••EP ❷⓪ (part2)••

11.1K 370 21
                                    

Bumuntong hininga si Bonzo nang madinig ang sagot ni Solomon.

Hindi niya alam ngunit tila hindi niya nagustuhan nang malamang tunay ang hinala niya sa damdamin nito kay Red.

"Makinig kang muli sa aking sasabihin." Muling sabi ni Bonzo. "Dadalhin ko si Red sa kanyang mundo. Habang ikaw ay mananatili kay Harquin upang tapusin ang nais niyang pagsakop."

"Aalisin ko ang lahat ng iyong memorya tungkol kay Red.. Upang hindi makita ni Garbora ang iyong kahinaan."

"Ngunit wala kang dapat ipangamba. Limang taon mula bukas ay ibabalik ko ang iyong ala-ala. At nasasa-iyo na kung muli mo siyang babalikan o mag papatuloy ka sa tabi ni Harquin." Seryoso ang mukha ni Bonzo.

Nilingon ni Solomon ang kausap sa gilid ng kanyang mga mata. Pinag-aaralan nito ang impresyon ni Bonzo.

Inisip ni Solomon na maaaring tama ang sinabi ni Bonzo sa'pagkat si Harquin ang klase ng nilalang na sakim sa kapangyarihan at atensyon.

Kumirot ang puso ni solomon sa kanyang napiling desisyon. "Sa anong paraan ako makasisiguro na tutuparin mo ang iyong mga sinabi?"

"Sa ikalimang taon mula bukas. Kung hindi napawalang bisa ang sumpa sa iyong ala-ala..." Itinuro ni Bonzo ang sarili nitong puso. "Ang aking puso ay hihinto sa pagpintig kasabay ng pag-walang bisa ng sumpa."

Nakumbinsi si Solomon sa nadinig. Nang pumanaw ang ina nitong si Maria ay nakilala niya si Bonzo at ito'y nananatiling walang linaw hangang sa ngayon.

Nagdesisyon na si Solomon. "Kung gayon, maaari ko ba siyang makita bago ako tumungo sa kastilyo ni Harquin?" Sabi nito sa tila nagdadalawang isip na tinig.

Tumugon si Bonzo. "Ngunit dapat kang magmadali.. Dahil kung hindi, makikita ni Garbora ang koneksyon mo sa tao at natitiyak kong hindi iyon magiging madali upang malusutan." Babala nito.

"Kamahalan, wala na tayong natitirang oras." Singit ni Giblet.

Nagulat ang dalawa sa nadinig at agad napalingon sa sulok kung saan lumitaw ang portal na nilabasan ni Bonzo.

Nakita nilang kakalabas lamang ni Giblet sa portal.

Nang makalabas ng buo si Giblet ay agad na nag sara ang kulay-lila na liwanag sa portal.

Ngayon lamang nakakita ng ganoon si Solomon. "Ano ang bagay na iyon?" Tanong nito.

"Iyan ang portal patungo sa iisang dereksyon. Iyon ay aking binuksan mula sa reyno ng mga diablo." Sagot ni Bonzo.

Napatigil saglit si Solomon. "Kung gayon naroroon si Red?" Pabigla niyang tanong na may halong pag-aalala habang naiisip na mag-isa lamang ito.

Binaling muli ni Bonzo ang tingin kay Giblet. "Bakit mo iniwang mag-isa si Red, Giblet?" Mahinahong tanong nito sa'pagkat alam niyang may mahalagang bagay itong dahilan kung bakit.

Nagbigay galang si Giblet sa dalawang nakatataas sa kanya bago muling nagsalita. "Naririto na si Garbora at Serpent ((ahas ni Gabora)) kasama nila si Mando ((kanang alagad ni Harquin)) at Kael."

Nanlaki ang mata ni Solomon nang malamang kabilang rito si Kael.

Kumunot ang noo ni Bonzo. "Kael? Hindi ba't siya ay iyong kadugo at ang iyong kanang alagad, Phantom?"

Nawala ang impresyon sa mukha ni Solomon. "Nang kami'y makarating sa reynong ito ay nagkahiwalay ang aming mga landas.. Nang matapos kong mapaslang si Haustine ((nakatataas ng buong Magice)) ay hindi ko narin naramdaman ang kanyang prisensya." Sagot ni Solomon na halos isang araw niyang hindi nahagilap si Kael.

Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)Where stories live. Discover now