. At kung bakit tila napakalaki ng papel ng lalaking ito sa buhay niya.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now