••EP ③⓪ (part3)••

8.7K 268 18
                                    


"How dare you..." Sambit ni Emerald nang huminto na si Solomon sa pagtawid sa bawat dambuhalang puno. "Ang sabi mo'y isang beses lamang?!" Naghahabol hininga siya dahil sa pagod nito kakasigaw. Iba-iba ang dereksyon ng gutay nitong buhok at mayroon ng punit ang palda ng bistida nito mula sa mga sanga ng puno. "You're a monster..!" Dugtong niya.

Napasilip pababa si Solomon habang buhat-buhat parin ang dalagita. "I AM a monster." Sambit nito at marahang ibinaba ang dalagita sa sulok ng matabang sanga kung saan nakakasigurado siyang masusuportahan at makakatayo ng kampante ang babae. "This is a safe spot so, don't be afraid.." Mahinang
dugtong nito.

Kumunot ang noo ni Emerald. "I think... The one I should be afraid of is you, PHANTOM..!" Marahas na sagot ni Emerald nang may diin sa huling kataga.

Nang madinig ito ni Solomon ay pumungay ang kanyang mga mata. Napaangat ng kaunti ang kanyang ulo at pababang nakatingin sa babae. "Did I give you the right to call me by my name..?" May seryoso sa tinig nito na tila ba hindi niya nagustuhan ang pagbigkas nito sa kanyang pangalan.

May kumirot sa damdamin ni Emerald nang madinig nito ang malalim na tinig ng lalaki. Napaiwas ito ng tingin sa kanya dahil sa pagkakapahiya. Hindi nito alam na sensitibo ang lalaki sa kanyang pangalan.. "A-I'm sorry.." Bitin niyang sabi.

Natauhan si Solomon sa ginawa nito nang makita ang reaksyon ni Emerald. Hindi na niya nakontrol ang damdamin at hindi rin niya sinasadya ang sinabi nito. Nasanay lamang siya na ang binibigkas ng katauhan ng babaeng iyon ay ang pangalang Solomon.

Napabuntong hininga na lamang ang lalaki at sabi. "I should take you back to the mansion.." Pag-iwas na ni Solomon sa sitwasyon.

Nabigla si Emerald at dali-daling tumingin sa lalaki. "No!.. Not now.." Pagtutul nito. "Maybe, later.." Dugtong niya sa mahinang tinig. Kasabay ng pag-iwas muli ng kanyang mga mata. "I wont call you by your name, so please.." Hindi matanto ni Emerald ang sinasabi niya subalit malakas ang bulong ng kanyang isipan na manatili sa tabi ng lalaki sa mahabang sandali.

Nakatitig lamang si Solomon at hindi na sinagot pa ang dalaga. Ilang sandali ay humakbang siya papalapit sa sulok ng sanga kung saan nakatayo si Emerald.

Nang una ay hindi ininda ni Emerald ang paglapit ng lalaki, subalit nang sobrang lapit na nito ay napasandal siya sa malapad na katawan ng puno. Pumipintig ng malalakas ang puso nito ngunit hindi niya nais pigilan ang ano mang gagawin ng lalaki.

Nang halos magdikit na ang mga balat nila ay napapikit na lamang ang dalaga hinihintay kung ano man ang gagawin nito.

Nadama ni Emerald ang mga daliri ng lalaki na humahaplos sa gilid ng ulo niya, hinahawi ang mga hibla ng kanyang buhok pasulok sa likuran ng kanyang tenga kasabay ng isang malumanay na halik sa kanyang noo..

Nadama ni Emerald ang mga daliri ng lalaki na humahaplos sa gilid ng ulo niya, hinahawi ang mga hibla ng kanyang buhok pasulok sa likuran ng kanyang tenga kasabay ng isang malumanay na halik sa kanyang noo

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

[[NOTE: May tela parin po sa mukha niya.]]

May takip man na tela ang labi nito ay nadarama niya parin ang lamig ng balat nito. Nadama rin nito ang pag-iingat ng lalaki sa kanya. Tila ninapahiwatig ng halik na ito kung gaano siya kahalaga sa kanya.

