EP ③ (part2)

25.7K 732 18
                                    

🕛
🕧
🕐
🕜
🕑
🕝
🕒
🕞
🕓
🕟
🕔
🕠
🕕🕖🕗🕘🕙🕚🕡🕢🕣🕤🕥🕦

Tatlong taon na si Red sa loob ng kaharian ni Phantom.

"Mon!---------------Mon-Mon!" Masiglang sabi ni Red habang gumagapang papalapit sa nakaupong lalaki sa may teres ng bintana sa isang malaking silid. "M-Mon!!!"

" Lord Phantom.. mukhang binigyan ka ng bagong pangalan ni Red.. " hindi mapigilan ni Kael ang tawa nito. Sa'pagkat hindi pa kayang magsalita ng tuwid ni Red kaya ang ang Phantom ay naging Tom na naging Mon sa pagkakabigkas ni Red. " ahahahahhaa!" Malakas na halakhak ni Kael hindi nito inaasahan ang unang salitang binigkas ni Red ay Mon. At yun pa ang tawag niya sa mataas na Hari.

Inangat ni Phantom ang isang kamay nito at dahan-dahan niyang itinutupi ang hiwa-hiwalay niyang mga daliri. "Hmmm.. mas maganda kung ganyan ka katahimik. "

Kasabay ng pagyupi ng mga daliri ni Phantom ang unti-unti ring pagtigas ng bawat muscle ni Kael sa mukha at buong niyang katawan. Hindi ito makagalaw at nananatiling nakanganga ang labi niya dahil sa malakas na pagtawa nito kani-kanina.

Natahimik ang paligid. Ibinaling ni Phantom ang tingin kay Red na patuloy sa pag-gapang papunta sa bintanang inuupuan niya. Nakatagilid siyang nakaupo rito, nakataas ang isang paa at nakalaylay naman ang isa.

Nang malapit na ang bata ay kumapit ito sa nakalaylay niyang kanang paa. Gustong akyatin ni Red ang mataas na binting hinahawakan niya ngunit 'di niya magawa. Inangat na lamang niya ang maliit niyang bilog na ulo. "Mo-Mon!" Tawag niya kay Phantom nang magkasalubong ang mga mata nilang dalawa.

"Tch.. " bulong ni Phantom sa hangin habang pinag mamasdan ang bilugan at tila nagmamaka'awang mata ni Red na nakakapit sa ibaba ng kanyang paa.

Mahigit isang taon nang hinahanap-hanap siya ng bata. At halos tila uhaw sa kanyang atensyon. Sa tuwing bumabalik siya sa palasyo galing sa labas ay lagi itong gumagapang patungo sa kinalalagyan niya.
_____________________________
🕛
🕧
🕐
🕜
🕑
🕝
🕒
🕞
🕓
🕟
🕔
🕠
🕕🕖🕗🕘🕙🕚🕡🕢🕣🕤🕥🕦

Limang taon na si Lady Red at kayang-kaya na niyang sundan ang bawat galaw ni Phantom kung nasa normal na paglalakad ito.

"Mon!...." Tawag niya habang nakabuntot kay Phantom. "Mon...." Muli niyang tawag. "PhanMon!!!" Sigaw ni Red nang hindi parin siya nililingon ni Phantom.

"Pfft!---ahahahahaha!!!"

Bumulaga ang malakas na tawa sa atensyon ni Red. At agad itong napalingon.

Lumaki ang bilog na mata ni Red at tumakbo papalapit sa tumatawang lalaki. "K-Kayl !! " (Kael) tawag nito na may sabik na tinig. Tinatakbo niya ang 'di kalayuang agwat nilang dalawa. "Yey! .. D-dal-mo miylk nie Red?" Agad na sabi ni Red nang mayakap nito ang binti ni Kael. Malambing na tumugon lang si Kael at kinarga ang limang taong bata.

(("Yey! .. Dala mo milk ni Red?"))

Habang dere-deretsyo lamang si Phantom sa pag lalakad papasok sa pinto ng kanyang kwarto.

"Ah!" Napatigil si Red. "Mo-Mon!" Muling pagtawag ni Red sapagkat nais niya muling makatabi sa pagtulog ang Hari. Ngunit huli na siya. Tuluyan nang naisarado ni Phantom ang malaking pinto ng kanyang silid.

Nakita ni Kael ang lungkot na bumabalot sa mukha ng bata. "Red? Napagod lang siguro si Lord Phantom sa pagkulit mo sa kanya buong magdamag habang wala aq at naghahanap ng inumin mo." Pag-susuyo ni Kael. "Sa akin ka muna matulog ngayong gabi.."
______________________________
🕛
🕧
🕐
🕜
🕑
🕝
🕒
🕞
🕓
🕟
🕔
🕠
🕕🕖🕗🕘🕙🕚🕡🕢🕣🕤🕥🕦

Pitong taon na si Red.

Nagulat si Phantom nang maimulat niya ang mga mata ng umagang iyon. Bumungad sa kanya ang makintab na pulang buhok ni Red at ang matamis na amoy ng kanyang dugo. "Tch!" Agad siyang napaupo.

Nakita niya ang hubad at batang katawan ni Red. Tanging underwear pang ibaba lang nito ang suot'suot.

Ipinitik ni Phantom ang dalawang daliri nito sa harapan ng mahimbing na mukha ni Red. At walang ano ay agad na gumising si Red. Napaupo ang bata at kinukuskos pa nito ang isang kamay sa kanyang mata. "G-Good Morning Phantom... " maluwag ang ngiting sinalubong niya kay Phantom.

Hindi siya binati ng lalaki at malamig nitong sabi. "Paano ka nakapasok rito?!" Naiirita niyang sabi.

Ngumiti uli si Red at itinuro ang maliit na butas sa kwarto nito. "Ginawaan ako ni Kael ng maliit na pinto para makapasok rito.." Malambing nitong sagot.

Nilingon naman ni Phantom ang itinuturo ng bata. Nang makita niya ito ay agad niyang ibinalik ang tingin sa bata. "Malaki kana! Hindi mo na kailangang makitabi sa kahit nino man.." Naiirita niyang sambit at dali-dali siyang tumayo. Kinuha nito ang bathrobe at ibinalot sa hubad niyang katawan. "Kael.. Bigyan mo ng sapat na kwarto si Red at sanayin mo na siyang matulog ng mag'isa." Sabi ni Phantom sa paligid sa'pagkat alam niyang nasa paligid lamang ng silid niya ang isa sa mga paniki ni Kael.

Pinitik muli ni Phantom ang hangin at nagbukas ang malaking pinto. Isa-isang nagsipasok ang anim na kasambahay at inumpisahang ayusin ang kwarto nito.

Mangiyak'ngiyak ang mga mata ni Red ng umagang iyon. Wala siyang magawa kundi tumahimik.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now