Hindi pa man naaalis ni Solomon ang labi nito sa noo nito ay umimik si Emerald. "Somehow, I am thankful that I met you.."

Dumistansya ng kaunti ang lalaki. "Why..?" Tugon nito.

Napailing si Emerald. "I don't know why... I just felt it.."

Bumuntong hininga naman si Solomon ito marahil ang nadarama ni Red sa mga oras na iyon.

Kumunot ang noo ni Emerald nang mapansin muli ang tela sa mukha ng lalaki. "Maaari ko bang malaman ang dahilan kung bakit mo tinatakpan ang iyong mukha?.." Tanong niya.

Hindi umimik si Solomon at marahang umupo sa matabang sanga ng puno.

Ginaya ito ni Emerald at umupo rin katabi ng lalaki at muli siyang sumandal sa katawan ng puno. "I see... So I guess I don't have the RIGHT to see your face too, huh?.." Biro ni Emerald ng may diin sa mga kataga nito.

Napaharap naman si Solomon sa gawi ng babae. May katagalan niya itong tinititigan sa mata na tila binabasa ang nasa isipan ng dalaga.

Pumintig muli ng malalakas ang puso ni Emerald. Marahan rin siyang napatitig sa itim na mata ng lalaki. Ngunit naagaw ang atensyon niya sa nakatakip na labi ng lalaki nang ito ay mag salita.

"So then, why don't you try to make me remove it?? Giving me some reason to show you my face is more challenging, don't you think??" Seryosong sabi ni Solomon sa'pagkat wala siyang maisip na dahilan kung bakit nga ba niya iniiwasang makita ni Emerald ang kabuoan ng kanyang mukha.

Napakunot ng noo si Emerald habang nakatitig sa nag sasalitang labi ng lalaki. Roon niya naalala na walang takip ang mukha ng lalaki sa kalagitnaan ng kadiliman sa silid ni Kael kagabi at dama pa nito ang matulis nitong ngipin.

Walang kamalay-malay si Emerald na ito ay pangil at hindi ordinaryong ngipin lamang.

Hindi man nito nakita ang mukha ng lalaki sa kadiliman ng gabing iyon ay may umuusbong na ala-ala sa kanyang isipan na ang labi nito ay lumapat sa kanya. Nag-init ang kanyang mga pisngi sa pagnanasa na madama ito upang maalala ang kaganapan. Hindi niya alam ang ginagawa nito o iniisip nito sa ngayon ngunit huli na bago pa niya mapigilan ang sarili..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Umabante ang kanyang katawan at napahawak sa pisngi ng lalaki, dali-dali niya itong hinalikan... Kahit nasa pagitan ng kanilang mga labi ang isang tela ay nadama niya ang lamig at lambot ng labi ng lalaking ito. Sempleng halik lamang ito ngunit tumagal sa kanyang labi.

Hindi gumagalaw sa pwesto nito si Solomon ngunit pumungay ang kanyang mga mata pagkat damang-dama niya ang init ng labi ni Emerald. Sa ganitong sitwasyon ay mas makakabuti kung hindi niya ito nadama sa'pagkat maaaring hindi muli nito mapigilan ang kanyang sarili ngunit tulad nga ng nadama ni Emerald...

Huli na bago pa niya mapigilan ang sarili.

Nagumpisa nang gumalaw ang kanyang kamay at inilapat ang hintuturo nito sa baba ni Emerald upang itulak ito papalayo.

Napadilat ng mata ang babae at nagulat sa nakita. Seryoso ang mukha ng lalaki at mapupungay ang mga mata nito sa kulay nitong pula. Malalalim na ang paghinga ni Emerald sa'pagkat nakakadama na siya ng kaba.

Ang kamay ni Solomon ay dumikit sa telang lila na nakatakip sa kanyang mukha. "You win, Young Lady.." Sambit nito at marahang inaalis ang takip sa kanyang mukha..

Bumilis pa lalo ang tibok ng puso ni Emerald wala itong ideya sa sinasabi ng lalaki. Ngunit sa wakas ay masisilayan na niya ang mukha nito.

"You made me show you what really am..."

"

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।
Dawn Of The Sullen King (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें